Ang jampacked neto! Brace yourselves. hahah! Last Saturday morning, my younger brother texted us na dalhin niya daw girlfriend niya sa house for the first time. Panic mode kaming lahat. hahaha! According to my mom, may ari lang naman sila ng 5 cars, at merong 3-storey high mansion sa isang subdivision. Kamusta naman yun?!?! Gate pa lang tumbling na daw sila. hahah! Effort talaga kami maglinis ng bahay. For the first time luminis siya in fairness (OA lang). Well actually it was the second time. Una nung nag-Ondoy. hahahah! Ang pangarap kong maging minimalist sa bahay natupad. Wala kasing natirang gamit. lol! Ito ang kinahinatnan.
Sa aking kapatid, wag mo nga palang buksan ang kabinet mo agad agad ha. Dun namin tinambak ang kalat. lol! Ikade-deform ng face mo promise.
Matagal tagal na rin since I last cooked a new recipe. So this time, pakitang gilas na rin lang, I tried breaded shrimp. Ganito siya..
1. Peel and de-vein 10 prawns. Sa pag peel, ingatang hindi matanggal ang buntot. Malaking factor siya sa garnishing. De-vein naman.. tanggalin ang ugat(?) hahah! Panoorin sa picture ok?
Huwag pansinin ang ibang hipon, alam kong dugyot na sila't parang napagtripan ng adik. |
Sa kaliwa yung de-veined sa kanan yung hindi. See? (actually naka-side view lang yan lol!) |
2. Prepare all the other ingredients. Kalamansi, Salt, pepper, egg, flour at breadcrumbs. Yun lang. 1 Kalamansi lang siguro para mawala ang lansa factor. Pigaan ang natapos ng shrimps. Season with a pinch of salt. Si flour iseason din, lagyan ng salt and pepper. Kanya kanyang trip lang yan. Kung gusto mo mag-asin ang wiwi mo, damihan ng salt. hahah!!
Charaaan! |
4. Next, itambog sa itlog..
5. Lastly, tabunan ng sandamakmak na bread crumbs. Oo yung halos wala ng bukas.
6. Pwede mo na i-deep fry after. Dapat golden brown ok?
Finished Product |
Kala mo kung sinong maka-demo kanina ng devein devein na yan. Ayan at bumaluktot pa rin ang dyaskeng hipon. hahha! kainis. Kasalanan ng mga demo vid sa youtube yan. hahah! Actually, may kulang akong nagawa, dapat pala, icucut cut mo ng maliliit pa-crosswise yung likod ng hipon.
Sundy morning, we went to the province. It's Zac's Christening day! (haha! baby?!) Blessing pala. Blessing. Oo sa tagal na niya sakin, ngayon ko pa lang siya pina-bless. Since may utang si bunso dahil sa paglilinis ko ng bahay, ayan at siya ang pinaghalo ko ng iluluto kong isang kawa ng sopas.
Ay! May galit? Masama loob? |
Zac is ready! |
Yey! Finally. |
Hinahanapan kami ng lechon ng mga kapitbahay. hahaha! Ganun daw dapat ang handa. Choosy?!?!?! Sorry ah sopas lang ang afford ko. hahaha! Actually, hindi lang naman para kay Zac yan, nakisabay lang ako sa pa-blessing ng parents ko sa maliit na business nila sa province.
After we ate meryenda, practice driving na at last! May newly opened subdivision dun kaya dun ako pinag-practice. At least konti lang ang magiging casualty if ever.. hahaha! Check it out. Laugh trip to.
My kuya was my trainer for that day. Back seat drivers were my younger bro and my cute niece. (ang lalakas ng loob nyong sumama ha..)
Few highlights of the vid:
Kuya: Sanayin mo kasi ng isang kamay! Wag mo ng pilipit-pilipitin yang kamay mo sa manibela!
Me: (tahimik)
Kuya: O nag-tercera ka nanaman! Parang hindi ka nag-aral ng Math e? 1-2-3 lang yan. Ano bang susunod sa 1?!
Me: Aba malay ko bang hindi pala pwede yun! Hindi ba pwede diretso 3?
Kuya: Hindi!
Kuya: O cuarta!
Me: (SWERVING hahah! Ang hirap kaya ikambyo.. nadadamay yung manibela pag kabig ko)
All: (lol to the max! hahah!)
Niece: Pinapa-kembot eh!
Kuya: Ano yan roller coaster?! Nag-kwarta lang nataranta na. hahah!
Actually meron pa yan e. Hindi lang nakuha sa vid. After ko mag Quinta yun..
ME: Hala paliko na! Pano ihihinto? (I was supposed to say "pano ibaba ang gear!?" hahah!)
ALL: E di preno! hahahah!
Panic mode kasi!
Ang kulit talaga! Andami kong bloopers nakakainis. Siya kuya ikaw na bida. Ikaw na mainam. Ihulog kita diyan e. hahah!
Napagod ako at nahilo. Bago matapos ang post na to, popose muna ako ha. Mawalang galang na. hahaha! ^_^
Until next time!
22 comments:
ganda ng sala oh.... sarap ng shrimp. :D
ganda nmn ng receiving area hehehe..kulit may pa devein devein pa pala un kaya pala lage baluktot ung shrimp! Nice trick don ha..happy blessing!-meron ba non??? Hehe
I'll eat your shrimps but, no offense, I'll have to think twice before getting a ride from you...at least not yet LOL. Biro lang.
hahahaha kakambyo lang, pinapakembot pa!.. haha benta yan! :P
magaling magwalis..
magaling magluto..
at kumekembot sa pagdadrive..
san ka pa? heheh.. :P
kaya pala may devein, para hindi bumaluktot. amazing! kala ko arte lang eh. haha
good job! ganda ng living room nyo, ang ayos!
when I studied driving too, ako mismo nahilo sa pagdrive ko. haha!
hanglinis ng salas! na-intimidate naman ako sa breaded shrimps... lazy ako sa ganyang luto. gusto ko talaga i-try breaded pork tapos may sweet & sour sauce, kaso dinescribe ko pa lang hiningal nako. siguro aralin ko sa after life na lang.
Na-nosebleed ako may padevein devin pa! Hahaha.... Mukhang masarap yung shrimp!
@empi - ako lang nakaubos actually.. hahah!
@shey - hahah! hindi ko alam kung meron nga nun. anyway, asan ka na? sabi ko add mo ko sa FB e. hmp! =)
@bertN - haha! actually I agree with you. Ride at your own risk na lang. lol! I'll get used to it soon you'll see.
@jeff - natawa talaga ko sa pinaggagawa ko. hahahah! ang sungit naman kasi ng kuya ko no. sino ba hindi matataranta dun. lol!
@ardee- apir! hahah! pwede na no? pwede ng maid.. siside-line ako pag nangangailangan kayo ha. hahaha!
@chyng - ganun ka din? consistent nga ako e. Hilo lagi after. hahah! thanks! actually yan lang ang matinong part ng bahay, the rest muka ng basura.
@gay - hahah! natawa ko sa "breaded pork tapos may sweet & sour sauce, kaso dinescribe ko pa lang hiningal nako" ang kulit. Nagmamarunong lang ako e. First time ko din magluto ng ganyan kaya nga ako lang din ang umubos. Akala ko nga sasakit ang batok ko sa cholesterol after. hahah!
@marx - pwede na rin pagtyagaan. pero mas fit pa rin ang recipe na yan sa creme dori. Yung ginagawa sa fish fillet. =) try mo yun. perfect.
@
hahaha--effort ba.eh mayaman kasi ang gf.kahit ako nyan di na magkanda-ugaga.hahaha. at ang driving.galing ng trainer.napansin ko rin ang luwang ng kalsada at walang tao or sasakyan.ganda magsanay dyan.saan yan?:D
hi kura! hehehe dagdag menu sakin itong post mo... susubukan ko ring magluto nyan sa weekend...
sana rin pag ako nag aral magdrive hindi ako mataranta... yun ay kung may magtuturo kasi kahit si husband ayaw.... basta tandaan mo lang lagi
no cellphone while driving hehehe.. ingats lagi
Ngayon ko lang napanood ung video. Nakakatawa! :)
@anton - naman! kumarat kami ng kalilinis. hindi ko alam kung ano bang pangalan ng subdivision yun. Malapit sa Calamba exit ng expressway.
@rhonAnne- goodluck girl! Nawa'y tumuwid ang hipon. hihihi! I'll check out your pix ha kung umubra ang tips ko.
@marx- hahah! pati ako natatawa sa sarili ko e. marami pang mas nakakahiya diyan. nakakita ako ng baboy damo sa kabilang side, e na-amaze ako, maya maya nandun na rin si Zac sa kabila. hahahha! Lagpas lapagpasan na ko sa lane.
Ay sorry te. Hinahanap kita sa add kaya madame lumabas na lakwatcherang negra. Nalito na tuloy me, at mejo mahirap na pumara paraan dito sa opis hehe. Natapon ko kasi last time ung inominan/tumblr ko sa keyboard kaya bantay sarado sila saken ngaun. Hehe i'll inbox u te.
wow sarap naman po nun, penge naman po kami hehe
Ang ganda naman ng sala. No wonder, si Ate Kura-ching ang nag-ayos. Hahaha. Todo sipsip e.
Mukahang masarap yung shrimp. Hmmm.
nakalamang yung kuya mo sa pagtetrain sa'yo. parang lahat ng sama ng loob nabuhos nya dahil wala kang magawa kasi nagpapaturo ka sa kanya. haha..
sarap naman yung pagkain. nagutom tuloy ako. kain muna ako. bwahahaha
-http://soloflighted.com
@shey - ok lang girl. hindi rin kita makita. hahah!
@bloober-boy- oy techie boy! sure. say Aaah! haha! salamat sa pagbisita.
@enchong - kamusta naman ang inlababong yan?!?!? hmmm! nabasa ko ang blog mo. Ang keso! pero nakakakilig. hahah! anyway, magcomment ako after nito. salamat!
@ed- naman! ang sungit no? adik yun e. hahah! hindi na nga ko nagpaturo ulit. sa father ko na lang.
Thank you so much for the well detailed tutorial of breaded hipon! hihihi! Dami mo siguro nakain, mukhang masarap talaga! Kakatuwa namn ang video. Kahit kumekembot kembot e magaling ka na din mag drive ng mabilis.
Nga pala, di ako chef. Ako'y isang ordinaryong mamamayan lang na may kakayahan gumawa ng mga cute foods. hehehe!
Natuwa ko sa video.di naman ko msyado nahilo. hehe, ok ang driving lessons ha, strict lang ang guide. hehe..
di ko nagets pano icut ng maliit pacrosswise likod ng hipon. hahaha
as for driving, wag ka mapressure sa kuya mo. hayaan mo sya. if di mo pa kaya ng isang kamay, then don't do it. dapat comfortable ka sa pagdrive mo at dapat lagi defensive driving den. mas maganda if isang kamay nasa itaas tapos yung isang kamay nasa ilalim ng manibela pag imove mo to the left or to the right para yung nasa ilalim ang hahatak sa pagmove ng manibela mo para di pumilipit ang arms mo. hayaan mo pag confident ka na sa driving skills mo, sisiw nalang ang driving with one hand sayo. for now, practice lang ng practice hanggat ma perfect mo sya :)
tsaka lageng sinasabi ng papa ko saken, if maulan at basa ang kalsada, dapat mag-ingat sa pagdrive kasi tendency nyan ay madulas ang daan kaya dahan2x sa pag drive pag ganun situations ;o)
Ikaw? Anong say mo?