Wednesday, August 10, 2011

Premonition

Nagbabalik! Heheh! And as usual, this is not a travel-related post dahil 2 weeks pa bago ako umariba ulit. Kahit pa araw araw akong out-of-town girl (yan ang tawag sakin sa office dahil hindi naman ako taga Maynila at araw araw ako lumuluwas) hindi siya counted. hahah!

I tried writing romantic stories na lagi namang bitin, funny travelogues na kahit hindi ko sadyain e nagmimistulang stress reliever ng iba (lol!), random entries na tipong masabi lang na may naisulat, action film (hahaha! resulta ng pagiging basagulera ko), food review (for obvious reason), secret recipes (frustrated chef ako remember?), so ngayon naisip ko lang... gusto ko naman manakot ng tao. Bwahahahaa! For a change. Try ko lang ha. Pag hindi kayo natakot hindi ko na to uulitin promise.

Based on true story ito by the way. Sa maniwala kayo at sa hindi, e naniniwala ako (naniniwala na kayo? hihihi! gusto ko lang manggulo bakit ba? haha!) We all know what premonition is right? (kung hindi pa e pakipindot na lang ang link... AFTER basahin ang blog ko ok lang?) Recently lang to.. mga 9 years ago. My aunt died due to heart failure. She was my father's sister. I've never seen him cry even when my lolo died dati pa so we did not expect he would cry for her. I even saw him and his brothers together with my other relatives having a couple of drinks during the last wake. So almost all of them had a hangover during burial the next day. (I only have one request.. please don't judge them for doing so.)

Some of our relatives went with us sa dati naming sasakyan. As usual, everyone's crying and all. I admit, I did not cry too because I was not that close to her. Anyway, we thought everything went fine.

I went to Baguio the following day, bakasyon kasi yun and I have an uncle residing there so nakisabay at nakituloy na ko. My parents, however, went home in Rizal.

Hindi pa umiinit ang pwet ko sa bahay ni tito sa Baguio when we got a call. My other uncle which is my father's brother naman, died too. State of shock kaming lahat. Kakalibing lang nung tita ko at ngayon eto na naman. As in hindi kami makapaniwala kasi he was waving his hands pa nung umalis kami sabi ng cousin ko. Nakipaglibing din siya nun. Kasama pa siya sa inuman session ng father ko nung huling lamay. Sobrang down ako nun because he's been so nice to me. Ayoko man, pero nautusan ako to inform my family in Rizal about the sad news. I didn't know how to start. I called my father's phone without any script in my mind. Kahit ano naman kasi sabihin ko, nothing can change the fact that his closest brother died. My mom answered the phone (whew!) After a few seconds of silence, I was able to tell her eventually. I had a hard time saying it I swear. My father, who was beside my mom, was driving at that time. Sabi ko sa kanya wag maingay e but she couldn't compose herself. Ayun, my father knew it. Buti na lang wala naman nangyari sa kanila.

We only slept in Baguio for 1 day and went back to the province the next day. Spell E-X-H-A-U-S-T-E-D. Kala mo nasa kanto lang ang Baguio e no. I saw my father in my uncle's house. Siya lang pala ang umuwi. Hindi ko na maalala kung bakit late nakapunta sina mama. May sakit na pala uncle ko dati pa but he never told his family.

After a while, umalis father ko. I saw him, nasa tomaan ulit. Kinahapunan, lashing na siya. He went back beside my uncle's body.. crying. Dun ko lang siya nakita ng sobrang emotional. As in hagulgol talaga. Naiinis pa ko nung una kasi hindi ko nga siya mapatahan at ayaw pang umalis dun. He's drawing a lot of attention. Until he blurted out the story behind his agony... simula na ng kakilakilabot na pangyayari.

"Nakita ko siya.. wala siyang ulo nung libing." sabi niya bigla. Hello goosebumps talaga. Kinilabutan ako. Nung nasa cemetery pala sila, hindi na siya bumaba at masama daw pakiramdam. So nung isasara na ni papa yung pinto ng sasakyan, my tito was wearing a cap then.. pagka lingon niya daw, nakalutang yung cap at wala yung ulo. My father didn't believe what he saw at first kaya lumingon ulit siya. Wala daw talaga. So kinuskos niya yung mata niya after baka kasi may dumi lang or something. Bumalik na sa dati. So dinedma na niya.

The night after my aunt's burial, everyone went home. Since hindi ako sumama pauwi samin kaya naikwento lang din to. Usually pag uuwi kami sa Rizal, bumubusina lang si papa sa house nila. Pero iba nangyari, bumaba siya at hinanap si tito. His wife said natulog ng maaga coz he's not feeling well. Akala nila normal na hangover lang. So hindi na niya nakita si tito. Last na pala yung sa sementeryo.

Still remember I mentioned nag ba-bye pa siya samin nung kinaumagahan nung pupunta na kami sa Baguio? My cousin saw him sa terrace ng bahay. It's impossible since he was still sleeping at that time sabi ng wife niya. (Btw, yung pinsan ko nga palang yun, madalas siya nakaka-experience ng ganun. Bukas na bukas ang 3rd eye niya). Another instance was during tomaan session nila. May nabasag daw na baso kahit wala naman gumagalaw.

When my tito's wife heard about it, hindi man niya directly sinisisi si papa, parang ganun yung lumalabas sa bibig niya. I can't blame her. Kaya lang, sino ba kasing mag-aakalang totoo ang premonition na yan diba? Akala ko sa movies lang yun. Hindi ko alam kung may pangontra ba diyan. Sabi kasi nila, pag tinapik mo ang taong walang ulo, sayo malilipat ang sumpa. Scary. If ever ako yun, napaka-helpless ng feeling. Sino ba nagpauso ng suggestion na yan ha! Paki ayos! Ayoko naman magpakabayani at ibuwis ang buhay ko no.

Ano keri pa ba? hihihi! Totoong nangyari yan. Kasalanan to ng mga officemates kong nakasama ko nung madaling araw ng weekend. Kulang na lang may apoy sa harapan namin habang nagkukwento isa isa ng katatakutan. Meron na naman daw gumagala sa floor namin nakakainis! Pwede naman hindi na ikwento at sarilinin na lang e. Buti tamad ang third eye kong gumising. Hindi na ko magpapa-abot ng dis oras ng gabi. Baka kung ano ang magawa ko sa multong yan. hahah!

Ichura ng mga napatayan ng kuryente! hahaha! Cheers IT peeps! I had fun! Hanggang sa susunod na Shutdown activity!

Note: Yan pwede ng i-click ang link. hahah! Basura na naman tong post na to. lol!

5 comments:

John Marx Velasco said...

Nakakatakot naman. Di ba sabi pag nakita daw na walang ulo sabihin agad para makontra.

Shey Malindog said...

Ay kaloka..ayoko ng mga ganitong eksena kaya never mo ko mapapanuod ng mga horror movies-utang na loob Awwoooo! Pero tama pag tinapik mo mapupunta sayo, so pano na? Syaks!

Kura said...

@marx - ganun ba yun? may nakapagsabi kasi sakin na sa nakakita nga daw mapupunta pag pinansin e. hay! ang sakit sa ulo. hahah! Titigilan ko na nga to. halatang walang maipost e no. kung ano anong pinapatulan kong kwento. lol!

@shey - ako naman I love horror films. Kahit pa isang linggo bago ako makatulog ulit ng walang ilaw. hahah! ang tapang ko manood ang duwag ko naman after. ewan ko ba. Pero ang matindi naging effect sakin yung The ring Jap version at Paranormal Activity 1. Sumakit ang dibdib ko. hahaha!

Ed said...

I love to hate horror films! haha. antapang kong maginvite ng mga kasama na manood ng horror films pero tinatakpan ko na yung mukha ko pag nandun na yung scary parts. haha.
teka, sorry serious post dapat toh. pero yeah, kakatakot yung mga premonisyon2x... I'm glad my 3rd eye isn't open too.

Anonymous said...

I saw my dad last night, siguro around 2pm po. Walang ulo hindi ko alam ang gagawin ko hanggang ngayon. Wala pa Kong pinagsasabihan.