Friday, January 29, 2010

The Art of Listening

TAGALOG: Mga kaartehan habang nakikinig
NATUTUNANG ARAL: I-drop ang ang mga subjects na tatagal ng halos 3 oras

Been to a training a while ago.The topics are new to my senses. It's about how the ATM machine works. Since I love to learn something new, I was very excited. Jotted down notes as fast as I could. Felt like I was a student again. How I love that feeling. I'm not being pa-impress o kung ano pa man, ganun lang talaga ako. Maliit lang kasi ang memory capacity ko. Kumbaga sa storage device, pang diskette lang. Kaya I make it a point to record lahat ng kaya kong matatandaan. (tapos unti unti ko ng nakalimutan na english pala ang simula ko) After several hours, nakakaramdam na ko ng hindi maganda. Unti unti ng nawawala ang excitement.. ang angst to learn (naks! angst talaga).. pra na kong nilukuban ng mga kampon ng katamaran. Nagsisimula ng mabaling ang atensyon ko sa kung saan saan. Narealize ko na ang listening capacity ko ay hanggang 2 hours and 37 minutes lang. Kaya kahit gano pa ka ganda ang topic e hindi ko na maa-appreciate pag lumagpas na sa nasabing palugit. Kaya ang sa akin lang, hindi talaga advisable na magkaroon ng subject na pang kalahating araw. Information Overload. Deadlock. Crash. then Memory Gap... Malala. Masasayang lang ang laway ng kaawa-awang speaker.


Nga pala, late ko na nalaman na kaya pala ako ipinagkanulo sa training na yun e dahil sa kin ata balak i-turnover yung project na yun. Hindi ko alam kung dapat ko ba yun ikatuwa... Mali.. Matutuwa kaya sila sa kin pag nangyari yun??? Hanggang sa mga oras na ito.. clueless. May day 2 pa siya.. help meeeeee!!!!!

Saturday, January 23, 2010

Etching!

TAGALOG: hindi ko alam kung tagalog na ba ang etching.. temporary title lang yan dahil ang inyong mababasa ay kathang isip at purong kalokohan lamang. ang mga eksena ay pinagtagpi tagpi hango sa makulit ang patuloy na nangungulit kong imahinasyon. may mga nangyari sa totoong buhay pero hindi sa iisang tao. ang tamaan.. feeling! ok?

NATUTUNANG ARAL: Minsan healthy din palang maging feelingera. Nakakabuo ng kwento.

After ko grumaduate, hindi na ko nakabalik sa HS Alma Mater ko. Hindi dahil sa mapapait n ala-ala (Naks! mapait tlaga), pero dahil wla lang talga akong time. Hindi ko masyadong na-appreciate ang HS ko unlike yung iba na tlagang favorite phase ng buhay nila ang HS. Marami kasing bully nung kapanahunan ko. Hindi ko n sila iisa isahin at bka matakot pa ang nguso ni Diego sa kanila. Nagpaltos n kakabanggit ko ng names. Yun na nga.. wla na kong balita sa kanila. One of my HS friend nagparamdam isang araw. Itago natin sya sa pangalang Jigs. Ininvite daw sya maging ninang ng anak nung isang classmate namin. si Cedrick. Actually they're like bestfriends nung HS kya nung nagka-anak ang mokong naisip nyang ayain si Jigs. Don't worry may boyfriend na si Jigs at hindi sya ang bida sa storyang ito. Siguro marami n rin akong classmate na maagang nag-asawa. nakikita ko sa Facebook e. hehe! puro baby pix kase. Nung una ayoko sumama kasi hindi naman yung classmate ko ang nag invite. Isa pa, hindi kami close bka magulat sya may kasamang gate crasher si Jigs. Pero mapilit sya kya d na ko nagtantrums. Chaka bka may makita akong schoolmate or batchmate sa reception. Chika minute ito. Hindi ako nagkamali. I saw familiar faces. Sa simbahan p lang ang dami na nila. prang gremlins lang. Yung classmate namin n napakatagal naming hinanap (pano ang liit kasi), nakita din namin sa wakas. Then I saw him... sa next row. Kung sino sya? I have no idea. We were batchmates, pero we never talked. I was never the first one to say hello to anyone. Kya dedma. Isa pa, officer sya sa CAT dati, since private ako, isa ako sa mga pinagttripan nilang parusahan. Nalaman ko na lang na ninong din pla sya. Naguusap sila ni Jigs pero ako keber. Hmp! After the mass, picture taking na. So magkakasama kami sa picture. When were about to go to the Cedrick's house, wla daw sya sasakyan kya nakisabay din sya samin. Dun kaming 3 sa likod ng adventure. Hindi ako ang unang nagsalita. Sya. Nagdadaldalan sila ni Jigs nun e. Tinanong nya muna si Jigs kung san nagwowork. Tapos sunod na ko. O diba... madiskarte. If I know ako tlga gusto nya unahin. Wahehehe! Aniway, kwentuhan to the max. gnun naman ako e. nagaantay lang ng go signal tapos hindi na titigil. yung tipong magsisisi sya at kinausap nya ko. heheh! Kamustahan sa mga dating batchmates, kung ilan na ang anak nila, sino napangasawa, bakit nabuntis (hahha! itanong daw ba kung bakit)...super dami na naming napagusapan kala mo antipolo ang binyahe namin e 15 mins lang yung simbahan papunta sa bahay. Pagdating sa bahay... kwentuhan galore na naman. I feel comfortable. Prng matagal na kaming magkaibigan na hindi lang nagkita ng madalas. Naungkat ang mga dating lovelyf. Puppy love kuno pero bitter naman. hahah! Wala naman ako ikkwento e kya sya lang nagsasalita tungkol dun. Nalaman kong nagmamasteral pla sya. Sa same school kung san ako nag College. Umuwi na kami kasi hapon na din. Kala ko nga ihahatid ako e. haha! feelingera. Nagfacebook na ko for the rest of the night. Naisip kong i-add sya. Private. Makikita ko lang ang mga hindi ko dapat makita pag inadd nya ko. Mga 1 week sigurong dinedma ang request ko. Hmp! Ayun inadd na rin nya ko. Bka naputulan ng internet sa bahay. Walang kokontra ok. Yan lang naisip kong dahilan, ayaw kong isipin na dinedema nya ko tlaga no. May girlfriend sya. Nakita ko. Sinabi ko sa nanay ko. Sabi ko wla na kong pag-asa. Haha! Sumbungera. Ewan ko ba, napakagaling magpataas ng moral ang nanay ko. Akalain mong ganito ang payo "Nak, GF lang yan, prang trial and error lang. Kung ok sila, e d magpakasal sila, kung may nakita syang iba sa katauhan mo, e di magcelebrate tayo. " E dahil hindi naman sya nagpaparmdam, at mabilis naman ako maka-move on (Move on tlaga e no), hindi ko na sya iniisip na magkakagusto sya sakin. Nadadagdagan lang ang puting buhok ko dahil sa kanya.

Palabas na ang Alvin and the Chipmunks. Inabangan ko tlaga to kasi I really like the first one. I decided to watch it nakigaya ako ng shoutout sa facebook. Kasi naman yung mga friends ko ultimo pagligo, pagtutbrush, pag-ihi, pagpoopoo e ishshout out pa. So sabi ko lang "gonna watch the Chipumks in SM _____ (yung lugar hindi ko n lang ipopost dito ok) later this afternoon ". Yun na nga. I was with my mother kasi magggrocery pa sya e so we went. Before the movie starts bumili muna kami ng food. When we were passing by the escalator, walang ano ano'y nakita ko sya habang pababa kami sya naman paakyat. Madali nya ko narecognize syempre. Siya lang mag-isa. Sabi nya sandali lang daw. Kinabahan na ko. Parang sasabog ang dibdib ko. Bumalik sya kasi nga nakasakay kami sa escalator e. Alangan naman dambahin ko sya dun. Nabulungan ko na ang nanay ko na sya ang yung guy na nakwento ko kya dapat behave lang sya. Nag-kamustahan muna. Pinakilala ko sya sa mom ko (as if it was really necessary hehe!) . Tinanong nya kung san kami, sinabi ko. Aba akalin mong sama daw sya. Lalo akong kinilabutan. Tutal hindi naman reserved seat yun, ok lang.. (este! Ok na ok!). Pra na rin kaming nag-date. Bwahahahha!
Ganito ang seating arrangement - si mama, ako then sya. Wala kming ibang ginawa kundi tumawa. Nakakamiss. Sobra. Sa mga oras na yun, pakiramdam ko kami lang ang tao. hehhe! ang drama? Aniway, nilibre nya kami ni mama ng dinner. We were about to go to grocery section biglang sabi ni mama 'Sige ako n lang. Dito n lang tau magkita later.' Perfect. Pra kong napapakanta nga This is the moment. Pasimple pang kumindat si mama bago umalis. Adik talga! haha! Ayos! Medyo nagkailangan pa kami nun kase naman si mama hindi ako sinabihan sa plano nya. Tapos ni-break nya ang silence. Biglang sabi nya 'san tau'. Huwaaaaaaw! Exciting itoooo. Timing nandun ang timezone. Niyaya ko sya dun. Dun sa isa sa favorite ko yung drum drum-an. Di pa daw nya na-try yun. I let him try it at least once. Aba hindi na tinantanan. haha! may Last-na-to-promise syndrome din. Hinayaan ko na sya. We compete sa maraming games. Niyaya ko sya sa dance revo. Same as kanina, hindi pa daw nya na-try kya hiyang hiya sya nung nakita nyang pinindot ko yung start. Wla na syang choice kasi 2 players e. We had fun. Super. Nakakapagod kya tinira na namin yung finale. Yung Go Go ball. Pra ka lang nasa perya. Titirahin mo yung screen ng nuknukan ng daming bola. Depende kung ano ang lumabas na kalaban. Naka ilang round na naman kami. My friend and I was able to beat the record nung dating dinamayan ko sya sa love life nya. Nasobrahan sa sama ng loob. Sabi ko simula nun, utang na loob ko na sa machine na yan kung bakit gumagaan ang pakiramdam ko pag may problema ako. Shock absorber. Hindi kami naka-highscore kahit ilang bato ang gawin ko. Pacute mode kasi. Sabi nya kelan ko daw kaya mabebeat ang top record. Hindi ko alam kung bat ako nag-emote. 'Pag may nanakit siguro sakin. Yung buong machine ang ibabato ko sa kanya.' Nakita ko napangiti lang sya. Parang nang-aasar pa ata. hmp! Dumating na si mama. Solb na ko dun sa totoo lang. Moment kung moment. Sabi ko uuwi na kami. Gabi na din kasi. Aba at may sasakyan daw sya. Humahabol pa ang lokong to. Pa-fall epek na. Pumayag naman si mama. Pasaway.


Ayoko na sana. Nakakahiya kasi ang bahay namin. Baka laitin lang. Kaya lang si mama ang nagbibigay ng direksyon. Kaya nakita n nya ang bahay namin. Inaya ko sya sa loob para mag-snack kya lang ayaw na nya. Kya pinalayas ko na. Hindi ko na naitanong kung ano ba sadya nya sa SM. Prang wla naman syang ibang ginawa kundi sumama lang samin. Si mama at sya.. naging close sila. Naging magka-text. Minsan nga nagseselos na ko e. hehheh! Nasabi ko kay mama minsan 'Ma... ang kati mo.' Joke! bka sampalin ako.


Naging textmates kami. Pag weekend, minsan sinusundo nya ko. Naging tambayan namin ang timezone. Nagsasawa na nga ko minsan pero dahil mukang sabik na sabik syang maglaro na parang first timer kada punta namin dun, e tinatyaga ko na rin. Pinipilit namin ibeat ang score namin sa Go Go ball kya lang kulang pa rin sa effort. Pag wala kaming pera, sa bahay lang kami. Movie marathon. Naaya ko na din sya sa Korea... este Koreanovela. Koreano na rin sya ngaun. Minsan nagpaparamihan kami ng alam na salita. Malamang may libro na nga sya sa bahay e madaya. Mas adik pa ata kesa sakin.

Hindi ko alam kung ano nga bang meron kami.
Mga months na rin kaming friends, naisip kong i-check ang facebook account nya minsan. Pero nandun pa rin yung girlfriend nya sa pic. At ang status 'In a relationship pa rin'. Alhough hindi namin sya pinaguusapan kaya wala akong idea kung ano dapat kong asahan o kung may aasahan pa ba ako. Wala naman sya sinasabi. I've been dating a guy na ok din. Sweet. Maharot. Makulit. Kumportable din ako sa kanya. I even introduced him. Kaya oks na oks pero prang nahihirapan akong mag commit. Epal kasi sya e. Unfair kaya. Sya lang ang may love life. Hindi naman ata tama yun. I posted a shoutout "I'm in love.." Maraming nag react except sya. Para kong tanga. Ang tagal tagal ng naka-post yun kaka-antay ko sa kanya. Hmp! Hindi na sya nagpaparamdam. Gusto ko sana itanong nya kung sino.. kung kanino.. lam mo yun. Badtrip. Hindi ko na din ginulo ang buhay nya Charo (LOL!). Yung guy na ni-date ko for several months, hindi rin naging kami. Unfair din na sya ang gawin kong panakip butas. Ayoko rin naman gawin sakin yun.


Halos 2 years na ang nakakaraan. I was at the peak of my career. Labas pasok ako sa ibang bansa. Always busy. Until one day I decided to file a VL for 1 week. Ginawa ko lahat ng namiss kong gawin. Naisip kong pumunta sa Timezone together with Jigs na namiss ko din ng sobra. Kaya lang hindi bakante yung favorite kong Go Go Ball. May mag jowang naglalaro. Para kong nakakita ng multo nung makita ko kung sino yung naglalarong yun. Siya... at ang magaling nyang girlfriend.
Jigs greeted them. I pretended as if nothing is wrong with me. Aniway, I already told Jigs na naka move-on na ko. I saw him. Mukang gulat na gulat din syang makita ako. Then I smiled. 'Uy kamusta ka na? Looooong time no see a. ' He answered 'san ka na ngaun? oo nga sobrang tagal na. taba mo na nga ngaun e. Girlfriend ko nga pala.' Ang bruhang yun. Hindi ko makakalimutan ang HICHURA nya. We shooked hands. Ok lang. Pero kinayod ko ng liha afterwards (joke lang! may alcohol naman e). Nang-asar pa ang mokong na yun. Umalis na sila. Masyado ng masikip ang mundo namin. hahaha! Sabi ko ok lang ako. Wla akong nakita. Wala akong narinig. Inaya na ko ni Jigs maglaro. Nasa kalagitnaan na kami ng round ng maramdaman kong tumutulo na luha ko. Badtrip. Mapapa-amin ata ako ng di oras. Masakit kahit wla akong karapatang masaktan. Akala ko naka move-on na ko. Walang habas kong pinagbabato ang screen. Dati rati ni hindi maubos ang bola sa kamay ko. I ended up being a record breaker. Kung hindi pa siguro ako pinigilan ni Jigs malamang pati ang screen nabasag ko na rin. Hindi ko alam na nasa likod pala siya. Palapit na sya samin kya dali dali kong pinunasan ang luha ko. 'Naalala ko sabi mo sakin dati.. mabi-beat mo lang yan kung may nanakit sayo. Meron nga ba?'. Natahimik lang ako sandali. Gusto kong sabihin. Gusto kong ipagsigawan kung ano nararamdaman ko ng mga oras na yun. Pakiramdam ko tatalunin ng mata ko ang baha na dulot ni Ondoy pag nagsalita pa ko tungkol dun. 'Naku wala. ito naman. Joke lang yun. Nasabi ko lang yun dati kasi ito nga yung shock absorber ko. pero ngaun hindi na.... Ah.. sige alis na kami. Shopping pa kami e. ' Hindi ko na sya hinayaan magsalita. Hinila ko na si Jigs. And then we went. Sa CR na ko ngumuynguy. Gumimik kami pra makalimot. Ayokong ma-stress sa vacation ko. We went to Tomas Morato at madaling araw na ko nakauwi. Hinatid ako ni Jigs at ng boyfriend nya. Papasok na ko sa gate ng makita ko sya. Nakayukyok sa may poste sa tapat ng bahay. Na-shock ako. Parang eksena lang sa pelikula. Nakita nya ko kya lumapit na sya. Scary. 'Hi! umaga na a.' binati nya ko ng ganun. 'Ha? Ano kase.. Galing sa gimikan e. Bakit ka nga pla nandyan? Umuwi ka na. Baka may naghahanap na sayo... magpapahinga na rin ako. ' ang mapagpanggap kong linya. 'Teka lang..' Seryoso ang lolo mo. Hinawakan nya yung kamay ko tapos inaya ako sa kotse nya. Papalag pa sana ako e. kya lang naubusan na ko ng lakas. Kunwari wla lang sakin. yung parang dati lang. 'ah.. bakit? may sasabihin ka ba? kinakabahan naman ako bakit kailangan dito pa. May gagawin ka sakin no. subukan mo.. putol yang kaligayahan mo. hehehe! masyadong seryoso naman to o.' (kailangan kong tanggalin ang ilangan portion kaya ko nasabi yun. ) 'ikaw? wala ka bang sasabihin sakin? Nakita kita. Umiiyak ka habang naglalaro... katulad ng sinabi mo nun. Hindi ko nakakalimutan yun. Mabi-beat mo lang ang record mo pag may nanakit sayo.' Yari ako! nahuli pala nya. badtrip. Hindi pa rin ako nag pahuli. Artista kaya ako. 'Hala! Hindi ka maka-let go? Ok lang ako no. Tears of joy yun kasi na-beat ko yung record. Ang galing ko diba? Dapat nga nililibre moko e. Yung dati effort kung effort tayong dalawa pero wala tayong nagawa. Namiss ko lang maglaro nun 'to naman.' Shit! Prang hindi sya naniniwala sa mga palusot ko.

Abangan ang susunod na kabanata....




Friday, January 22, 2010

Flubby War



Hahaa! I know everyone can relate to this. I'm not against chubilogs (as what we call them in our school). Chubby and Bilog.. so hindi naman kami maxadong laitero no. Sino ba makakatanggi sa pagkain diba.Even I is suffering from Last-Na-Talaga-To-Promise syndrome specially if the special dishes I'm craving for is just infront of me. 

But as always, hindi tayo nakukuntento. May mali parin sa kanila paminsan. What I'm about to tell you... e laging nangyayari sakin. I'm working in Makati and a regular customer of Mang Boy's terminal near our house. Shuttle service sya na diretso ang biyahe. It's just a 6 minutes walk from our house so why not poknat. Ang pinaka ayokong pwesto sa FX e yung sa likod. Almost an hour an a half ang biyahe kya torture yun kasi hindi ako makakatulog pag nandun ako. So I make it a point to get a slot either in front or in the middle. Luckily, I was able to grab a seat. May tao na sa gitna... at medyo chubby sya. Pwede na rin kya pumasok na ko. Pero hindi ko inakala magigimbal ako sa susunod na papasok. Mas malala. Napagitnaan na ko ngaun ng dalawang lumba lumba. I thought tapos na ang kalbaryo ko kasi diba apatan na yun. Alam naming lahat na wla ng kakasya sa laki nilang 2. Akala ko lalakad na kasi nga 3 na kami. Wala na. Nahimatay na ko ng makita kong ipinagpipilitan ng mukang tipaklong na mama ang sarili nya. 

Para na kong galing sa gym pagkababa ko. Bukod sa pawis ang 2 braso ko nahil sa naglalagkitang braso nila, e napipi pa ako ng bonggang bongga. Tinalo ko ang kalsadang dinaanan ng pison.Panira ng araw. Same happened nung pauwi ako. Pero hindi naman ako nasabak sa Flubby WAr kasi nasa unahan ako. Ang luwag luwag sa likod biglang pumasok yung magkapatid na sumo wrestler sa gitna.. ganun na ganun din ang modus nila.. magpapanggap na hindi nila alam ang size ng katawan nila. Ang tagal naming nag-antay kasi wlang magkasya. Kahit 2 magkaibigang malnourish e hindi nagkasya kya bumalik sila ulit sa pila. Pagkalipas ng 10 oras, meron na din pumasok finally. hehe! hindi naman. mga 5 mins lang. Tapos wla na pagkatapos nun. As in ang tagal. Kasi kada attempt, isang pisngi lang ng pwet nila ang kumakasya. Narinig ko pang nag comment yung isa sa sumo wrestler. “Wala tlagang kakasya dyan. Kung yung 2 payat nga hindi kinaya e.” Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig nyang sabihin dun. Ewan ko kung tanga lang ako o manhid lang sila. So ang gusto nilang mangyari umalis ang FX ng hindi kumpleto? Huh! FYI.. Hindi ginusto ng driver na may mai-sakay syang butanding sa FX nya ok! 

Ilang beses na silang sinilip ng dispatcher pra mramdman nilang, kung may pakiramdam nga sila, na hello! wla ng mag-aattempt na tumabi sa inyo.. Suicidal lang ang gagawa nun. Kya dapat bayaran nila ang 1 pang tao. Aba wla talgang epek. Tama nga ako, may 1 mamang suicidal na sumampa at ipinagpilitan ang sarili nya sa empyerno. Hay naku. Kya mga mahal na chubilogs… bato bato sa langit.. tamaan tanga.

Mga munting Pangarap ni Maki (Cartoon?)

Characters:

Maki – ako, na walang kahilig hilig sa mga classic songs ni Pavaroti at Andrea Boccelli kaya gagawin ko n lang syang karakter. Maiba lang.
Aries – singer lang sya na produkto ng isang contest.
Gaby – Room mate at classmate ni Maki na super hilig naman kay Aries
Louie – dakilang alalay at friendship ni Aries
Jake – 1st runner up ni Aries sa singing contest

1st Setting:
In front of PC, Maki is busy searching for free downloadable songs of Andrea Bocelli. She seemed to have found one so she tried browsing the site. The site asked her to fill out a form. Since super desperate ang lola mo, fill up naman sya. Ito ay tungkol sa personal nyang buhay kung saan sya nakatira, pangalan at phone number. Matapos ang isa ay meron pang sumunod na page ng form, dito nya isinulat ang nakalulungkot na katotohanang single pa sya at dahil dun, puro N/A na ang isinagot nya sa pahinang yun tutal wala naman syang asawa’t anak. Meron pang sumunod, at meron na naman. Hanggang sa may napansin syang isang buton na nagsasabing “Your one click away girl”. At walang patumpik tumpik na pinindot ni Maki ang nasabing button na wari ko’y napasigaw pa sya ng “Give me an A!!”
Makalipas ang ilang sandali…

Maki: (disappointed) Lintek naman o!
(Lintik talaga! Walang ano ano’y namatay ang PC ko ng isinusulat ko ang salitang lintek! Bute may recovery feature ang Word. Whew! Back to the story…)

JANJARARAAAN!!!!
“Please type in your credit card number here… “ Tapos may kahon na kulay asul sa tabi na numero lang ang tinatanggap (totoo, kasi sinubukan nyang mag type ng mga katagang “At sino naming shongak ang magfifill-up ng address at pangalan kung magddownload lang ng kanta..”)

Gabi: Ahahaha!! Mahusay.. ikaw lang nagttyaga sa gurang na yan e.
Maki: Chura mo! Paris mo naman ako sayo no.
Gabi: O Bakit ano ako? At least yung nireresearch ko nasa uso, nasa edad ko, ang cute cute pa nung artist. Hindi katulad nung sayo. Wag mong sabihing titilian mo yan pag pumunta dito?! Chupi k na nga!

Si Aries, ang prince charming natin ang tinutukoy nya. Super sikat na Pinoy singer na kulang na lang ay magkaroon ng Aries Invasion album (epidemia? ), dahil kilala sa buong bansa. Kung hindi ako nagkakamali he’s only 25 years old na produkto ng singing contest. Minsan na syang nagkaron ng sold-out concert kasama ang ilang sikat na singers. Nagsisimula na ring dumami ang endorsements kaya halos lahat ng tao e nakakakilala sa kanya. It’s in the news na magkakaroon sya ng one night solo concert next Friday.

Aries: Who can imagine na sisikat ako ng ganito? Ni hindi ako makapasok ng elimination sa singing contest dati tapos ngaun halos walang hindi nakakakilala sa kin.
Louie: Yabang ah! Since this is the first time that you’re going to have a solo concert, hindi natin alam kung ano pwedeng mangyari. May nabasa ako sa isang thread na hindi ka gaanong mabenta album mo sa ilang area sa Metro Manila kaya wag ka paka-siguro no.
Aries: Isang area lang pala e…Ah san ba yun pre?
Louie: Tsss… kunwari ka pang di affected dyan don’t worry baka poor publicity lang yan. At chaka teritoryo ni Jake yun e kaya ganun. Marami din kasi nagsasabing ikaw yung 1st runner up at sya yung winner. Oy pre, chismis lang yun no. wag iiyak ha?
Aries: Ulul!

Sa school: Nga pala, 4th year college na ang bida natin!
Pakanta-kantang binabaybay ni Maki ang classroom nya na pang alas 9 ng umaga. Actually, may isang kanta lang sa iPhone ni Maki (sosyal! iphone?) na halos bridge na lang ay makakabisa na rin nga mga klasmeyt nya. Walang kamatayang Time to Say GoodBye na mukang ilalaban nya ng sapakan sa holdaper hindi dahil sa iphone kundi dahil halos dumugo ang ilong nya sa walang habas na pageenglish sa chatrums para lang mahingi ang nasabing kanta. Hmmmm… (lipad isip lipad!)
Maki (nakahandusay at duguan): Ahuhuhu! …time to say goodbye…hmm…hmm..porke liempo porke..

Si Maki… bow! Ayus naman sya. May utak din kung susuriing mabuti. Frustrated singer, chef, stewardess at maniniwala ba kayo… CASHIER! Pero sa tingin ko hindi lang sya nagiisa. Recently, (naks recently!) dahil ugali kong pumunta sa toy kingdom sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ay nakita kong puro mini cashier cashieran ang naka display. Grabe halos maiyak ako nung nakita ko sila promise. Pero hindi tungkol sa akin ang kwento kaya naman…

Likas sa ating mga mag-aaral, naging mag-aaral at nabagsak sa pag-aaral na hindi pagtuunan ng pansin ang Values Education. Dahil puro drawing, kantahan at sayawan lang ang dulot nito na ikababawas ng oras natin sa paglalaro ng War Craft dahil sa walang pakundangan praktis na animo’y susi sa kalangitan pag nakapasa ka.

Titser: Since you failed to pass your journal, I would like you to have a presentation that will represent who you are. You can form a group and highlight those common traits that you have and show it to the class. It depends on you on how are you going to show it. You also have a choice whether to present it alone.

Syempre sino ba naming hunghang ang magpapakabayani na magppresent ng mag-isa hane? Kaya’t nagkumpulan na ang mga may common friends. Syempre dahil regular student ang bida natin, dun sya sa mga kapwa nya henyo. Isa isang nag bigay ng suhestiyon ang mga myembro pero pagdating kay Maki..

Classmate 1: Hep Hep! Wag mo ng balakin! Utang na loob! (Ang hindi maka-gets magkakapigsa sa kili-kile!)
Maki: Ito naman o.. intro lang… group naman tayo e

Kahit naman siguro ako ang tanungin noh. Hindi talaga ko papayag sa gusto nya. Ayoko ngang kumanta ng lenggwaheng kelangan pa yatang imbitahan si Imaw para lang malaman ang ibig sabihin. Pero dahil mapilit sya. Binigyan sya ng solo performance ng group nya tutal individual grade naman yun.

Groupmates: “Bwahahaha!! Magdusa ka!”(Joke)
Hayun, dahil nag dunung dunungan, naiwan mag-isa. Don’t worry, friends pa rin sila.

Since excited sa kauna-unahang performance ang frustrated singer na itech, umuwi agad ang gaga at naghanap ng minus one ng Time to Say Goodbye. Well, siguro naman nakwento ko na ang mga pangyayari makuha lang nya yung kantang yun e what more pa yung minus one. Karir ito! “.. And the winner for ‘Search for the best Searchee’ is.. Maki PiƱa!”

Two days to go before the presentation pero performance level pa rin si Maki sa paghahanap. Sa mga una nyang pinuntahang record bars, she asks first if may available bang cd si Andrea Bocceli pero sa huli ay sya na rin mismo ang naghahanap dahil walang nakakakilala dito. Minsan winiwish talaga nya na walang nakakakilala kasi naman heller! Sino bang hindi matatawa na sa edad nyang yun e pang amoy-lupa na hilig nya. Pero minsan din, sa maniwala kayo’t sa hindi, aba akalain mong pinapalad syang makakita yun nga lang ... Ahahaha! Malas! Wala namang minus one feature.

It’s Wednesday night and Friday na ang presentation.

Isang record bar na lang ang hindi napupuntahan ni Maki sa lugar nila. Wish nya lang, nandun yung hinahanap nya.

“…nd 19. 19 cds wr sold 4 1 hr. “, yan ang text message ni Aries to Louie. Si Louie na kulang na lang ay manawagan sa ‘Sana’y Muling Makapiling’ ni Jessica Soho dahil sa nawawalang pasaway na kaibigan.

“Nak nmn ng MALIGNO pre! Wla nmng gnynan.. sang lupalop b ng metro manila ka sumuot?” ang reply ni Louie.

Obviously, Aries’s a bad loser. Well, winner sya gaya nga ng sabi ko kanina pero, he can’t accept the fact na meron talagang kill joy sa mundo na hindi natutuwa kahit kumain ka pa ng apoy sa harap nila. Aniway, ang sinasabi ko lang, hindi nya matanggap na may nagdududa sa kanya kuno. Na inimbento lang ni Louie para mabawasan ang kahanginan. Actually, he will receive a platinum award sa araw ng concert nya. Dahil surprise to, hindi masabi ni Louie ang the truth.

Siguro naman alam nyo kung nasan si Aries sa mga oras na yun. He’s wearing a shades na animo’y mata ng bumblebee with matching black leather jacket and obvious naman na fake bigote. Bahala na kayo kung ano ang naiimagin nyong suot nya basta naka-disguise. Since wala gaanong pumupunta sa classical section, dun sya pumwesto.He can’t believe na in matter of 1 hour ay nakabenta na agad ng 19 na cds nya. Naka-ready na ang text message nya na “.. and 20, 20 cds in 1 hr and 3 mins” para sana kay Louie dahil may paparating na naman na teen na usually age bracket ng fans nya. Dun sya nagkakamali.

“Miss do you have a copy of Andrea Bocceli’s album?” (don’t tell me kelangan pa ng guessing game kung sino sya)

Halos matanggal na ang pekeng bigote sa kinalalagyan dahil sa katatawa ni Aries sa sulok ng marinig ang gustong cd ni Maki.

Sales Lady: Ano po yun ulit? Sino yun?
Maki: Andrea Bocceli po? Yun pong bulag na parang Pavarotti ang boses. Yung may kanta ng ‘Time to say goodbye …hmm...hmm..’. (at kinanta na po nya)
Sales Lady: (Saglit na natawa) Ma’am baka matagal na pong out-of-stock. Matagal na kasi yung mga ganung klaseng kanta. Puro yung sikat lang ang nandito.
Maki: Ah di bale na lang.. Sige ako na lang po maghahanap (What’s new)

‘Time to say goodbye..hmm..hmm…’ at kumanta sya ulit habang binabagtas ang maliit na daan papunta sa classical section.

At dahil papunta si Maki sa kinalalagyan ni Aries, dali dali itong nagkunwari na customer. Wala namang mag-aakala na may papatol na teen-ager sa classical section sa mga oras na yun. Super kabado na ang lolo nyo. Dumampot lang si Aries ng isang cd malapit sa kanya at kunwaring tinitingnan ang mga tracks sa likod habang nagmamasid kung makikilala sya ng katabi. Walang ano ano’y may narinig syang tinig at bigla na lang syang naging anemic.

Maki: Ay mahilig ka din kay Andrea? Parang yan ata yung may minus one na super tagal ko ng hinahanap. San mo nakita yan? Alam mo, meron kasi akong presentation at kailangan…

Napansin ni Maki na parang pinagpapawisan ang lalaki at tila lumalayo sa kanya. Nagsisimula na syang magduda.

Maki: Ok lang hu ba kayo?

Aries: Oo… ok lang. Eto na o, hindi ako mahilig sa kanya. Sa’yo na yan.

Inilapag nya sa shelf ang cd chaka itinulak papunta kay Maki. Eksakto namang natanggal ang bigote nya. Nag-aalangan man pero dinampot ni Maki ang CD.

Maki: Ah.. Ma..nong..(napansin nyang ikinakabit ni Aries ang maluwag na bigote).. salamat…

Ngayon si Maki naman ang lumalayo sa kanya sa pag-aakalang magshshop-lift ito. Napansin ito ni Aries at dali daling tinakpan ang bibig ni Maki dahil sa pag-aakalang nalaman na nito na sya si Aries at baka magkagulo ang fans pag nag-ingay sya. Syempre nag-panic ang shoshongak shongak na Maki kaya nagwala sya. Nang magkaroon ng pagkakataong makawala sa bisig ni Aries, napapikit na lang si Aries habang nakahawak sa noo at sa bigoteng natatanggal. Patalikod na lumalayo si Maki habang papunta sa pintuan ng record bar. Nagtataka si Aries sa reaksyon ni Maki. Kung sikat sya, hindi sya dapat katakutan diba. Naku kung ako talaga yun kiniss ko na sya tapos pipicturan ko sya. Basta lahat ng kalukahan gagawin ko. Dahil sa ka-weirduhan ni Maki, susubukan sana ni Aries na lapitan sya pero huli na ang lahat.

Maki: Magnanakaaaaawww!!! (blah blah blah is the generic name of Bactidol)

Nang biglang tumunog ang alarm ng record bar. Pati si Maki naloka sa alarm, super bilis. Nakita nyang may papalapit na 2 security guard. Nakangiti na animo’y nagyayabang sana nyang ituturo si Aries ngunit

Pulis 1: Miss, sumama ka sa opisina namin

Ngayon lang napansin ni Maki na hawak hawak nya ang CD ni Bocceli.

Maki: Pero nandun po yung magnanakaw. Hindi po ako, ayun sya o. Nakita ko natatanggal yung bigote nya. (habang itinuturo ang dedmang si Aries na parang hindi sya kasali)

Habang papalayo sa record bar. Napansin ng mga tao si Aries dahil tuluyan ng natanggal ang bigote. Nakatawag din ng pansin ang pagkakaturo sa kanya ni Maki kaya naman pinagkaguluhan sya ng mga tao sa mall. Nakilala din sya nung isang gwardiya kaya binalak niya itong isama sa opisina nila para maiwas sa kaguluhan.

Sa opisina, patuloy pa rin sa pagtanggi si Maki.

Maki: Bakit ko naman gagawin yun? Natakot lang ho talaga ako sa mama kaya hindi ko na napansin na may hawak pala ako.

Pulis 1: Imposible yang sinasabi mo. Luma na yan e.

Maki: Manong, kung magnanakaw rin lang ako, bakit yang amoy lupang cd pa. Isipin nyo nga.

Ilang minuto pa ang nakalipas at biglang may narinig silang kaguluhan sa labas. Bumukas ang pinto at bumungad si Aries at ang 3 pang mga gwardiya. Nakilala agad ni Maki ang lalaki at super confident nyang sinabing

Maki: Yan po o. Siya yung lalaki kanina. (Papalapit nyang sinabi kay Aries) Hoy lalaki! Nasan yung fake mong bigote ha?! Kala mo makakatakas ka? Naku mamang pulis, o yan nahuli nyo na sya. Siguro naman pwede na kong umalis?

Lahat ng tao sa opisina ay na shock. Talagang Shocking sya diba? Imagine..

Pulis 1: Miss, hindi mo siya kilala?

Maki: Hindi noh! Oy manong wala akong kinalaman sa kanya. Hindi ako kasabwat. IChura kong to!

Hindi na nila napigilang tumawa except for Aries. Hindi rin sya makapaniwalang meron pang hindi nakakakilala sa kanya.

Pulis 1: Hindi ko alam kung maniniwala ba ko o matatawa ako sa yo e. Si Aries hindi mo kilala?

Maki: Aries? Sino yun? (Napa-isip at nakaalala rin sa wakas) Ahhh… parang may narinig na kong ganun. Dun ba yun sa ‘My name is Aries’? (with matching re-enactment sa head and shoulder commercial).

Aries: Ah Ako nga yun miss. (tinanggal nya yung shades nya kaya nakita ang kagwapuhan. Bongga!)

Maki to Aries: (medyo napapahiya) Ehehe! Ikaw nga sya..

Sandali pa’y pumasok na sina Louie para kunin si Aries. Habang busy silang paalisin ang tao sa labas para makadaan si Aries, si Maki naman ay nakikiusap na paalisin na sya.

Maki: Manong! Nakita nyo nga yan (patukoy sa CD), pang gurang ang gusto ko kaya hindi imposibleng hindi sya makilala. Sige na naman o.

Aries: Sige na manong. Hindi nya sinasadya, sigurado ako dun. Natakot lang sya kasi tinakpan ko yung bibig nya. Akala ko kasi sisigaw e.

Maki: O tamo! Sige na po ha? Siya talaga yung may kasalanan e. Inamin na nya o.

Muli na naman nagulat si Aries sa sinabi ni Maki. Hindi na nga nagpasalamat, idiniin pa sya.

Pulis 1: O sya sige na. Uwe!

Maki: Ah eh.. yung CD po sana. Bibilhin ko na lang. Ang tagal kong hinanap yan e.. Kelangan ko sana sa Friday. Akin na…

Habang nakalahad ang kamay ni Maki..

Pulis 1: Miss baka gusto mong hulihin talaga kita. Isusurender ko to sa record bar kaya hindi mo pwedeng kunin. Isa pa, ibidensya to na kinuha mo..

Maki: Manong naman e. Kaya nga po, bibilhin ko na dun sa kanila kung ayaw nyong sa inyo ko bilhin.

Pulis 1: Talagang makulit ka rin ano.. (tatangkain syang hulihin)

Maki: Hindi manong sige sa inyo na yan. Sino nga bang magkaka-interest dyan e kahit ata lolo ko hindi yan magugustuhan e noh… o sige manong ha… uwi na po ako. Thank you..

Umalis ng hindi man lang lumilingon si Maki kay Aries na waring wala talagang interest sa cute na singer. Syempre dahil super dami ng tao sa labas, nahirapang makalabas si Maki pero naka-survive naman sya.


Sa dorm:
Nagmumukmok na nakahiga si Maki sa kama nya ng nakadapa. Syempre napansin ni Gaby.

Gaby: Oy, ano nanaman ang nginunguynguy mo dyan?
Maki: Ahuuhu.. Gaby malapit na e. Kung di lang dahil sa kumag na yun e
Gaby: Ang ano?
Maki: Yung CD ni Andrea Bocceli na may minus one. Nakakainis!
Gaby: Bakit? Wag mong sabihing may nakipag-agawan sa yo sa CDng yun naku hahanapin ko talaga yung taong yun at chaka ko sasabitan ng sampaguita dahil sa wakas ay may ka-uri ka na.
Maki: Hindi! Ano ka ba! Yung nasa commercial na ‘My name is Aries’ (with re-enactment) kasi akala ko magnanakaw. Nandun kasi sya sa record bar e. Tapos may pekeng bigote pa. Tinakpan nya bigla yung bibig ko kaya nagpanic ako talaga girl. Ikaw ba naman ang ganunin diba. (Napansin ni maki ang naka-ngangang si Gaby). Oy! Nakikinig ka ba?
Gaby: Ang ibig mong sabihin ikaw yung babae sa news kanina?
Maki: Ha? News? Kelan? Saan?
Gaby: Ahuhuhu!! Girl ikaw yun buti ka pa nakita mo sya at hinawakan ka pa nya. Ang daya mo
Maki: Ay nku pwede ba. Asan yung news? Hala lagot ako sa nanay ko nyan. Gumwa ako ng eskandalo sa lahi namin…
Gaby: Gaga! Eskandalo ka dyan! Lika dali, kalat na yung blind item na yun sa news e.

Binuksan nila ang PC ang chineck sa website at confirmed. “Young Singer, Shop-lifter ba kamo?”

Gaby: Marami nagsasabing si Aries nga yun kasi marami nakakita sa kanya. Pero wala din naman makapag sabi kasi nga bigla daw umalis yung babae. At ikaw nga yun malamang. Hala Girl, ikaw ang dahilan kung bakit sila nagkakagulo ngayon.

Maki: E di tanungin nila yung pulis. Problema na nila yan no. Yung CD ang kailangan ko e. (Actually, concern din sya, mabait naman yung bida natin e, may konsensya din)
Naisip sana ni Maki na tumawag sa SET para iklaro ang pangalan ni Aries sa media pero nung kinagabihan na, na-interview ng mga reporter yung mga pulis kaya nabuo na ang kwento.

Thursday morning kalat sa buong Pilipinas ang balitang yun. Pati mga classmate nya pinagkakaguluhan ang wala namang katuturang balita. Napadaan ang mag best friend sa umpukan.

Chismosa1: Ano ba yun, meron pa bang hindi nakakakilala sa kanya?
Chismosa2: Malamang palusot lang yun no.
Gaby: Well sa kaso nga nun, meron pa rin. Naku kung ako yun, ibblack mail ko pa sya. Pag di nya ko dinate, sisigaw ako. Ahahaha!!!
Maki: Tss.. tumigil ka na nga.

After class:
Maki: Gabs, may pupuntahan lang ako ha
Gaby: San? Sama ako.. May swerte kang dala e baka makita ko din si Aries
Maki: Babalikan ko yung CD e. Baka naka-display na ulit. Tara!

Patagong sinisilip silip ni Maki ang record bar. Baka may nakakakilala sa kanya kaya maingat sya.
Maki: Gabi pwede k bang pumasok dun? Sige na naman, hindi ako pwede e. Baka magkagulo.

Pumayag naman si Gaby. Pero hindi na nya tinanong sa sales lady kung nasan dahil baka lalo lang sila maghinala. Habang Busy siya sa paghahanap..

May bigla na lang sumulpot sa likod ni Maki pero hindi na sya nakapalag at nadampot na sya nito. Dinala sya sa isang mamahaling restaurant. Kaya alangan ang damit nya dahil naka-uniform pa siya. Iniwan siyang mag-isa ng mama kaya hindi na siya nagdalawang isip na umalis. Pagdating niya sa pintuan nakita nya ang isang pamilyar na lalaki, si Aries. Naka- coat and tie pa.

Aries: Miss, halika dun tayo
Since nakilala na niya ito, alam na niyang harmless siya kaya naman hindi na siya umalma. Tutal nagkaron siya ng atraso ng hindi sinasadya kaya may utang sya talaga.
Nang makarating sa upuan..

Aries: Ano nga pa lang name mo?
Maki: (Kabado) Wag nyo na sana akong ibuking sa lahat ng tao. Please. Isa pa hindi ko kasalanan kung hindi man kita kilala.
Aries: Mali ka ng iniisip. I was just asking for your name, don’t worry hindi ko sasabihin sa kanila.

Sa di maipaliwanag na kadahilanan e kung bakit naman ayaw nyang sabihin ang pangalan nya kaya iniba ang usapan.

Maki: …Ah ano kasi e, alam mo ba ung friend ko, fan na fan mo sya. Ah, kung hindi sana nakakahiya, baka pwedeng maka-hingi lang ng isang shot.. Gift ko lang sa kanya.

Aries: (Natatawa) Wala ka pa ngang nagagawa sa kin tapos eto na naman at hihingi ka ng pabor? Miss, baka nakakalimutan mo, ako ang dahilan kaya ka na-abswelto kaya may utang ka sa kin. At isa pa, siguro naman nakikinig ka ng balita na napag-bintangan akong shop lifter dahil sayo.

Nararamdaman ni Maki na umiinit na ang buong mukha nya dahil sa kahihiyan.

Aries: Kung tutuusin dapat kang magpasalamat sa kin pero wala man lang akong narinig at sinisi mo pa ko sa harap ng mga pulis. Tao ka ba ha?

Maki: Huh! Hoy Amerkanong Hilaw ka! Hindi rin naman ako madadawit dun kung hindi dahil sayo kaya wala akong utang no. At isa pa, bakit nyo ko dinala dito, pwede ko ngang ipagsabi na kinidnap mo ko e. Nananahimik ako sa record bar para mabili yung CD ni Andrea tapos dinampot nyo ko ng ganun ganun lang...

Napansin ni Maki na natatawa ang kausap kaya natigilan sya at napapahiya nyang sinabi pero nakataas ang kilay na…

Maki: Baket? Anong nakakatawa dun?

Aries: Sorry miss ha.. Hindi ko mapigilan e. Sa tingin mo sino naman maniniwalang kinidnap kita? Baka kahit sa nanay mo yan sabihin e matatawa lang yun sa’yo.

Na tuluyan ng ikinagalit ni Maki…

Maki: E gago ka pala e. Iyong iyo na yang picture mo. Kahit ipangalandakan mo pa yang mukha mo sa kin e hindi ako mag-aaksaya ng battery ng phone ko para lang dyan. PakSyit!

Walk-out ang drama ng lola mo na animo’y may binitawang linyang ‘mahal mo ba ko dahil kailangan mo ko, o mahal mo ko kaya kailangan mo ko?’ Naks! Claudine ikaw ba yan?! Si Aries, hindi pa rin mapigilang tumawa dahil sa kanya. Kaya habang palayo ang bruha e hindi na nya nagawang habulin ito. Actually, ibibigay lang naman nya yung CD ni Andrea na nakuha nya sa record bar e. At isa pang actually, alam naman ni Aries ang pangalan nya dahil hiningi nya dun sa pulis station. Pati school at address ng bahay nila.


Abangan ang susunod na kabanata...

Jeepney

No Boyfriend Since Birth.. tsk tsk tsk..ang saklap. Hindi ko maintindihan kung bakit nga ba ko naging kaisa sa grupong ito. Sabi naman ng nanay ko, may ibubuga naman daw ako. Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero naniniwala naman ako sa kanya. Pero bakit ganun, pag may nakikita akong HHWW pa ang drama e hindi ko mapigilang mapanguynguy ng di sinasadya. Kahit pa muka silang mga biktima ng polyo e nandun ang katotohanang magjowa sila. Sabi pa nga ng nanay ko, na pilit ko pa rin pinaniniwalaan, marami ang naiinggit sa katawan ko..sexy, matangkad, may hinaharap, pero tingin ko yung ihaharap yung kulang. Kaya naman kahit iutang ng nanay ko e hinahanapan nya talaga ko ng derma. Pero hindi umubra. Minsan pa nga pag may nababalitaan ang nanay ko na pupuntang foreigner sa office nila e, isasama nya daw ako. BUGAW na ang kinakarir nya.. na talaga naman nagpapatayo ng balahibo ko. Ano to? Bakit mukang nanay ko pa ang mas desperado para sa kin. Marami na kong nakikilalang lalaki na puro naman friends lang ang tingin nila sa kin. Parang showbiz. Nakakadenggoy. Ako naman tong super pretend na animo’y sagot sa ekonomiya ng bansa ang pagkakaron ng boyfriend. Bwahahahahha!! parang naririnig ko pa ang tawang yan nung huling lalaking yumurak sa pagkatao ko… este.. nanloko pala. Hindi po ako na-rape FYI. Ganun ang nangyari para sa kin, pero hindi sa paningin nya o ng ibang tao. Malamang wala naman ibang nakakaalam na naloko nga ako, o kung talaga nga bang niloko ako, at masaklap pa, kung alam ba nyang may naloko na pala sya. At sa dinami dami ba naman ng introng ito, alam kong naiinip na kayo.. My story goes like this…

Graduate po ako sa hindi kagandahan ngunit may kamahalang eskwelahan pero masaya naman ako kahit ganun dahil dun ko nakilala ang mga unang lalaki sa buhay ko. Pero dahil mga under card lang sila hindi ko na sila ikkwento. 

Nangyari ang main event ng napasok ako sa una kong work. Sikat na kumpanya rin. Dahil 1st day ko nun, kaya kailangan mgpa-cute. Suot ang bagong bago kong dilaw na knitted blouse na may panloob na sleeveless at brown na belt na wala naman silbi (yun yung mga pang dĆ©cor lang sa hips para lalong makita ang shape ng sexy kong katawan. Hehehe!) ay umalis ako ng pagka-aga aga na tila dinaig ko pa ang sekyu ng opisina. Nasa jeep ako nun, e dahil Lunes, maraming early bird na nakikipagsiksikan. Sari saring tao. Sari saring propesyon. At sari saring amoy. Yan ang bumungad sa kin pero keri lang. 

Hindi ko makalimutang ang isang eksenang talaga namang nakapagpapangiti pa rin sa akin hanggang ngayon. E pano may 2 babaeng mukang matagal na atang hindi nagkita kaya nagmoment sa jip. Marami akong nalaman sa buhay buhay nila na kahit ayokong matawag na chismosa e parang hindi na ako iba sa kanila. Palagay ko ganun din ang mga tao sa loob ng jip. E makarinig ka ba naman ng mega phone e. ewan ko na lang kung makatanggi ka pa. Walang ano anoy pumasok ang 1 lalake. E ang malas nya dun sya naupo sa tabi ng 2 chismosa. Matangkad na maputi ang lalaki. May dating din pero mukang suplado. 

Eto ang nangyari. May tumunog na cellphone na tila Standard tone pa ata na Maximum level pa ang volume. Paulit ulit pero mukang ala atang gustong magclaim kung kanino. Maya maya natahimik ang 1 sa 2 chismosa at may hinalukay sa bag. Dahil masikip, at dahil ayaw nyang madali ang muka ng katabi nya, itinaas niya ang kilikili habang nagkukutkot sa bag to maximize the space. Halos humagalpak ako katatawa ng makita ko ang reaksyon ng gwapong mamang katabi nya. Animo’y nakaka-amoy ng tae ng baboy sa di maipintang itsura. Kada itataas ng ale ang kili kile, e panay naman ang lukot ng muka ng lalaki. Ay naku kung nakita nyo lang talaga. Tila nakuha na ng ale ang hinahanap nya. Sa kanya nga yung tumunog na cellphone. Mamulamula pa ko nun dahil sa kapipigil ng tawa ng biglang napatingin yung lalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko ate charo.. ngalay na ngalay ang panga ko pero ayoko sanang malaman ng lalaki na sya ang pinagtatawanan ko pero hindi ko talaga mapigilan. Inilayo ko na ang tingin ko sa kanya dahil baka ma conscious na tapos mag-feeling. Maya maya pa’y naulit na naman ang gayung eksena dahil tumunog muli ang eskandalosang cellphone kaya hindi ko na napigilang matawa. Napatingin yung lalaki sa kin, hindi ko alam kung bakit pero he laughed back na parang nagkaintindihan kami. O db ang taray?! 

Syempre dahil malayo na ang nalakbay ko, malapit na kong bumaba nun kaya nag-reready na ko. Kinatok ko ang ulunan ko para ipara ako sa tabi pero hindi pa rin huminto ang driver. Kinatok ko pa ulit pero wala pa rin. Malayo na ako sa tamang babaan pero hindi pa rin ako tumigil. Maya maya huminto na ito. Sabi ng driver “Ay may bababa ba?” Bwiset na driver. Ang sakit na kaya ng kamao ko tapos ganun ibibira sa kin. “Manong naman ang layo na o. Pambihira!” May sumagot, “Miss hindi sya bingi, bulag ka lang. Ayun o ‘Push the button to stop’”. Pambihira! Naramdaman kong uminit ang buong muka ko sa moment na yun. Napahiya ako at dahil sa lalaking yun. Aba malay ko bang may pabutton button effect pa ang jip na yun. Bumaba ako ng dali dali dahil ayokong makita kung pano nila ako pagtawanan. Leche!

Pagdating ko sa office, pupungas pungas ako na parang nakipaghabulan muna sa gansa. Hindi ko talaga ugaling malate lalo na at first day ko pa. Hindi naman ako nabigo. Natapos ang araw ko na para bang nausog ako. Para kong magkakasakit. Nasusuka ako. Umiikot ang paningin. Duling. Bangag. Parang ganun. Marahil nag-aadjust pa ko. Sa jeep, hindi ko na mapigilang makatulog. Sa dulo ako naupo. Nakatulog. Nanaginip. Tumulo ang laway pero ibinalik ulit. Pagod na pagod ako talaga. Nagising ako dahil may isang nambulahaw. ‘Oy yung hindi pa nagbabayad dyan o! Hudas not pay!’ ang sabi ng pa-english English pang driver. Nakita kong para akong manok na ipangsasabong dahil lahat ng mata e sakin nakatingin.

Hindi ko inaasahan ang isang pamilyar na sabungero. Yung lalaki kaninang umaga nakatingin at palihim pang ngumingisi kahit obvious naman. Napakaliit nga naman ng mundo. Inisip kong mabuti kung ako nga ba ang pinariringgan. Dahil ayokong maulit ang nangyari kanina. Nakitingin din ako sa ibang tao para sila ang pagbintangan ko pero kahit ata pandilatan ko lahat ng tao sa jip e ako pa rin ang salarin. “Oy miss.. bayad mo?” sabi ng driver. Waaaaahhaa! Naulit na naman sya. Sana pimples na lang ako, o kaya butete, o kaya pwet ng manok para hindi ko na ko mapahiya ng ganito. Masaklap pa nun, parehong tao ang nakakita. Wala na kong nagawa. Inabot ko ang bayad ko.





Nung nag subside na ang karumaldumal na eksenang yun, nakatulog na naman ako. Ginising na naman ako ng mahiwagang tinig. “Miss ok ka lang? Nandito na tayo sa babaan baka lumagpas ka na?” Dumilat ako. Bakit ganon ang nakikita ko. Limang pangalan na lahat nagsisimula sa L – Leny, Larry, Lily, Lorna, Levy. Naka-lettering pa nga e. At meron ding dalawang bakal na mahaba. Nun ko lang napansin na may nakadungaw na sa muka ko. Yung parang sa patay lang. Pero bumalik na ang ulirat ko. Bakit ako nakahiga sa jeep? Umalis ako sa pagkakahiga at naupo. Nakita ko ulit yung lalaki kaninang umaga at ngayong hapon. Gabi na sa labas at hindi pamilyar ang lugar. Naloka ang lola nyo. Hindi na ko nagpatumpik tumpik at sinabunutan ang lalaking nasa harap ko dahil baka masamang tao sya. Lalabas na sana ko ng jip ng nakita kong may mama na papasok. Pamilyar din ang muka nya… yung driver pala. 

Nagsisigaw ako at humingi ng tulong sa mga tao sa labas sa pag-aakalang magkasabwat sila nung lalaki kaya pumasok ang driver sa loob. “Oy miss. Bumaba ka na nga! Hindi ka magising gising kanina no. Nakikita mo ba yang suka mo?!” At chaka ko lang naalala ang nangyari. Nasuka ako at nahilo kaya ihiniga ako ng mga pasahero. Pero bakit naiwan ang isa. Hindi ko naman kailangan ng charity at naaalala ko pa ang itsura nya habang tinatawanan ako. “Wag mong sabihin nakisuka ka rin?!” at dali dali akong lumabas. Bumaba na rin sya. 

Para ka kasing lasing kanina. E tutal malapit lang naman ang bahay ko kaya inintay ko ng magising ka.” “At baket?” lam ko nakataas pa kilay ko nyan e. Natawa lang sa kin yung lalaki na ikinabwisit ko na naman. “Alam mo ba ang daan pabalik?”. Natahimik ako. Sinuri ang lugar at napansin ko ang pamilyar na land mark. “Ano akala mo sakin tanga?! Taga rito ako e. Natural alam ko no.” Nangingiti siya at nagtanong muli sa kin, “Sigurado ka bang makakuwi ka?”. Hindi ko alam ang dahilan, pero tumibok ang puso ko. Promise. Ala naman dahilan, walang perfect place, hindi perfect moment para tumibok sya ng ganun pero nangyari. Shit! Eto na ba yun? Nailang ako. Pakiramdam ko naging High blood ako dahil umabot sa utak at buong kalamnan. Inulit pa nya ang tanong kaya sumagot na ko. Hindi ako nakatingin ng sabihing oo. Nagpaalam na sya. Sumakay ng tricycle. Ako, kala mo nakita si papa Piolo. Nakauwi din naman ako. Ng maalala kong, hindi ako nakapag-pasalamat sa lalaki.

Lunes.. na naman. At ganun pa rin ang eksena. Parang laging may marathon.. takbo para sa kalikasan… takbo para sa kalusugan… takbo para sa kabataan.. e UTANG NA.. (loob). Ganto na lang ba lagi?! Parang nakikini-kinita kong darating ang panahong magkakaron din ng…takbo para sa mga late comers. At sa di mawaring kadahilanan, e naisip kong magiba ng ruta. Dahil kung araw araw akong sasali sa dyasking amazing race na yan e baka maging kaisa na ko sa samahan ng mga umaalingasaw na kili-kile.

Libre. 4 para sa pag-ibig, 3 para sa pera at 4 para sa karir. Yan ang sabi sa horoscope ko. Kahit puro kalokohan din ang nasa dyaryong yan. Minsan gusto kong maniwala. Alam kong ikaw din. Hindi ko ugaling magbasa ng dyaryo. Solb na kong panoorin si Ogie Diaz na naglolocomotion sa umaga. Kaya naman… yan lang ang binunuklat ko pag meron pa kong naaabutan. Papasok na ko ulit. Makikipag bunong braso na naman ako sa mga tao sa MRT. Pero mas ok na yun. At least aircon. At hindi ako magiging myembro ng kinatatakutan kong samahan. Pababa na ko. Walang ano ano’y bigla akong nagogoose bumps. Wala naman sigurong engkantong nakiki-ride sa MRT. Nadumi naman ako samin. Hindi rin naman ako kumain ng kamote para magpasabog ng malagim na hangin. Shit! Pamilyar na muka. Ewan ko ba kung bakit lagi na lang nagiiba ang timpla ng katawan ko pag nakikita ko tong taong to. May sa demonyo ata. Para kong nausog e. Alam kong nakita nya ko. Lumalapit sya. Bat ganun? Naramdaman kong umaakyat na naman ang dugo sa muka ko. Siya ulit yung guy na tuwing may kapalpakan ako e sya ang bukod tanging nakakasaksi. Kaya ang mga moment na hindi dapat maging embarrassing para sakin, e nagiging ganun na nga dahil nandun sya. Parang nabuhay ata sya na may misyong saksihan lahat ng kasumpa sumpang pangyayari sa dyasking buhay ko. Hmp! Dedma. Naglakad na ko pababa. Sasakay pa ko ng jip papuntang office. 
Nasa jip na sya. Malas. Nakita nya ko nakatingin. Hehehe! Ang feeling naman ng damuhong yon. Kala naman nya magchichikahan kami ever. Nakita ko syang naka-ngisi. Ang panget. Nakakabadtrip. At kung mamalas malasin ka nga naman. Nagkatapat pa kami ng upuan. Pala-isipan pa rin sakin kung bakit ang unang napupuno sa jip e yung dun malapit sa pintuan. Kaya yung kahuli hulihang papasok, sa likod ng driver napupunta. Lumakad na yung jip… Nak ng tokwa! Ngayon alam ko na kung bakit. Kaisa rin pala si manong driver sa kinatatakutang kong samahan ng umaalingasaw na kili-kile. Kada ikot ng manibela sya namang takip ng ilong ko at ng mga taong nakakaamoy sa bagsik ng kili-kile ni manong. Hay pambihira! ‘Bilis ng karma no.’ Sabi nung antipatikong yun. Naalala ko na. Pareho na kaming nalagay sa ganyang eksena. Sa kanya naman yung babaeng mega phone na may eskandalosong cellphone na may kaututang dila sa jip. Dun ko sya unang nakita. Hindi ko na napigilang matawa. Para tuloy akong naging kumportable sa kanya. Dahil siguro meron na kaming something in common. At kahit masaklap ang something in common namin. Natatawa pa rin ako. 

Pababa na ko. Pero hindi ko alam kung pano ako magpapaalam sa kanya. Hindi ko sya kilala. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nya e. Madalas lang kami magkita pero matuturing na bang magkakilala yun. Ang panget. Bahala na. ‘Mama para po sa tabi!’ sabi nya. Ano ba yun. Mukang pareho pa ata kami ng building. Parang ayoko na atang bumaba. Baka sabihin sinusundan ko sya. E kaya lang malalate na ko. ‘Una na ko a.’ sabi nya. Bumaba na sya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Palakad na yung jip nung pumara ako. ‘Mama teka bababa na ko.’ Syempre hindi pa sya nakakalayo. Mga ilang hakbang pa office ko e. 

‘O san ka?’ sabi nya. Magkukunwari pa ba ko. Sarap ata ng may naghahatid no. So sinabi ko ng walang patumpik tumpik. Say naman nya ‘Magkalapit lang pala tau ng building e. Ang galing no. Biruin mo dalas nating nagkakasabay. Magkababayan pa tau.’ ‘O e ano ngayon’. Yan sana gusto ko sabihin. Pero parang nag-iba timpla ng dugo ko ngayon sa kanya. ‘Oo nga e. Oy nga pala. Nakalimutan kong magpasalamat nung isang araw. Nung hindi mo ko iniwan sa jip. Salamat a.’ Pa-cute ang lola mo. ‘Ah yun ba. Sus wala yun.’. Nakita ko syang tumingin sa relo. Medyo insullto sa kin pero naintindihan ko naman. Kasi malalate na rin pala ako. Pinangunahan ko na sya. ‘O sige a. tatakbuhin ko pa mula dito e.’ Naghiwalay na kami. Hindi ko pa rin pala alam pangalan nya. At hindi ko rin naman babalakin kunin no. Minus points yun. 
Sa office naman. Boring. Alang magawa at ala rin yung big boss. Nagdadaldalan lang kami ng mga kasama ko. Parang ang tagal tagal tuloy ng lunch. Sinama ko ng mga kaofficemates ko sa binibilan nila ng ulam. Tayuman kung tawagin ko. Lahat kasi ng tao nakatayo habang kumakain. Binili ko yung favorite kong inadobong puso ng saging. Mura lang kasi at may libre pang sabaw. Medyo namimiss ko din kasi lutong bahay e. Hindi naman sa maarte kaya lang hindi ko kasi ugaling kumain sa ganun. Although wala naman pinagkaiba sa take out. Yun nga lang para kong pulubing kumakain sa kalsada. Ganda kong to.Kaya inantay ko na lang matapos kumain yung mga kasama ko. Marami din akong nakikitang taga-office namin. Yung iba naman dun. Feeling ko dun na lang din nagkakilala kasi sila sila rin ang suki. Hindi imposibeng magkita kami ni guy friend(?). Erase! Erase! Ang feeling ko atang tawagin syang friend. Well hindi nangyari. Hehehe!

Meryenda time. At dun ulit ako dinala ng mga kasama ko. Masarap daw ang kikiam ngayon. Ewan ko lang kung ano ang ipinagkaiba ng kikiam nung ibang araw at kung masarap din ba sila. Well mukang swerte nga ang kikiam nung araw na yun dahil guess what. Nandun sya. Si coincidence guy with his super friends. Binati nya ko. ‘Dito ko din pala kumakain pag meryenda.’ Mega tanggi ako. ‘Hindi. Ngayon lang ako nadayo dito. Sabi kasi nila masarap ang kikiam ngayon dito. E ikaw? Madalas ka dito?’. Say nya ‘Oo. Pag lunch dito din ako para tipid. Ok din. ParaDenmark.’ ‘Wow! nice name huh.’ Sabi ko. He replied ‘kaw din. Ganda nga pakinggan yung mga babaeng may guy name e. cool.’ Tapos pinakilala ko yung mga kaibigan ko sa kanya. Naghiwalay na kami ng landas. Syempre hot seat ako sa office. Pero wala silang napala sa kin. Tapos dito na nagsimula ang love story ko. Na ewan ko kung love story din ba nyang maituturing. Araw araw kami sabay pumasok at umuwi. Nag-aantayan kami sa terminal. Hindi ko alam kung ano nga bang meron kami o kung meron nga bang kami (Naks! Claudine?!?). Nililibre nya ko minsan tapos ako din. Pag maaga kami nagkikita kumakain pa kami sa labas. 

Nung tumagal tagal na kaming ganun, hindi lang kami basta sabay. Hinahatid na nya ko samin. Pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko sa office kung ano ko ba sya hindi ko masabing manliligaw kasi hanggat wala akong naririnig sa kanya hindi ko pwedeng sabihing ganun. Masaya sya kasama. Makulit. Parang ako. Kaya nagkakasundo kami. Nakakakilos ako ng kumportable. Hindi ko kailangan magpanggap pag sa kanya. Kasi nakita na nya mga negative side ko. Medyo hindi ko na rin nagugustuhan tong nararamdaman ko kasi parang unfair ata sakin. Babae ako e. At yan ata ang hindi naiintindihan ng mga lalake. Kahit pa sabihin nating wala akong karapatang mag-isip ng kung ano anong bagay na hindi lang pang kaibigan, syempre hindi maiiwasan yun. Umasa ako e. Kung alam lang nya yung feeling ko pag sinabi nyang manonood sya ng sine at may kasama syang iba, na may iba syang lakad at baka hindi sya umuwi ng maaga kaya pinapa-una na nya ko. Yung mga simpleng ganun… apektado ako no. Tanga ba sya! Ilang araw din akong parang baliw kaiisip. Kaya lang napansin kong parang wala naman mangyayari kung mag-aassume lang ako. At chaka baka isip nga ko ng isip samantalang sya ni walang kamalay malay na bad shot na sya sakin. Malandi na kung malandi. E ganun naman talaga ko e. E ano ngayon. Pero may delikadesa pa ko. No sya sinuswerte. Siya lang ba may karapatang mangganun. Itchura!! Pagselosin natin ng konti. Kung effective e di masaya pero kung hindi… hmp! Feeling ko effective yan. Hindi talaga pumayag e no. hahahah! 

Nung minsan nagpaalam sya na may lakad sya sandali pero pipilitin nyang dumating sa terminal ng maaga sinabi kong magiintay ako. 6pm ang call time namin. Pero 5 pa lang umuwi na ko kasi maaga naman ako pumasok e. Excuse me. Pagintayin ba ko. Nek nek mo! Ulul! Nagtetext na sya sakin nung 6:20. Pinatay ko na phone ko dahil tatawag na yun maya maya. Nakauwi na ko. Kumain. Natulog. Gumising. Umihi. Natulog ulit. Bumangon. Nakalimutan kong i-On phone ko. Hindi ko alam kung nakauwi na ba ang damuhong yun. Pagbukas ko. Maraming text messages na galing sa kanya. E paulit-ulit naman. Walang effort. Puro ‘Oy asan ka na? Nakauwi ka na ba?’. 7 ganun ata. Manung ibahin man lang yung ibang salita. Bwisit na yun. 

Pumasok na ko ang guess what. Nandun sya sa may entrance. Dramahan natin ng konti. Sabi nya ‘Louie.. Louie.. Asan ka kagabi? Bat di ka sumipot?’. Kunwari walang nangyari… ‘Ako? e di umuwi? Ano kala mo? Nagpa-pick-up sa parokyano?!’. Parang hindi ko nagugustuhan kasi kampante pa rin sya. Gusto ko syang magalit dahil nag-alala sya. Yung ganun. ‘Nag-alala ako. Kala ko kung ano na nangyari sa yo e. Ang tagal kong nag-intay dun! Ni hindi mo man lang naisip yun!’ Yan sana ang gusto kong marinig sa kanya ng mga oras nay un pero eto lang sinabi nya. ‘Ah ganun ba? Teka.. nag-breakfast ka na ba? Lika sabay na tayo.’ Diba badtrip. Sira yung plano ko. Bwisit talaga. Kailangan ma-disappoint sya kaya hindi ako sumabay kahit gustong gusto ko. 

Uwian na. Aba hindi ata ako makakaligtas sa sira-ulong yun. Nasa labas na sya. ‘Hi! Uwi ka na ba?’ Naisip ko mag alliby para madisappoint sya ulit. ‘May lakad ako e. Hindi ako makakasabay. Inaantay ko lang SIYA dito. Mauna ka na.’ At naloka ako sa sinabi nya. ‘Ah.. (silence).. tamang tama pala. Kasi may lakad din ako. nagpunta lang ako dito para magpaalam. Buti naman at may kasabay ka pala.’. Shit! So wala palang kwenta sa kanya. Hindi man lang tinanong kung sino yung kasama ko. Hindi na kinaya ng powers ko. Talagang nagpanting tenga ko dun. Iba talaga inaasahan ko sa kanya tapos ganun lang. Kung hindi ko lang gusto yung tarantadong yun namura ko na e. Hinila ko sya sa di kalayuang lugar. Dun sa hindi masyadong matao chaka ko sya hinarap. ‘Sino ba yang kasama mo? Alam ko wala akong karapatang magtanong tungkol sa personal mong buhay. Kaya lang… Tang ina naman o.’ Nangingilid na luha ko nyan. E kasi naman e. Hindi ko talaga mapigilan. Pangit ko pa naman umiyak. ‘… oo talo na ko. Aaminin ko. Nagseselos ako. Wala talaga kong karapatan…E ano ngayon. Yun ang nararamdaman ko e. Magsalita ka.’ Tahimik sya. Pinupunasan ko na luha ko. Nakakahiya e. Mga ilang sandali din yun. Tapos ‘…I’m sorry. Sorry dahil yan pala nararadaman mo ngayon.’ Natigil sya. ‘Sorry?! Yan lang sasabihin mo sakin?! Shit naman o! Bat ba ganun. (kinakalma ko sarili ko) Eto na ata most embarrassing moment ko at ikaw nanaman nakakita. Siguro nga maxado akong assuming. Well pasensya ka na.. feeling tong kaibigan mo e. Ikaw kasi. Pa-fall effect. Pa-sweet. E malay ko bang wala lang yun. Sige na.baka may nag-aantay na sayo. Mauna na kong umuwi. Ingat!’ Walang ano ano’y niyakap nya ko habang sinasabi nya ang linyang to (o db parang coke lang) ‘Ayoko kaseng masaktan ka kaya ako nagsinungaling… nung una hindi ko alam na magugustuhan kita e. Akala ko kumportable lang ako kasi marami taung similarities.Pero mabilis akong na-fall..’ 

Nanghina ako promise. Totoo palang nakakapanghina ang yakap ng guy na gusto mo. E dahil chansing na siya kaya pumalag na ko ‘Teka nga! Alam mo hindi mo kailangan magpanggap e. Sanay naman akong napapahiya sa harap mo no. Sige na uuwi na lang ako. itutulog ko na lang to.’ Nagulat ako sa reaksyon nya. ‘Hindi pa ko tapos!’ Seryoso ang lolo mo. Scary. Kaya pinakinggan ko ulit. Baka sapukin ako e. ‘May kailangan kang malaman para maintindihan mo ko.’ At nagimbal na ko ng tuluyan. ‘Louie wala talaga kong balak sabihin sayo to non e. kasi walang dahilan pero ngayon.. dahil sa nararamdaman ko…kahit alam kong iiwas ka.. (moment of silence).. may anak na ko. 3 years old na sya. Alam kong masasaktan lang ako kung magmahal man ako ulit dahil hindi ko na mababago buhay ko e. Yung anak ko.. nandyan na yan. Wala na kong magagawa dun. Pinipilit kong hindi ma-attach sayo ng sobra kaya lumalabas ako kasama nung iba kong kaibigan. Kahit masakit din sakin na may ka-date ka ngayon OK lang. Ako naman ang nasasaktan e. Gusto kong usisain kung sino yang magaling na lalakeng yan at kung hindi ka ba nya sasaktan. Kasi kung oo lalayo na ko. Nung hindi ka sumipot sa terminal natakot ako. Hindi ako naka-uwi kasi inaabangan kita don. Pumunta ako sa inyo pero nakapatay na ilaw. Tinatawagan kita pero magdamag na nakapatay. Galit ako. Galit ako sa sarili ko non dahil wala akong magawa.’ Tumulo na luha nya. Shit hindi ko kinaya yun. Natahimik lang ako kasi nga nasa state of shock pero ilang sandali pa iniwan ko siya. Totoo. Nagulat talaga ko na may anak sya. Shit ayoko pa naman nakakakita ng umiiyak. At lalake pa sya ha. Dyahe! Nagwalk out ako hindi dahil gusto kong magpahabol. Actually hindi ko alam kung ano ba talaga ang tamang reaksyon sa ganung sitwasyon. Blangko ako.

abangan ang susunod na kabanata...