BF said: "Walang Tawiran Nakamamatay"
Oscar Inocentes (new MMDA chariman) said: "Bawal Tumawid. May namatay na dito" (naglevel up na ang scary meter!)
I wonder what the next MMDA chairman's tagline would be.
Eto kaya "Wag kang tatawid. May nagmumulto na."?!?!?!?
During the early days of Mr. Oscar, I heard him in one of his interview saying "Gagawin naming Green ang Pink at Blue MMDA structures." It was one of the first project siguro. Nakakatawa. As in. Ang dami sigurong nagtaas ng kilay at isa na ko dun. It's a hogwash. Malulutas ba ng pagpapalit ng kulay ng fences ang trapik sa EDSA at sa lahat ng lansangang kinulayan ni BF? Mababawasan ba ng panghi ang mga urinals pag kulay green na sila? Ang MMDA art. Yung parang doodles lang ng mga kindergarten, ano din kaya ang balak nila dun? Pipintahan ng mukha ng presidente? Naaalala ko pa nung pintalsik si erap. Pinull-out ang lahat ng mga MRT stored Value na may mukha ni ERAP. Ilang linggo lang ang lumipas, si Gloria na ang nasa coverpage. Kung ganito ka-arte ang mga namumuno sa tin, puro pagpapalit ng mukha at kulay na lang ang magiging project nila. Just a thought. Wala naman sanang gaguhan. Ang daming perang nasasayang na sana sa mas maraming natulungan at nagawang mas matitinong project.
Eto pa. "Yung mga signs ng MMDA papalitan namin. Mas gagawin naming nakakatakot para talagang wala ng magiging pasaway." Eto na nga siguro ang tinutukoy nila. In fairness, mas nakakatakot nga sya kesa sa una but preventing the people from jay walking, I don't think may magagawa pa tayo dyan. Marami talagang pasaway kaya kahit anong panakot ang gawin nila, marami pa ring mamamatay at magmumulto din eventually.
Kaya vote wisely mga pango. Mabuhay tayo!
0 comments:
Ikaw? Anong say mo?