Sunday, June 26, 2011

Cebu City Tour

Before I go back to Bohol next week, I'd like to finish this series first. Marami na kong backlog sa office at ayoko ng idagdag pa to. Charot! Ako na ang tamad..

Please visit my previous posts on my Cebu-Bohol-Leyte Trip:
                   Teaser
                   Bohol Day Tour
                   Malapascua: The Pleasure Runs Deep
                   Kalanggaman Island: The Hidden Paradise

As I've mentioned on my Kalanggaman and Malapascua Entry, the whole day Cebu City tour was spoiled dahil na rin sa mga hindi kanais-nais na kaganapan sa islang yun. We were supposed to try everything what Cebu can offer but we only have 6 hours left. Inabot kasi kami ng nakaririmarim na 5 hours bus ride from Malapascua to City town proper. Define "Nanlilimahid" talaga. Muka na naman walis ang buhok ko. I can actually draw the Map of Cebu on my legs. Ganun katindi. 

Since we are bound to go back to Manila on that same day, we have our luggage with us. Dyahe magbitbit. We don't have a place to stay to put all of those so ang matinding diskarte was... to check in everything at SM baggage counter. Style ko na yan noon pa. You might want to try it too.

Dahil nagkakarambola na ang tiyan ko sa gutom at past 12noon na kami dumating, we headed straight to the newly opened branch of CNT Lechon near SM Cebu.

CNT Lechon
I feel for all Biggest Loser Contenders nung binigay sa kanila ang challenge not to eat it. hahah! I really can't resist this temptation. Who can? Kalimutan na ang sarili. Wuhuuu!

Maglalaway talaga lahat ng naka-pila habang nakikita ang botchang Lechon na yan. lol! Ang sarap dilaan ng salamin promise. hahaha! now I know why this is famous. Forget about the sauce dahil unang una, wala sila nun, suka lang ang meron. Pangalawa, I don't think you'll be needing it. That alone is superb.

I just want to comment on how they serve their clients. Sensiya na umaariba na naman ako sa reklamo. hahaha! Since first time namin, we have no idea. Walang sistema. Nagkalat ang tao sa counter. Walang price list. Lahat self service. Dalawa ang counter kaya hindi mo maintindihan kung san ba dapat pumila. Aantayin ba ang Lechon o kahit walang Lechon magbabayad na? Ang sakit sa ulo. I just asked the staff kaya ko nalaman na we have to get priority number on the counter pala and wait for our turn para makapili ng Lechon part sa mahiwagang salamin nila. Ang classic dun, wala din naman silang mic sa counter kaya naglipana din ang tao. Sa susunod ha! Paki ayos please. Kung di lang masarap yan e.

After naming makipagbakbakan sa hapag, we're ready to go. Aja! 

Cebu City is known for abundant historical landmarks. It is where Christianity pioneered in the Philippines. At sino pa nga ba hindi nakakakilala kay Magellan? Naman o. Ay sha! kanya na ang Cebu. =)


Cebu Metropolitan Cathedral, (1595)




Basilica De Sto Niño, 1565
I thought Baclayon Church of Bohol was the oldest. Mas matanda pa pala to. Whew! May mas tatanda pa ba?




There were a lot of candle vendors outside. Surprisingly, the candles come in different colors. Really cute. Each has its own meaning. People buy them depending on their intentions. Look what I got...

Pink for Love Life (ayiiii! ganun talaga! kasama yan), Yellow for Family, Red for Sto Niño
The red one is the most important. Default na daw yan kasi bale wala ang wish mo pag wala niyan. I'd like to buy all kinds but I don't have enough money left. Gusto ko sana yung pampayaman, pampa-stable ng career, pampa-lusog ng pangangatawan, pampa-puti, pampa-sexy, pampa-gana. Char! hahah! Besides, we still have a lot of places to visit. Mayayare ako pag pinakyaw ko lahat!

Ayon sa aking mapa..

(Yes I created a map sabi ko nga diba? Kung ang iba ay project ng anak ang piniprint sa office, ako yung mga parapernalyas ko sa mga trip tulad nito.)




Just a few steps away, you'll be able to find the ever famous Magellan's Cross.



 
Ilan pa lang ang naccross out ko sa mapa ko but my mom and brother were dead tired. Isama mo pa ang matinding init ng araw. Bakas na sa kanila ang katamaran. hahaha! When we arrived in Fort San Pedro, they just sat at the receiving area and decided to just rest there while I'm inside. I paid for P30.00 ata para sa  entrance. (Sorry I'm really not sure)


Fort San Pedro is like a mini Intramuros. The difference is hindi kwentong Kastila't Hapon ang makikita mo. Si Magellan ang bida dito at kung pano nadiscover ang Cebu.



Kung gano rin naging pugad ng mag-boypren ang Intramuros, hindi rin nakaligtas ang lugar na to. Ang sarap nilang sabuyan ng asin! hmp! Mang-ingget ba! BUSET!








Sumuko na rin ako after this. Isa pa, ayokong maging disaster ang ending ng seryeng ito. Ilang araw na rin naman kaming pagod kakabyahe. For our finale, since we still have time before our flight, I just treat my mom and brother to watch XMen First Class sa SM Cebu. Buti na lang it turned out to be a great movie. Yes, dumayo kami ng Cebu para manood lang ng sine. hahaha!

All in all we had so much fun pa rin kahit maraming aberya. Anyway, this won't be memorable without it. Natupad ko ang dream ng kapatid kong makasakay ng airplane, nadala ko ang mother ko sa pangarap niyang destination, what more can I ask for. 

Next summer vacation niya ulit. We'll be planning a family trip again. Sana kumpleto na this time. Hanggang sa muli!




10 comments:

Chyng said...

i noticed that the locals wave their hands to Sto.Nino to say Bye-bye. =)

btw, di ko bet ang lechon na yan.. ewan ko ba..

isp101 said...

Very nice photos of the Church facade. Nakaka miss na kumain ng litson, pero bawal na yun sa hypertensive na gaya ko, hehehe! Tnx for sharing! =)

Shey Malindog said...

like ko yong nagkakagulo sila sa pag harbat ng lechon.. Ahehehhe! Seriously, gusto ko how you delivered your experience here, nag eenjoy ako at naiimagine ko yong init ng ulo mo sa mga aberyang ngyari' nothing fancy at pang masa.. Lahat makakrelate.. Keep it up!

eMPi said...

matagal na akong di nakapunta sa simbahan na yan... as in sobrang tagal na. high school days pa yata noong huli kong punta sa Cebu! Ibig sabihin nito, tumatanda na ako. Oh my... :D

John Marx Velasco said...

I miss Cebu! Di mo napuntahan ang Tops and Taoist Temple? Pati sa Sutokil, sarap ng food dun!
Ako din nung first time ko sa CNT napansin ko wala silang sistema, nagkakagulo mga tao. Self-service! Hehehe!

Kura said...

@chyng - ay hindi ko napansin yun. =(
kaya ko siya nagustuhan kasi sanay ako sa lechon na balat lang ang may lasa. Yung sa kanila nanunoot. parang ininjectionan ng Seasoning habang niluluto. yummy!

@isp101 - thanks! actually ako din bawal.. kasi dina-diet ako ng mama ko. hihih! pero spared ako that day kasi first time namin sa Cebu.

@shey - hahah! naku oo. Tapos cebuano pa. Hindi pa naman ako marunong. Salamat sa comment. Nakaka inspire magsulat ng magsulat.

@empi - wow bata pa lang galaero na. ikaw na! haha!

@marx - naku hindi. Sayang nga e. Ang layo niya sa map. isa pa, wala na kong pera. panirang pasalubong. hahaha! bakit parang wala kang cebu entry? hinahanap ko yun before ako pumunta e.

pusangkalye said...

hay. it feels like cebu all over again.kakamiss. pero ha.tawa nakong tawa dito sa post na to. define nanlilimahid talaga and drawing the map of cebu on your legs and the Sm thing.hahaha.

buti nalng me SM no?hahaha

John Marx Velasco said...

Wala pa akong blog noon nung nag Cebu-Bohol ako! First time ko din mag-plane nun and dami ko din friends sa Cebu! Kaya I love Cebu!

pamatayhomesick said...

tara na usap tayo...
mahusay ang mga pix...may drama sa bawat kuha...

pati ako napapalaway sa unang picture-tara kain tayo.. waaahhhhh! wala nyan dito sa lupang buhangin!..nahomesick ako bigla.

Anonymous said...

後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮