Thursday, June 16, 2011

Kalanggaman island: A hidden paradise indeed!




The picture says it all. Agree? No wonder why I instantly became a fan. Now I wanted to arrange a trip to Leyte next year to search for another hidden paradise. I strongly believe na meron at meron pa yan. If this is not enough, go ahead read the rest.

As I've mentioned in my previous post. This was not part of the plan. But since it was offered to us by Kuya Arca to have lunch there for only 600 per pax, plus hatid sa Maya port, why not choknut?! So the initial Malapascua loop was scrapped.

After going back and forth Malapascua because of all the talk shit of Kuya Arca and the boatman that resulted to disastrous malfunction of the boat, finally we reached Kalanggaman past 12 noon. We were so hungry. And because we were so lucky that day, there were no available nipa hut left for us. To make the trip more memorable, because we just arrived on the island, that's when they started cooking as well. Ang saya saya hindi ba?


Rona and her boo started bragging about it since she didn't expect this to happen. Hindi daw siya na brief e. lol! Masyadong maraming broken promises si Kuya Arca. Others, including us, was just enjoying the view. I hated what happened. Sobra. We all felt the same way but what should we do? Sayangin ang oras kakadakdak sa mga tinamaan ng magaling na mga taong yun? Hell no! Enjoy na lang. Damn! I really wouldn't mind if I got tanned here. Would you?

Kalanggaman... so near yet so far

I forgot to ask the history of this island and why it was called such...dahil ba muka siyang mga pulutong ng langgam sa malayo? lol!

Getting closer
Malayo pa lang may napapa-wow na ko talaga. Specially when I saw the water that surrounds the island. Uber tempting. Rona said, ganyang ganyan yung tubig ng Calaguas. So feeling ko naman nakarating na rin ako dun. Tama nga si Marx, Shit! "Parang toothpaste!" wuhuuuu!



I can't help but take a lot of pictures. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Too bad maraming tao. I thought I can have the feel as if I own it. After picturan, swimming galore na!!


After several hours, we were able to eat finally... sa boat. Wala nga kasing cottage. I thought we can drink that fresh buko juice that we paid for, unfortunately, ni hindi man lang kami pinagbukas ni kuya. The grilled fish that should be perfectly partnered with soy sauce with kalamansi and onion SANA was never prepared. Nilagay lang ni kuya sa plato. So pano namin kakainin yun? kanya kanyang kagat sa sibuyas ganun? Kanya kanyang ngasab sa buko? Ibang klase.


It's past 2pm already so we decided to leave the island. May aberya na naman. Shit kelan ba matatapos to?!?!?! hindi daw kami pwede umalis ng hindi nagbabayad ng 150 each at 500 para sa foreigner sabi ng hinayupak na mga bantay! Kuya Arca never mentioned this fee. All we know, we paid everything to him. So we were all mad. Rona and her boo didn't bring any amount. Bakit kami sisingilin e ni hindi nga kami nabigyan ng cottage? Nakikita nila kaming nakaupo sa sand at hindi man lang kami inofferan ng table.So para san ang lintik na bayad na yan?!

Von was the one who confronted the punong bantay. I was surprised to see their reaction "Sige! kung hindi kayo magbabayad, iba-ban namin yang bangkero nyo dito! hinding hindi na siya makakapagdala ng tourist dito? gusto nyo ba yun?!"

PI talaga. Kami pa kinonsensiya. Shempre ayaw namin yun no. Nakakahiya naman sa bangkero. Na settle siya sa 300.00. Next time na lang daw magbayad na kami para na lang walang samaan ng loob. Paksiyet silang lahat!








Sabay may epal =)


If you were to ask kung babalik pa ko? Sa Leyte baka, sa Kalanggaman I would think twice. It's ironic to see a lot of nice pictures of the island but the people we encountered and the experience we had was the worst.

FYI. Hindi kami nakauwi that day because we just knew that Maya is a 3 hours boat ride from Kalanggaman. We're the luckiest if we can catch the last bus to Cebu City. Shempre, we didn't took the risk. Also, they still have Malapascua loop to do. Gagabihin sila if magpapahatid pa kami sa Maya.

We just stayed on the Malapascua for another night before heading to Cebu City the next day. Check out my Malapascua entry.

15 comments:

John Marx Velasco said...

Ang ganda dito! Gusto ko din dito! Kakainis dumadami na mga places to go ko, dami na naman pagiipunan! Pero mas nakakainis yung mga may-aberya! Pero syempre enjoy na lang di ba!

JeffZ said...

Pwede ireport yang mga tao dyan sa kinaauukulan.. hindi porke't uber ganda nung beach eh ganyan na sila makaattitude.. tsk, kakapal ng mukha ah.. hindi na nga accommodating, mukha pang pera..

Kung ano nga ikinaganda nung lugar, sya namang ikinapanget ng mga ugali nung mga taong nakaencounter nyo.. tsk!

anyway.. marami pa ngang magaganda sa leyte.. isa lang yan.. kung yang mga taong yan rin lang ang maeencounter ko pag napunta ako dyan, wag na lang oi.. :)

eMPi said...

Like ko yong second photo. hehe


ang liliwanag ng kalangitan. :)

at ang linaw ng tubig. whew! sarap!

bertN said...

Ang ganda naman pala d'yan kaya maski na maraming hassles duon sa deal ninyo ay hindi ka naghuramentado LOL.

Kura said...

@marx - natutuwa nga ako dahil nagrecompute ako ng lakbayan at naglevel up na siya ng kaunti. Yung dating C- naging C na. hahah! Isn't it nice? Habang dumadami ang naccross out kong lugar, nawawalan na rin ng lugar ang pera sa bulsa. hahaha!

@jeff- kaya nga e. ang aangas ng mga taong yun. I can't help but compare them to people of Palawan. Sobrang laki ng difference. Damn! Hindi lang yan ang magandang lugar sa Pinas no. Wag silang mag feeling.

@empi - thanks! chamba lang lahat yan. hahaha! Chaka kahit naman wala masyadong alam sa photography, kung ganyang kagandang lugar that skill is really not necessary. Shot lang ng shot.

@sir bert - thanks sa laging pagbisita! ayoko ng negative vibes sa mga trip as much as possible. sayang ang magandang memories if mababahiran ng ganun. It's true that kamalasan makes the trip more fun pero wag naman sana lagi. At hindi ganitong level. hahaha!

Chyng said...

true, no one owns the beach! mga gahaman yang mga yan!
ang ganda nga ng lugar, madami namang abusado..

alam mo, kung dinepensahan sana kayo ng walang kwenta nyong bangkero, pwede namang di na kayo magbayad.. pero ano pa nga ba, e sibuyas nga ni hindi man lang hiniwa!

nahighblood ako!
irereport ko yan! (hobby? hehe)

Kura said...

hahahaha! oo nga nagiging hobby mo na yan girl. adik!

Ang kakapal ng mukang maningil e no. Too bad hindi ko man lang naitanong ang name ng bangkero sa sobrang badtrip namin. hahah! Wala rin silang mga cellphone number. Hindi ko alam kung may iniiwasan ba at ayaw ibigay samin. Ang iwasan na lang nila si Kuya Arca at ang mga packages na inooffer niya.

Pinay Travel Junkie said...

Natawa ako sa hirit ni Chyng! Kaka-highblood nga yan... Ganda pa naman ng island.

Shey Malindog said...
This comment has been removed by the author.
Pack up and Drift said...

huwow! ang ganda. para ngang calaguas. gustong gusto ko na tuloy makapunta dyan.

thepinaysolobackpacker said...

hangganga nga ng beach. so sad nga lang yung experience nyo. pero madame daw tlga daw s leyte. wait, leyete eto ayt? or is it cebu? thanks for sharing! =)

Kura said...

yes Gael! It's in Palompon, Leyte. thanks for visiting my blog. Medyo konti lang nakikita kong entry sa leyte pero i'm sure marami pang unexplored beaches dun.

Ed said...

waaa. kakacomment ko lang sa malapascua na mabutit pumunta kayo ng kalanggaman kasi yun yung next stop ko... takte, bad experience pala ang nangyari sa inyo! bad trip!! pati ako nainis! chyng, nareport mo na ba toh? hehe.

pero yeah, sayang naman kasi bad service talaga ang isa sa mga factors na nakakadismaya sa isang lugar. pero mabuti na rin at maganda ang lugar para di sya magmukhand double-dead (ewan ko kung anong ibig sabihin ko nito, basta doble yung pangit -- pangit yung lugar, pangit din ang serbisyo. hehe).

Kura said...

yep gets ko yung double dead mo. botchang botcha! hahah! sana hindi sila ganun sa iba pang guests. Ayoko sana ikwento yun kasi nga baka marami madismaya. kaya lang, gusto ko rin makarating to sa kung sino man ang kinauukulan. warning na rin sa mga gustong pumunta so they know what to expect..

Nakakapanghinayang lang na hindi good memories ang naretain sakin dun. Ang ganda pa naman. Hindi na ko uulit sa kanila. hahaha! =)

Anonymous said...

後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮