I asked a fellow blogger, "Ano bang makikita sa Bacolod?" He replied "Yung Ruins. Yun palang sulit na." Got my attention right away. I searched for it and was surprised by how everyone fell in love with the place. How could a ruin be so captivating? Well, I just found myself heading to Talisay during my Bacolod-Iloilo trip last month to find out.
According to
Marx, to get there, you need to ride a multicab with Bata sign and just ask the driver to drop you off at the tricycle terminal going to The Ruins. That's it! Bacolod was crowned the City of Smiles so expect a lot of nice people you can trust along the way. Don't hesitate to ask. Isa pa, kung mawala ka man, hindi mo kailangang baligtarin ang damit mo at paniwalain ang sariling pinaglalaruan ng maligno :vD Sakay ka lang ulit sa jeep na sinakyan mo, babalik din yun sa pinanggalingan niya promise. P7.50 lang pamasahe pero 45 minutes sya from Ong Bun pension house. Hindi ako na-brief na nagmimistulang EDSA pala ang Lacson pag ganung oras. hahaha! Sa tricycle naman, we paid 40.00 each para sa back and forth. Depende yan sa driver mo. For the entrance fee, 50.00 for adults and 40.00 for senior and students. Mom fortunately fell on the latter dahil sa acting niya. lol!
The best time to visit the place is during sunset which is 5:30pm to 6:30pm. Same with Baguio's Diplomat Hotel. Parang nagliliyab because of the materials used and beaming horizon during sunset. We all know how beautiful it is. Nga pala, did I mention fail ang magic hour na yan. Sa sobrang pagod namin kakahanap sa dyaskeng Ong Bun, we slept. On our way, nakikita ko na ang sunset. I was hoping kaya pang habulin pero huli na ang lahat. :c
Liblib. Madilim. Misteryoso. That's how I describe it. Hindi mo aakalaing may nagtatagong ganitong ka-bonggang mansion sa masukal na pilapil na yun.
Effort na ang night shot para sa katulad kong walang tripod, may pasmadong kamay at point-and-shoot na camera. So please forgive me..
Sa 37 shots na meron ako, itong mga naka-post lang ang matino. Promise. Kahit muka siyang may hepa sa picture ko na yan, wag ka! I was impressed nung una ko siyang nakita. Nabighani ako. hahaha! Seriously. Though it was burned down decades ago, mas muka siyang under construction. Siguro nung buo pa siya, perfect siya sa taguan. Naaagnas na ang kalaro mo hindi ka pa rin niya nakikita. Honglaki!
Naki-ushoso kami dahil may nagkukumpulan na mga tao sa loob. Meron palang libreng entrance sa comedy bar. Charot! There's this cool tour guide whom I think adds up to the charm of this heritage. Para siyang mascot na sumanib sa katauhan ng nilalang na yun. hahahah! Aliw na aliw ako sa kanya.
According to him, early 1900s when this was built by mayamang asukalerong si Don Mariano Lacson para sa nasira niyang wifey Portuguese na si Maria Braga and all their other unmarried children. Every corner lies a lot of very interesting tales. Simula sa pagkakatayo hanggang sa dahilan ng pagkasunog niya e winner talaga. Magpa-kwento na lang kayo kay tour guide ha. Ayokong maging spoiler e. hahaha!
|
the original fountain is alive and dripping |
|
That's my pretty mom |
Pre-nuptial shoot here would be just perfect. Ayiiiii! sarap naman ma-inlove o :L
|
This is where the family gathers every 5:30 to 6:30 pm to watch the sunset |
Baby James:
"Mommy what's sulit."
Kris:
"uhm.. It's getting something more than what you pay for"
I say, The Ruins is indeed
sulit. Oh yeah.. found an interesting fact on the net. Did you know that this is included in World's Most Fascinating Ruins? Check it out
here :b O diba nakaka-proud? Never miss this one out when you visit Bacolod. You'll surely learn a lot.
Till next time!