Monday, March 29, 2010

Sweet dream or a beautiful nightmare

Yipiii! May rooftop na kami. We didn’t plan on this actually but because Ondoy happened, my mom decided to do it. Feeling kasi ng mother ko hindi sya kayang ipagtanggol ng bahay namin pag may mga ganung incident. Coz when Ondoy happened, she was forced to move out of the house kasi wala kaming 2nd floor. Both my parents spent the whole night in our neighbor’s house. Salamat sa mamang may lubid at naitawid sila. Since our house was flood-insured, we received a good amount to start it off.

We are all excited to see what it will look like. We even consulted an architect to do the design for us. Unfortunately walang nakuha sa dalawang designs na yun. Hahaha! Masyado kasi maraming sisirain pag sinunod yun. Kaya sa itaas ng garage na lang nilagay. Sayang I dreamt of a wedding picture taken on staircase pa naman. Lam mo yun… Ayoko naman picturan ako sa garahe na naka trahe-de-boda no. Yung tipong may gulong gulong pang kasama sa picture. Di bale na lang. Nung sinimulan na syang gawin, we were like kids na excited na umakyat ng puno. Ganun yung feeling. Kasi wala pa mang sementadong hagdan nagkakandarapa na kaming umakyat sa improvised hagdan para makita kung may development na ba sa taas. Almost 1 month sya ginawa.
My mother tried sleeping there alone. Wala pa syang harang and all but she insisted. Anyway, sanay naman na syang natutulog sa labas. Sila ng tatay ko. I've experienced sleeping sa labas ng hindi sinasadya at dahil na rin wala akong choice. During Ondoy yon. Papag lang ang madaling linisin. Pwede na kasing tamnan ng kamote ang mga kutson namin sa kapal ng putik. Wala din kaming tutulugan sa loob ng bahay for obvious reason.

Nakakatakot kaya matulog sa labas... lalo na sa lugar namin na normal na ang saksakan at bugbugan sa kalye. Pero dahil inggitera ako at ayoko din naman iwan si mama na mag-isa dun kaya sinamahan ko sya sa taas. Ayun, para akong naglalamay. Bakanteng lote ang katabi ng bahay namin. Tambayan ng mga nagsasaksakan at nagbubugbugan na lasenggo. Ewan ko ba kung bakit naman nagkataon nandun sila kung kelan mahihiga na kami. Pero hindi kami natinag. Naglatag pa rin si mama. Naghihilik na ang nanay ko ng marinig kong may nagsasalitang laseng. Parang si erap lang. Iihi lang daw sya. Yung iihing yun, itago natin sa pangalang Mario. Kilalang kilala namin sya dahil sya ang nagnanakaw ng mga tanim namin guyabano noon.



Isa pa, minsan nagugulat na lang kami, yung mga gamit namin e gamit na rin nila. Nasabi nga ng nanay ko sa isa sa mga anak nya dati ng makita niyang gamit nito ang nawawala naming payong "Alam mo neh, parang hindi ko naaalalang ipinamigay namin yang payong na yan sa inyo." Kaya alam namin na "NAPAKABUTI" nilang tao at hindi nila kayang gumawa ng masama sa amin. Anyway, dahil umihi sya, naiwan yung nagiisang sunog-baga dun. Napansin kong tumayo sya sa kinauupuan nya at walang ano-ano'y sumilip sa garahe namin.
Kinalma ko ang sarili ko at binulungan ko na ang nanay ko na may nagmamasid na tao. Tinanong ko si mama kung may pang-bambo na malapit sa hinihigaan namin. Nagulat ako sa sagot nya "Nak, may isa sa ulunan, isa sa paanan, at dalawang malalaki dun sa may hagdan." Hahaha! Chineck ko.. meron nga. Praning din pala ang nanay ko. Maya maya pa, bumalik si Mario at nahuling nakasilip ang kakosa nya sa garahe namin. Eto ang sabi nya "HOY! anong shinishilip mo dyan?!?! Gushto mong mabaril ang bungo mo.. Dito ka na!" Dahil na din siguro sa dami ng atraso nya sa pamilya ko, akalain mong may takot at hiya pa rin pala syang natitira sa tatay ko. Hahaha! Natawa na lang ako sa kanila. Hindi nako nagkandatulog after nun. Kung sa loob ng bahay, praning na ko sa magnanakaw e, lalo na nung nasa labas kami.

Just want to share ang bagong bihis ng bahay namin ngayon. Wala na ang bakas ng baha.







0 comments: