Sunday, July 31, 2011

Meet my Zac

It's been a while since I had him. I never got the chance to tell everyone because I was too busy pretending to be busy at work. hihihi! Anyway, this is one of my 2011 goals. And until now I still can't believe it happened to me. It was just a dream then. Well, I know I can have him someday but hey at the age of 25?! Men that was fast. Thank you Lord. So much.


He doesn't know how glad I was when I saw him for the first time. I was in the office when someone called telling me to proceed in the ground floor.. Someone's waiting for me. I was in a hurry and excitement filled my heart but I never let anyone noticed it. As I started walking down the last few steps of the stairs (imagine a fairytale scene), I can't help but smile. Little by little I've seen him right before my eye. I was in a verge of crying but ... 


NO. OA lang. Sh*t magkaka-hematoma ko sa pinagsasasabi ko.. hahaha! Ano ba nakain ko ngayon?!? 


Actually, he was the reason why Stress and I became so close after a very long time. Siya rin ang nasa likod ng sandamakmak kong pimples nun. Hindi niya ko pinapatulog at napaiyak na niya ko once. It was hard to fight for him. I almost gave him up. I even asked for my mom's advice if it's ok to let him go and I was surprised that she was very supportive. Even if my parents know I longed for him, pero sobrang nahihirapan naman ako... maybe he's not worth it.

But before you think of anything else, I'd like you to meet him..

my new baby Zac
Adventure it is! I posted this not because I want to be envied by many. I just want to make people believe that dreams really do come true if you work hard for it. Naks! gumaganun talaga. hahah! Seriously, being a not-so-brainy type, embracing a middle-class lifestyle, a plain average kinda girl.. who would thought I can afford it.

No. I didn't join Wiltime Bigtime or any other variety show. Hahah! May hiya pa ko no. lol! I consider myself lucky siguro because I have very nice bosses. My supervisor is one of my best buddies in the office by the way. I got promoted a few months ago and that position gave me the privilege of availing a car loan. If my promotion is somewhat related for befriending my boss, that I don't know. hahah! Joke. I believe... somehow... I deserve it. Honestly, I tried to turn down the offer. Ako na mayabang. hahah! E kasi naman no.. promotion equates with new responsibility. Dun ako natakot. I'm sure you know me a bit if you're a regular reader of my blog. Muka ba kong igagalang? Chura ko. hahah! Puro lang ako kalokohan e. But I pictured my future at ang kaakibat na salary increase + privilege na yan. My parents are both retired. Currently, I got my mom an HMO card - a one dependent benefit. With the increase, I can cater my father and brother as well but with a pay na. I accepted it eventually. Isa pa, I hated my uniform before. Nawalan ako ng fashion sense. lol! Chaka skirt kaya! Pagbubuhatin ako ng server tapos skirt! Kamusta naman!

A certain amount will be given by my employer which is enough to buy a second hand. Half of it will be deducted on my salary for five years. Great deal isn't it?

Ilang beses pinagmeetingan sa bahay ang car loan topic na yan. I was torn between length of service and the feel of salary increase. I want to break the rule na "As your income rises, your lifestyle follows" Isa pa.. Am I ready to be stuck in that company for five years? Ako na hindi tumatagal ng isang taon sa company? Kahit hindi nila sabihin sakin, they wanted me to say YES. Ilang taon na rin kasi kaming nahihirapan mag-commute everytime we visit our relatives in the province or even just going to the mall. Sabi ko nga, matanda na rin sila. I guess it's time I let them experience a little comfort. They won over me. Basta tutulungan nila ako sa expenses.

For me, second hand is fine. Anyway, hindi ako matatakot na ibangga siya sa pader ng maingay naming kapitbahay unlike pag bago. My father was an FX driver before so he knows how to assess a car. Hinayaan ko siya maghanap. After several attempts, sumuko siya. hahah! Naubos ang pasensiya. Brand new na lang daw. Lalo akong na-istress.. I have to let go of my 5 years savings because of that?! Sobrang persistent ang family ko. Ang dami nilang sinabi. Kesyo lalabas daw agad ang sira ng second hand kaya nga daw binebenta, babae pa naman daw ako.. pano kung masiraan sa EDSA. Kaya ko daw ba magpalit ng gulong. Basta ganun. So nagpa-uto naman ako in short. hahaha!

If I'll be asked to choose kung sino mas bongga between a lady driving a high-end sedan over a lady driving a karag karag na 4x4, I'll choose the latter. Astig kaya. Hindi naman kasi ako bagay mag pa-sosyal. Wala sa ligaw ng bituka ko. Kaya lang sabi nila, ang sagwa daw pag dinala ko sa office. Imagine naka corporate attire ako tapos ganun ang dala ko. E daig ko pa ang sumasabak sa pelikula ni Lito Lapid. hahahah! So sabi ko Adventure na lang. At least malaki laki din.

After submitting all requirements, it took 1 month when I finally received the check. I had medical issues kasi. The insurance company required me to submit another physical exam. Actually, walang problema yun e. Ang nakaubos ng pasensiya ko yung loan processors. The usual duration is 2 weeks mind you. Ramdam na ramdam ko ang PALAKASAN galore. Bakit? Was it because I was promoted at a young age kesa sa kanila na umangot na sa kompanya? Was it because I don't have someone to back me up? Hanggang sa ako na mismo nakipag-usap sa insurance. Yung tipong sila pa ang late naka-alam na na-grant na ko. At the last phase, I let my mom do the talking kasi I have the tendency to burst pag may isa akong nakaharap sa kanila. Kaya ako naiyak kasi masama lang talaga loob ko. Pinaramdam nila sakin na I don't deserve it. Kaya imagine nyo na lang nung nakita ko na si Zac finally. Ibang klase..

For the record, I was able to drive up until second gear. Hihihi! Beginner na beginner e no. Kasalanan ng mga gwardiya sa sementeryo namin. Nasa climax na ko ng pagshi-shift chaka naman nila ko hinaharang. No practice driving daw. Sus! Ayaw ba nila nun, at least PATAY na ang masasagasaan ko if ever. Kesa sa lansangan ako diba? Hindi ba sila natatakot para sa mga taong nakahalang sa dadaanan ko? KJ. Salamat sa tatay at kuya kong mas kabado pa kesa sakin at pinagtya-tyagaan ako. hahah!


First time to drive

For 2 consecutive months, I'm glad hindi pa naman ako busabos. hahah! Tingnan natin after a year kung makiki-member na ko sa pagpag gang. hahaha! I can still sustain my passion for travel even if I had him. If only I can disclose my salary, you'd be more surprised. Swear. Pilitin nyo ko dali. hahaha! joke. Lakasan lang ng loob yan. I may have given up my garampot na ipon for 5 years, e san ko nga din ba gagastusin yun no. Ibibili ko rin ng sasakyan malamang. If you're going to ask pano ako naka-ipon, simple lang ginawa ko. Sumali ako sa paluwagan. Yung tipong 25% of my kinsenas e alloted for that. Sapilitan. At salamat din sa 18 months bonus namin. I'm not a techy nor trendy person. Gastos din yan e. Would you believe I've been using my phone for 7 years na?! Yung tipong maaawa ang holdaper at ibabalik pa sakin. Pwede na nga siya i-archive sa museum. Promise.

To Zac, exactly today... we've been together for 2 months but still I can't drive you myself. Tamad lang. hahah! Pasasaaan ba't masosolo din kita. Stay put.. Can't wait to begin a new journey with you in the picture. ^_^

Saturday, July 23, 2011

Bohol Series Finale: Citadel Inn & Bohol Itinerary


Naks! First time ko magke-create ng write up para sa accommodation. Feeling sponsored lang. hahaha! Anyway, I don't want to make a career out of blogging as of now. This is just my outlet from the toxic world of IT. But since I really loved the place, and my friends have just made a lot of unforgettable moments here, I might as well share it to everyone.

Dahil last leg na to.. please check out muna all the other entries kung gustong makarelate...



Citadel Inn is located in Baranggay Tawala, Panglao, Bohol. It's just a 5 minutes walk from Alona Beach. At hindi siya beach front ok? If you're a person na gustong sinasampal ng malalakas na hangin at ginigising ng tunog ng alon sa dagat, I would not recommend the place. Bentilador at tubig sa banyo lang ang maririnig mo pag sa Citadel ka nag stay.. For me, 5 minutes won't hurt. It gave us window time to chat while we're heading to the beach.. which is good. Habulang baboy kayo if you want. If you're interested to know more about it.. Ito siya..

O yan.. para madali ang buhay
Nung first day namin, we arrived there around 9pm. We were surprised to see such a beautiful mansion. Yep. Mansion siya talaga. Sampung kwarto kaya. I learned it was actually a house before then naging business na nila. Extension to the max. I regretted I never took a picture of Citadel that night.. Sobrang pagod lang sa day tour. Isa pa, as if naman keri ng point and shoot ang night mode. Ubos na battery ko nun, wala pa ring matino. hahah! Anyway highway, ito na lang ang maibabahagi kong picture na nanenok ko lang din sa internet.

At hindi siya night shot.. hihihi! Wala ko makita e.
I never expected na ganun siya ka-nice sa personal. Imagine.. P1250.00 lang ang fan room nila per night for 6 pax na. Meaning almost 208 lang ang per person. WTF! mapapamura ka talaga. May kasama pang breakfast yan. Bacon and mashed potato... Joke! Walang breakfast no! Grabe ano yan? Evacuation area? Taob ang food feeding program pag meron pa nun. ASA! hahaha!!

For the first night, we tried ipa-on yung aircon. Pa-experience lang. hahah! Kaya lang, medyo hindi kami nasiyahan. Parang same lang ng lamig ke may aircon o wala. 2000.00 ang charge. So we chose na mag fan room na lang for the rest of our stay. Itigil na ang pagpapanggap na mayaman.

What we loved about Citadel? Aside from it's cheap, you feel like you're just at home. As I've mentioned in my previous Bohol entries, we were able to use their kitchen for free. I cooked meals for my friends. Because of that, we saved a lot. Another plus plus points. Malapit lang din ang Rona's corner na parang mini grocery store. I thank the owners for being so friendly to us. May isang instance kasi, magsasara na sila kahit maaga pa..(medyo may edad na kasi). Gusto namin ng Tanduay Ice but I forgot to bring enough money. Inantay nila kami. Another day, yung asawa naman niya ang nag asikaso samin. Siya pa nagbibitbit ng mga grocery items habang naglilibot kami sa tindahan nila.

May common living room din si Citadel for all guests. However, common lang din ang bathroom. Though they do have 2 sets each floor and off peak pa ang July kaya solo namin ang restroom sa first floor.

The succeeding pictures were taken by Jeneson Leyva. Lufet mo bro! Uwian na yan at wala ako sa eksena. Nandun ako mag isa sa room. Habang pinagpapawisan ako kaka-compute kung magkano ang damage naming lahat, hayan sila at picturan ng picturan sa labas. Naka-off shoulder pa kong lumabas para sana magpapicture din sa SLR na yan chaka naman sinabing bilisan na at baka kami maiwan ng pleyn.. Friends ko kayo no? hmp! 


Ito na ang bunga ng kanilang pagtataksil...

naks! may ari?
Yan yung sinasabi kong salas nila. I just love the color. Yan din ang gagawin kong theme sa bago kong kwarto. Excited na ko. Ok going back..  The stairs will lead you to the kitchen area. You will be amazed by the man made forest murals painted on the wall. Forgive me at wala na naman akong picture.

Reception area
They also have friendly staff. Kahit maglakwatsa ka magdamag siguradong may magbubukas pa rin ng pinto pagkatok mo. Wag lang matatakot kung mamula mulang mata ni kuya ang tatambad. Senysa na.. puyat lang siya. hahaha! Nabiktima ako minsan.

Parating malinis ang restroom. Actually malaking factor yan for me. Ako na sakitin at allergic sa dumi.

Apo jukay?

This is also part of receiving area.

Buddang malnourish
A room full of paintings. Unfortunately, I did not have time to check who made it. I don't usually appreciate paintings. But those were great. Well, I just based it on colors that's all. No other reason. Maarte lang ako pero hindi ako pwede sa mga art gallery. Babatukan ako ng may gawa pag sinabi kong sperm cell na iba't ibang kulay ang nakikita ko sa picture tapos yun pala nuknukan ng lalim ang perception nila. Yung ganun ba.. Nakakahiya kaya.

We also have bar counter at home pero hindi sing ganda nito
Trivia lang: If I'm in a mall, you can find me most probably in Home World, Ace Hardware or in any portion which has something to do with home appliances, furniture and accessories. Ang weird ko no? hihihi! Tamad kasi ko mamili ng personal things like clothes, bags, shoes. Usually, I would buy what they put on mannequin. If it's not the best, they won't hang it there right? para mabilis. Pero with the home thingy, I find it lovely. Para siyang goal for me. Na dapat may ganun din ako someday. Anyway, mahaba na ang triviang ito.

Moving on..

"Ang ganda nga ng view" -bilbil
Peace Mich! hahaha!

My favorite.. Parang commercial lang ng nescafe
Since we did not hire someone para magpahatid sa airport.. naghanap na lang kami ng masasakyan sa labas. Another set of tricycle drivers. We chose not to deal with them anymore. Sakto may dumaang bus with the sign "Tagbilaran". Yun na! We we so amazed how they maximized the bus. Ang arrangement kasi, hiwa-hiwalay kami. Unang pasahero e. Gusto lahat sa bintana.

L-R: Rachelle, EJ na dala ang envelope ng degree of fear management, Karen, Jeneson & Mich
At wala na naman ako sa picture siyempre.. Anyway, ganyan ang eksena sa simula. Mantakin mong nagkasya ang labinlimang katao simula sa pwesto nila Rachelle hanggang sa likod. I was located near the passenger entrance. Nagtataka ako kung pano pa nakakapasok ang tao samantalang puno na. Usisera ako so nilingon ko sila, biglang may hinugot si kuya konduktor sa gilid ko. Mini bangko na nilalagay sa gitna at nagdudugtong sa dalawang upuan.. hahaha! Galeng. Only in the Philippines. Hindi pa diyan nagtatapos yan.

Bayaran na. I heard my phone rang. Si EJ lang pala. Pwede naman akong sigawan bat kailangan tumawag pa. Sabi niya, may natira pa ba sa pera namin at ibabayad daw niya. I replied "wala" pero ako muna ang taya. Tutal lagi naman nasa may pinto yung batang konduktor. By the way, P 25.00 lang each. Mura kesa nagrent kami ng sasakyan.

Ang tagal ng biyahe. Ni hindi ata ako nakaramdam na nag-tricera si kuya driver. Bothered kami pag may bumaba. Lalo na pag galing sa kalikod likudan ng bus. Lahat ng naka-halang damay damay. hahah! In fairness, isa lang ang destination naming lahat. After an hour nakarating na kami sa town proper. Sabay sabay din naghulasan ang mga tao. Kaya pala ok lang ang ganung diskarte. That's the time I was able to ask EJ. Sabi ko "Pano ka siningil? e hindi naman kasya ang konduktor sa sobrang sikip?" Naloka ako sa sagot niya..

EJ: "Galing siya sa labas. Nakasabit habang umaandar. Pati ako nagulat e. hahaha!"

May future sa "Jeepers Creepers" ang batang yun. hahahah!

We just took our brunch in Mcdo and decided to buy our pasalubong sa isang mall dun. At least pag sa mall may expiration na naka-lagay. Safe na rin. Surprisingly, nung iiwan na namin bagahe namin sa loob, hindi daw pwede. Sa may parking daw kami pumunta. Weird. Yun pala may bayad pag ganung naglalakihang maleta na. The good thing is.. consumable siya. At least siguradong may kita sila. Panalo sa diskarte. For us, ok lang. Talaga naman mamimili kami dun e.

We headed to the airport via tricycle. P10.00 each lang. Buti na lang talaga kasama namin si Michelle na Boholana at alam ang pasikot sikot. You saved the day girl. Finally nasa airport na kami. As usual, late kami. May naka-lagay talaga sa bag tag na malaking "LATE" hahaha! Ipangalandakan ba?

Photo op with our Pilot Arnold Alcantara & uhm Arn Arn?... sorry I forgot

Surprisingly, Sir Arnold is the father of Michelle's Cousin's classmate (tama ba ko Mich?) hahaha! Ah ewan. Naconfirm lang niya yan when we were in Manila. Ni-research talaga ng gaga. hahaha! Pilot amazes her. Lagi yan. Pag may flight siya nagpapapicture siya sa tabi nila. Kahit sino pang pilot yan.


EJ on FB: Bakit ikaw lang ang hindi ma-oily sa pic?
Me: Kaya ko nga ni-like diba?

At ngayon.. kaya ko rin ipopost. hahaha! Hindi ako papayag na isa lang ang picture ko sa entry na to.


We bid our last goodbye.. 




Bye Bohol! Until next Seat Sale! hahaha! I will definitely be back in your arms.

Bohol Itinerary:
Arrival 1:00 pm

Day 1
    1:30pm to 6:30pm- Countryside tour:
               Mag Aso Falls
               Baclayon Church            
               Prony the Python
               Tarsier Sanctuary
               Man made forest
               Chocolate Hills
     6: 30pm start of Loboc River Night Cruise with Buffet Dinner
     9:00pm lights out

Day2 - 7:00am - Pick up
            9:00am - Experienced Suislide and Plunge at EAT Danao
            12:30pm - Bohol Bee Farm for lunch
            2:30pm - Hinagdanan Cave
            4:30pm - Free time

Day3 - 5:30am wake up call
           6:00pm Pamilacan Island for dolphin spotting
           9:00pm Balicasag Island for snorkeling
          10:30am side trip at Virgin island
          12:00pm ate lunch at Alona beach and slept
          2:00pm Panglao Island Nature Resort
          6:30pm - Buffet dinner at PINR

Day 4 - uwian na

Day 4 Expenses:
Bus fare going to Tagbilaran - P25.00
Mcdo Happy Meal - around 100.00 each
Tricycle to the airport - 10.00 each

Airport fee - 20.00 each
Total Expenses: 155.00 each per person


I just spent a total of  P5941.00 (pasalubong excluded) for my 4 days stay in Bohol. Partida naka-dalawang buffet meal pa yan ha. Check out other entries if you wish to see the cost breakdown.


Just got the second pic on the net. Click here for the source. Check out  Citadel Alona Inn 's website for more info.

Friday, July 22, 2011

Summer Station ID - Anilao Getaway




I just feel the need to post this.. nanghihinayang ako sa effort ng friend kong si rachelle. Clap for you girl! I love it! kahit lipas na ang background music at hindi na SUMMER ngayon hihihi!.. (parang bruha lang si Mich sa preview. hahah!) nag enjoy ako!
 





Monday, July 18, 2011

Love Love Love: Panglao Island Nature Resort


Yey! Here it is finally. Forgive me my friends. I've been bragging about this right after we left Bohol but it is only now I had the time to blog it. Sige na kayo na ang may love life. Grrr! I mention that kasi I told them na perfect ang lugar na to for couples - be it young, young at heart, feeling young, nagmumurang kamatis, mga amoy-lupa, mga naaagnas na, o ke senior citizen pa yan (hindi ko lang alam kung powerful pa rin ang ID nila sa discount hihihi!). I highly recommend the place. I may not have someone to share it with AS OF NOW, but still I'm Truly, Madly, Deeply in love in Panglao "I Love" Nature Resort. (Maybe they should change the name of PINR to that. hihihi!)

Oh but before that, syempre hindi lang yan ang dadayuhin nyo sa Bohol. You might want to check out all the other entries to complete the journey:



As previously mentioned on my Balicasag entry, after we ate lunch, we went back to Citadel Inn to freshen up a bit and sleep if we still can. Effort talaga makagawa ng tulog. Kasi sabi ko nga, wala kaming dry spot the whole day. Since we will get wet in PINR, I told them not to change anymore. Ang maldita ko ba? hahah! Pabigat lang ang mga damit na basa sa bagahe e. Basa na rin lang, so be it. In fairness, successful ang tulog na yan. Ikaw nga ang makipaglaban sa notorious na wave at magkakawag ng magkakawag sa Balicasag. Ewan ko lang kung hindi sila mapagod. hahaha!

After an hour, I woke them up to get ready. We saw 2 tricycles outside Citadel and we asked for the fare going to PINR. 250 daw ang one way. Itago natin sa pangalang ADIK si kuya. Mich was not convinced. She went back and asked our receptionist kung magkano ang fare ng hindi dayo. It ranges from 150 to 250 she said. So we turned them down. Lucky us we saw a few tricyles sa hindi kalayuan. Finally, we got a deal for 150. Great. Nagulat kami when ADIK appeared. Though I cannot understand their dialect, naiintindihan kong he was pissed they gave it to us on a cheap rate. I think may standard sila for tourists. He blocked our way kaya nagtaray na si Mich. She's a Boholana by the way kaya kung inaakala nilang hindi namin maiintindihan ang sinasabi nila, nagkakamali sila. Bago pa kami madamay sa mga basag ulong yun, we decided to leave and try our luck sa ibang tricycle driver. Persistent si Kuyang 150. Hinabol kami at siya na ang humingi ng dispensa sa mga kasama niyang driver. Before we left, hinampas ng ADIK na yan ang likod ng tricyle. Tseh ka!

Wala pang 30 minutes, we arrived.


Madam on the loose. hahah!
By the way, we availed their day tour package and paid P450.00 each. You don't need to make reservations. Guess what.. 350 of that is consumable na sa food. Meaning, the entrance fee is only worth 100 pesos. With the great view, uber romantic back drop, at nuknukan ng sosyal na lugar na to, I never imagined we can afford it sa murang halaga. Luvleh talaga hindi ba?!

Enough of the long introduction... Check out these pictures and experience what I was talking about kanina pa...

Care to hitch? ahihi! hindi yan free of use.. mamili ka,,, pagkain o ito?




Oh yes they have game area! Woot woot!




What I really love about the place? May inner peace. hahaha! Hindi kasi siya crowded at kami lang halos ang maingay. Parang we owned the place na nga kasi uber konti lang ng tao that time. Kung meron man iba, mukang mga haciendero at haciendera o di kaya mga thunders na may ari ng mga kompanya sa Manila. Kaya sawa na siguro sa kakaswimming sa pool. Walang tuloy masyadong epal sa pictures. I like!

Ayoko ng rainbow colored top
They also have event venue. If I'm going to say "I do" someday, this is definitely included on my short list for the reception area. Kanya kanya nga lang pamasahe papuntang Bohol ha. I hope I can get another roundtrip plane ticket worth 214.00 by that time. Hihihi!






WTF! What a face. Hong laki! hahah!
Let's get to the pool area..



Now this is awesome!

Infinity pool is my weakness. I've always wanted to have a picture taken at the edge. Syempre hindi ko pinalagpas yan. Pero I won't share it with you. Ang sagwa. hahah! For my eyes only. As you can see, there's a man-mad islet at the background. It's one of my favorite spots there.




O diba parang kami lang ang tao.. Let's hit the beach!



Compared with Bohol Beach Club, PINR has a small stretch of white sandy beach front. E aanhin ko ba napakaraming buhangin no. Masaya na ko diyan. I love the texture. Parang clay siya pag basa. It was the first time I went to the beach barefooted. Usually kasi I always wear aqua shoes. Dati na kasi akong nakatapak ng bubog. Nadala na ko. Aliw siya. Parang mga santong naglalakad sa tubig ang mga tao pag low tide. Super fun talaga!

"♫Magpakailan man. Hindi magbabagooooh ♫" hahah! Mel Tiangco?

We went to the man-made islet to capture this stunning view
I thought we need to rent a boat to get there. No need na pala kasi nga low tide. Chyng said para siyang Station 1. Since I've never been to Boracay, I just browsed for pictures just to compare.

Maybe she was talking about this one.. hawig nga!
Biglang gumanda yung quality ng pix e no. Shempre hindi akin yan. hahaha! Click here for the source.



Still remember P'nam and P'Shone of  "A little thing called Love"? Yung eksenang yun sa bridge... ginaya lang nila sakin.. ehem! hahaha!
Enough of this.. Nanlilimahid na ko kakapicture. Basaan na!



Ang creepy. hahah! Ako ang nagpagawa sa kanila niyang pose na yan pero ako ang natakot sa outcome. hahah!


Diyan lang ako nakakita ng pugot na ulong nakangiti. hahaha! Panalo!



Ayiii! Sila ang sobrang naka-appreciate sa PINR. Babawi talaga ako't.. (dudurugin ko sila bwahahaha!)

Marami akong kwento sa sa susunod na mga pix. I was planning of posting it isa isa pero baka may quota ang blogger.com. Nuknukan ng dami. hahaha! Mga hayok talaga. Default na ang jump shot sa pool ayt? EJ tried it first. Pero sa taba niyang yan, laging fail. Rachelle however, first attempt pa lang, successful na. I showed it to EJ. Hindi ko akalain ganun siya ka pursigido matalbugan yun. Nakakaloka.

EJ: Hindi ako papatalo. Dali picturan mo pa ko.
Me: O sige go lang ng go.. Full bat pa ko.

Akyat baba siya sa pool.. iba't ibang anggulo, iba't ibang concept. Sabi ko wag na jumpshot tutal laging blurred. Napakabilis niya kasing bumagsak. Todo na daw yun.. Hindi na niya kaya pang iangat ang sarili niya. Naawa ako. Hahaha! So I suggest free fall na lang. After 8 times of falling and going back on the poolside, ako na ang sumuko. Nakita kong aakyat pa sana siya nung sinabi kong..

Me: Pwede tama na... nahihilo na ko kakaakyat baba mo diyan e. Ok?!

Masunusin naman siya. Ikapupudpod ng baba niya pag hindi niya ko sinunod. tsk tsk.. Asset pa naman niya yun. hahah! Peace!

Bunga ng dugo't pawis niya yan. hahah! Totoo ngang may ADHD ka. Naniniwala na ko.
Eto malala... Synchronized swimming niyang mag-isa hahaha! (friend mo pa rin ba ko EJ? hahaha!)



Mawawala ba ang underwater shot?


We really had a great time. Pagod na kami. At gutom na gutom na sila. We decided to upgrade the 350 consumable to buffet meal kaya pinipigilan ko silang kumain. hahah! Sorry guys.. Worth it naman ang paghihintay e. We left the pool around 6:00pm and proceeded in the game area while waiting. 6:30 daw kasi iseserve. Around 6:15pm nung bumuhos ang pagkalakas lakas na ulan. Ang galing diba? Para samin talaga ang araw na yun. Thank you Bro! Actually, ni hindi kami inulan sa buong trip. Uulan man, either before we reach our destination or right after ng activity namin just like this one. Hindi during... kaya sobrang thankful ako.

Kainan na! Nasiyahan naman kami in fairness. Wala naman hindi masarap sa taong gutom e. Kung dala man ng gustom yun or sa ganda ng panahon e hindi ko na alam. Favorite ko yung ube soup nila. Feeling ko kasi ttrangkasuhin na ko sa mga oras na yun kaya perfect timing. Naka 2 rounds lang ako sa buffet. Unusual yes..but it's good. Feeling diet lang.






We requested for "Balik sa Bohol Balik" song then "Careless Whisper." hihihi! Walang connect.

Dinner ng Nigger (Prang mga lechon lang.. mamula mula pa.) o diba nakaswim wear lahat?
Ok lang masunog. Enjoy naman e. Nagpasundo na lang ulit kami kay kuya Albert. Siya yung nag offer ng 150 one way. Unfortunately, hindi daw siya makakapunta kasi.. uhmm.. hindi ko na maalala. Tapos I said sige thank you na lang. Tinanggap naman niya. Humingi pa nga ng sorry kasi deal namin yun na siya rin ang susundo e.. Mag taxi na lang kami. Ang problema, 2 sasakyan yun kasi hindi kasya ang anim sa taxi. Isa pa, 30 minutes pa daw bago makarating. Maya maya, may counter offer na si kuya Albert. May Van daw yung friend niya. 700 daw ang singil kasi coming from Tagbilaran pa yun.. Walanjo, nakatipid nga kami papunta, nataga naman kami pauwi. Basang basa kami at nangangatog na sa ginaw dahil ang lakas pa rin ng ulan kaya we accepted the offer. To our surprised, kasama rin si kuya Albert. Weird. Pero ayoko na siyang pagisipan pa ng masama.

Malapit na ko sa last leg ng trip namin... and now I'm missing Bohol. Sana nag enjoy kayo basahin ang entry na to as much as we do. Hanggang sa muli!

Expenses breakdown:
2 Tricycle - 300 / 6 = 50
Van = 700/6 = 116.67
PINR Entrance + Consumable meals = 450 each
PINR Buffet meal upgrade = + 300 each
Accomodation at Citadel = 1250/6 (fan room) = 208.3
--------------------------------------------------------
Total expenses per person: 1124.97

Contact:
Tricycle Driver Kuya Albert (Panglao) - 09095109181
Tricycle Driver Kuya JR (Tagbilaran) -09057754819
Panglao Island Nature Website: http://www.panglaoisland.com/

Thursday, July 14, 2011

Balicasag: World Down Under

Our day 3 in Bohol is allotted for sea side tour. We woke up at 5:00am to catch whale and dolphins in action near Pamilacan Island. I was very excited since it will be my first time to see them in their natural habitat. Usually kasi, we only see them in a huge aquarium lang. This time, it will be different. Kapana-panabik. Kahindik-hindik. Siksik, liglig at umaapaw na excitement.

Kuya Dodong was our initial boatman. However, even if I called him a month ago and reserved that day, he called the night before na meron na daw siyang ibang guest. Ayoko ng sirain ang araw ko kaya pumayag akong ibigay niya kami sa iba. He left me with no choice. It's Kuya Tata by the way. Based on my research, dolphins and whales love to play before day light. Arte? As if naman may iiitim pa sila. hahaha! Kaya kung pwedeng mas maaga pa sa alas sais.. Go! We left Citadel around 6am na. Sabi kasi ni kuya, ok lang daw yun. Marami pa daw kami makikita. We saw a lot of boat heading to Pamilacan as well. Amazing race ito! wuhuuu!

The trip took us around 40 minutes to reach their play ground. Camera? Ready! Kami? hindi masyado. Hahah! Kailangan mo kasi talagang bilisan ang mata mo. Dolphins appeared all over the place. At ang ingay namin. Hahah! Masstress ang photographer. Kung nakaka-nuno ang kaka turo, na nuno na kami. It was an amazing experience to see them swim in group. Some even show off. Nakakatuwa. Kung pwede lang mag 360 degrees ang ulo ko sa tuwing lilitaw sila sa harap, gilid, likod why not! We had so much fun. Unfortunately, since super bilis nila.. Ito lang ang kinahinatnan ng effort ko....Pardon my not so good shots. Todo na talaga yan.


As soon as someone pointed a finger, they would disappear. I wish my eyes has built-in camera. hihihi! Pakipot ang mga dolphin na yan! =)

According to locals, they chose this island as their playground because of abundant presence of tuna. As we all know, favorite nila yun. Yan ang pinapakain sa mga dolphin show. Kaya when we asked Kuya Tata kung pwede ba ipakain ang pinaka-tipid tipid namin Gardenia bread, wag na daw kami mag aksaya at dedemahin lang. hihihi!

Gotcha!


close encounter! yahuu!
Yun na yun. hahaha! Ang classic dun, wala kaming nakitang whale. Sayang. Pero siguro mas ok na rin yun, Baka mag panic mode kami pag narealize naming nakapaligid lang sila. Handa kaming lapain anytime. Hahah! Don't miss this when you visit Bohol. Even if I'm writing this a few days after it happened, fresh na fresh pa rin sa mind ko lahat. I will never forget it.

After makipaglaro ng apoy, este habulan, sa mga dolphin, snorkeling na! We headed straight to Balicasag to discover the ever famous snorkeling site.. This was actually the purpose of my second visit to Bohol. Being a fan of the under water world, I plan to conquer few of the most raved coral sanctuaries in the Philippines. Balicasag is one of them.

Getting ready! (at si EJ na naman ang bida dahil sa flippers na yan!)
As usual, buhay na buhay pa rin ang fake kong aqua shoes. Wag siyang ismolin... Marami na siyang nararating. hihihi!

Dahil may talent ako sa pagba-bargain, nakuha ko ang mga Snorkeling sets nila for free. Dinramahan ko lang si Kuya Dodong at Kuya Tata. 100 each ang rental niyan supposed to be e. The aqua shoes however, sa Balicasag sila nagrent. Hindi umabot ang powers ko dun kaya naka-100 each tuloy. Break-even. Ang aarte kasi. Hahaha! We rented the boat for 1500.00. Pang whole day na yan.

Be amazed too! here it is!

OA sa dami ng fish!
When I went to Anilao and Malapascua, pag walang pagkain, wala kang isdang mauuto.. Kumbaga, pagkain lang ang habol nila. hahaha! In Balicasag, hindi madamot ang fish sa mga snorkelers. Ikaw na mismo ang magsasawa. And yes, it's comparable to Coron. Finally naka kita na rin ako ng katapat niya.

Tigilan ko na ang kakkwento. Hahaha! I'm more excited on everyone's reaction pag nakita nila kung gano kaganda ang Balicasag.

Hong laki ng utak na yan!


Mga walang kasawa sawa sa picture


60 percent of the pictures on my cam belongs to EJ. Langya kang joshua ka! Tinalo mo pa ko a. hahah!



utak na may tumor


kanino ba yang panirang flippers na yan?!?!?! hmp! kahit kelan talaga

Finding Nemo!

Purple-colored fishes.. Like! Like! Like!


I really have no idea kung may tamang terminologies ba ang mga corals base sa ichura. Katulad nung mukang brain replica, fan-like, mukang sperm cell, mukang bumukadkad na pollen grains, mukang nasirang fetus, mukang napagtripan ng adik. Yung ganun!... I'm VERY interested to know. Pag-aaralan ko sila promise. Hehehe!


One of my favorite! First time ko lang nakakita.

ito din! They're really cute! Parang glow in the dark.

Uber like! Parang ang sarap hawak hawakan,




Luvleh (lovely) isn't it? hihihi! However..... Coron is still on top of my list. Nung nakita ko kasi yung Coral Garden dun near Calumboyan Island, it really is a garden. Dikit-dikit at uber colorful ng lahat ng corals. Here, hiwa-hiwalay. I find it hard to swim, given na malakas pa yung alon when we were there. Magkakasakit ako sa bato kakalaklak ng tubig alat. But it was never a hindrance para mag enjoy kaming lahat. We were all speechless. Like I always utter at mukang hindi ako magsasawang ipagyabang na "Sobrang ganda sa Pinas."

Kuya leaded us to the diver's haven. Nag warning na siya samin agad  na wag daw matakot (na lalo ko naman ikinatakot) hahaha! Minsan mas ok pa yung binibigla ka e. hahah! Since, the waves are notorious that time, he can only accommodate 3 at a time. So it was just me, Mich and EJ. Nakakalula ang lalim niya. We can barely see what lies down under. Medyo scary. We saw how abundant the corals were dun sa gilid ng cliff. I wanted to go down deep to see more of it pero hindi nga pala ako marunong mag swim. Kaya pala tigas ng kakakawag si EJ kasi nalula din. hahaha! With Mich naman, nabitiwan ko siya kasi busy ako kaka picture. hahaha! Sorry girl. Ganun ata talaga pag nai-ITA. Kaya daw pala gumaan ang hinihila ni kuya. Kasi ako na lang ang natirang nakahawak. Hahah!


 This is what we saw on cliff wall. Nuknukan ng laking coral

Fail ang plano kong diving. Ang natandaan ko lang kasi, "don't dive then fly" phrase sa entry ni Chyng. Nakalimutan ko yung don't drink alcohol then dive. I drank the night before. huhuhuh! Bawal din pala yun. 
Among other things, alcohol "impairs alertness, coordination and judgement, and is associated with an increased risk for accidents." Consumption of alcohol is also associated with increased risk of DCS, nitrogen narcosis, hypothermia/hyperthermia (depending upon the environment) and dehydration. The effects of nitrogen narcosis and hypothermia can also be magnified by the effects of alcohol. Because of these risks, drinking before diving is obviously unwise. Furthermore, drinking alcohol after diving further increases the risk of dehydration following the dive and may mask the signs & symptoms of Decompression Illnesses. Hangovers are also associtated with increased susceptibility of nitrogen narcosis and may be a predisposing factor of DCS. It is the individual diver's responsibility to practice moderation when consuming alcohol.
                                                                                                                      Source: Naui org

Aside from that, I'm guilty for having a lung defect too. Though I was cured a year ago. May next time pa naman ulit.

We went to Virgin Island afterwards. Pupungas pungas pa kami sa sobrang pagod. Hahah! The island was just so-so. Keri lang. Wala masyadong "Luvleh!" factor. My boss went there 2 weeks before us. I was the one who arranged their itinerary and suggested to include that island. They said it was awesome. Kaya flattered naman ako. Pero wala akong nakitang awesomeness. hahaha!

First time ko nakakain ng sea urchin. Ok siya pero sabi ko nga I'm not a fan of raw food.
I don't like the locals there. Ayan na naman ako. hahaha! Kada island na lang may kaaway. They provoked us. Kung hindi lang sana sila nanghaharass ng guests hindi naman kami mabbwisit e. Tama bang dumugin ang bangka namin at halos ingudngod na ang mga tinda nilang sea urchin sa muka naming lahat?!?! Masyado!

Sabi ko lang patikim, hindi ko sinabing yun na ang gagawin kong pananghalian. EJ however, dahil nakalahad ng bonggang bongga ang kamay niya, dinumog siya talaga. I forgot kung magkano ang damage. Hindi ko alam kung gusto ba niya talaga ang lasa or the fact na pinagkakaguluhan na siya finally..


Mas marami pang nakakaumay na pictures kesa diyan promise.

uhmm.. maganda siya sa malayo
Did you noticed I never mentioned about our lunch? Si Kuya Tata ang salarin. Akala namin may food sa Virgin island. Hindi kasi nagsasalita. Dun pala sa Balicasag yun. Natarayan ko tuloy. We can't go back kaya sa Alona na kami kumain.

In my opinion, (naks!) ok ng wala ang side trip nato. I've been to a lot of beaches before. Sadly, wala to sa kalingkingan nilang lahat. Go straight to BBC or Panglao Island Nature if you still have time! At ganun na nga ginawa namin. Up next na yan!

We really fell in love with PINR. Bagay talaga siya sa mga mag-sweetie. Nakakainis! hahaha!

Trivia: Wala kaming dry spot the whole day. Pupulmunyahin kami sa pinag-gagagawa namin. lol! Ako na ang pinaka-bruhang tour coordinator. hahaha!

Expenses Breakdown:
Boat Rental - 1500.00/ 6 = 250
Balicasag Entrance Fee = 150 each
Aqua Shoes Rental = 100 each
Lunch at Karindirya in Alona beach = 240/6 = 40 each
-------------------------------------------------------
Total Expenses per person: 540.00

Contact Boatman for Whale Watching and Balicasag Snorkeling:
    Kuya Dodong 09081534117
    Kuya Tata 09056553481
    *They give great deals anyway. Keri na yun. Make sure lang malinaw ang usapan nyo. hihihi!