Sunday, August 21, 2011

Linggo ng Wika (Palaliman o!)

Studyante? hahah! Naalala ko lang kasi nagtatanong ng takdang aralin ang aking nakababatang kapatid kung ano nga ba ang maaari niyang ibahagi na may tema (at eksenang hindi angkop sa mga batang nanood, patnubay ng magulang ang kailangan.Char!)  Pang-linggo ng wika daw. Subalit ako'y walang maisip at hindi ko hahayaang palasak na ang kanyang ihahayag. (Sisiguraduhin kong kakailanganin niyo ng pala para mahukay ang mga wikang aking sasambitin sa mga susunod na talata. Maghanda na! lol!)

Aking ilalahad ay mga pangyayaring nagaganap sa tuwing sasapit ang linggong ito noong ako'y mag-aaral pa. Halina't sabay sabay nating balikan:

1. "Maaari lamang na ihandog sa akin ang bente-singkong sentimos bilang kabayaran sa pag-wika mo ng salitang banyaga sa mga oras na ito. Ito ay ating ilalaan sa pagbili ng sorbetes pagdating ng takdang oras na tayo'y nakalikom na."

   - sambit ng aking guro sa Filipino noong minsang ako't nahuli niyang nagsalita ng Ingles. Mantakin mong "OK!" lang naman ang salitang nasabi ko. Ang dami ng sinabi. hahaha! Ano nga ba ang tagalog ng salitang yun? "Ayos?!" Ibig sabihin pala pag tinanong kami sa klase ng "O naintindihan ba?" ang isasagot namin ay "Ayos po guro!! (Wuhuuu!)" Bastusan lang. hahah! 

   - aking napagtanto, hindi pala madaling alisin sa sistema natin ang mga salitang yaon.  Katulad na lang ng "Corned beef (mais na baka?)" o yung "toothpaste (pandikit ng ngipin?)". O di kaya naman yung "Refrigerator", "Air con" o yung "lotion". Sige nga kayo nga! Kaakibat na sa ating kultura. Nakaukit na ito sa isip, puso't diwa ng bawat Pilipino. Simula sa patalastas sa telebisyon, sa radyo, sa babasahin, hanggang sa mga aklat na ating nakagisnan, hindi maipagkakailang nasakop tayo. 

2.  Nariyan din ang walang habas na paglikha ng islogan o poster (kahit i-google mo wala kang makikitang tagalog niyan). 

   -Kailanman ay hindi nawala ang "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda" na kataga sa aking gawa. Consistent hahah! Kumbaga sa paligsahan ng mga dilag (pageant), sa kanila ang "World Peace", sa poster ay ang nabanggit. Aba akalain mong hindi ako naging finalist kahit minsan. hahaha! Pakantahin na lang kasi ako. hahah! Wala akong talento sa pag-guhit e. (lol!)

3. Pinagdadala kami ng mga sinaunang kagamitan. Maaring ito ay lumang salapi, lumang baro't saya o barong,  lumang larawan, o di kaya nama'y lumang kasangkapan o kagamitan. Ilalagak ito sa isang silid kung saa'y iginayak upang magsilbing museyo para sa buong linggong iyon. 

     -Sa aking kabingihan (o kadaldalan siguro kaya hindi ko naintidihan), minsan nga ay pinagdala kami. Buong akala ko, dadalhin mo ang lahat ng nasa kategoryang nabanggit. Isang damit, isang kasangkapan, isang  salapi. Umuwi pa ako ng probinsya upang kuhanin lang ang plantsang de-uling na nakikita kong nakatambak sa bakuran ng nasira kong lola. Humiram pa ako ng lumang pera na pag-aari din aking lola. At ang barong ng tatay ko ipinagkaloob din sa akin. Mayabang pa akong pumasok sa paaralan. Pagka-tawag sa aking pangalan nagulat ang aking guro at marami akong dala. Isa lang pala ay sapat na. Kumbaga,  ang aking grado ay katumbas lang din ng isang mag-aaral na may dalang 1 pirasong lumang salapi. Paksiyet!

4. Nagkakaroon ng programa sa ika huling araw ng linggong yaon. May nagsasayaw ng pandanggo sa ilaw, nagsasabayang bigkas, nag babalagtasan. Sa ayaw mo man at sa gusto, hindi ka makakaligtas sa mga nabanggit. Minsa'y ako'y pinagkaisahan ng mga tinamaan ng magaling na kaklase ko. Ako ang inihayag na lider ng sabayang bigkas. Ako na pinakamahiyain sa kanila. Pinabayaan ko nga. Mag-ensayo sila kung gusto nila. O di natalo kami. Bwahahah! Dama'y damay sa grado. Mataas ang grado ko sa Filipino kaya wala lang sakin. Mga bwiset! (Oo bitter pa rin ako. hahah!)

5. Ang tema ng P.E. o Physical Education Subject (o pampalakasang kaalaman na paksa?) ay mga larong pang Pilipino. Nariyan ang Sepak-Takraw, Kadang-Kadang, Sipa, Luksong Baka, Luksong tinik, Sungka.. Kung ano man ang kinalaman nila sa Linggo ng Wika e hindi ko rin alam. Marahil ang mga larong ito ay hindi ginagamitan ng salitang "Taym Pers!" Ewan! hahaha!

Wala lang. Sa inyo ba ganyan din?

17 comments:

Edcel said...

at ako naman ay napapahalakhak sa tuwa dahil sa iyong pagsulat ng mga pangyayaring nakaukit na isipan ng bawat taong naranasan ang mag-aral sa ating bansa.

ano ba toh, nauubos tagalog ko. iilan lang kasi ang baon ko. haha. time pers!

sayang naman ng mga lumang bagay na dinala mo. kainis at di ka bingyan ng plus points o kahit guhitan ng red na star ang kamay. -- bumalik sa kinder, nay o, may red star ako, tatlo pa! lol.

-soloflightEd.com

Kura said...

@ed -hahah! torture? ikaw ang na-nosebleed ano? lol! sensiya naman. yaan mo hematoma din inaabot ko pag may nababasa akong cebuano sa blog mo. quits lang. hahah!

e kasi bingi nga ako. wala akong napala sa pagdadala ng excess. pinahirapan ang sarili e no. Star talaga? haha! samin mickey ang tinatatak. tapos may nakalagay na "very good". Sosyal no? hahah!

eMPi said...

E di IKAW NA ang very very very good na student.

Shey Malindog said...

aheheh.. super bogalog!! in fairness mas mahirap magtagalog ng maayos nakaka nosebleed din..

ay te..add mo po ako sa facebook kasi di kita makita hehe.. search mo po ako Shey Fruel.. thanks!

SunnyToast said...

nahirapan ako ah.....pero ang bongells nitong entry...ang hirap kaya mag tagalog...hehehe na nosebleed ako...kakahiya:(

bertN said...

I remember when I was still in high school, I was challenged to translate to English:

"Walang anu-ano, bigla na lamang dumating ang kung sinu-sino."

"Nothing what-what, suddenly came so many who-who."

OK ba or am I still wrong to this day?

Hoobert the Awesome said...

Ngayon ko lang napagtanto na mas mahirap palang magsalita sa Filipino kesa sa Ingles. Hanep naman o. Pahirapan. Ano kaya kong ganito ang board exam? Ewan ko lang kung may pumasa pa. Hahaha.

Kura said...

@empi - I know right! lol!

@shey - I'll add you later after working hours. mahirap na. hahah!

@sunny toast- Sa tagalog lang ako mahusay kaya ninamnam ko ang moment. hahah! I finally met you. Tama si chyng, papaturo kami mag-make up sayo. hihihih! Bonggels mo girl!

@bertN- hahahah! parang ako yun na-challenge sa sinabi mo. Your comment made my day! Super lol kami ng mga officemates ko. Anyway, sige magreresearch din ako kung tama ba ang sagot mo. haha!

@enchong -naman! mahirap din. Kailangan pataubin mo si Rizal kung gusto mo makapasa. hahah!

anney said...

Parang wala na ako nakikitang mga bata ngayun na naglalaro ng luksong baka at luksong tinik. Peyborit ko laruin yan noon.hehe!

Chyng said...

A for effort!

tuloy ka this long weekend? i hope!
yung anilao natin ha.. miss ko na ang karagatan!

Kura said...

yep tuloy na tuloy. kailangan. hahah! =) oo gusto ko din talaga ituloy yung anilao na yun. Kailangan maiba ang impression ko sa kanya.

goyo said...

Tunay nga naman na hindi ginagamitang ng 'taympers' ang mga nabanggit mong larong pampalakasan. Hehe.

John Marx Velasco said...

Sama ako sa Anilao! Na-inngit lang, tagal pa kasi ng next beach getaway ko! :(

Anyways, bakit napupunta ako sa Warning: Something's Not Right Here! page sa site mo, may malware daw! :(

Kura said...

@goyo - hahah! anyway, mas gusto ko pa rin magtagalog kahit ano pa man. lol!

@marx - sa Sept 2nd or 3rd week kami punta. sige join ka. para share share din sa gastos. hihihi!

Malware? OM! what to do? so far wala naman sakin. samin pag pinapa-access ko.

escape said...

yan ang maganda. pero teka napansin ko na wala yata akong tagalog na post. kakahiya tuloy.

Kura said...

@dong ho - Challenging din siya. try mo din. Gulatin mo ang mga readers mo. hahah!

Anonymous said...

Ala ey...ako'y natutuwa sa iyong blog ineng...narine na rin laang, ay makasingit na rin sa inyong 'talakayan.' Daon kasi sa aming nayon ang "repridyiretor" ay "palamigan" ang tawag...ang "erkon" ay "pampalameg" naman...at ang "losyon" ay yaong mga aleng pagkarame ng anak na hindi na magaw-ang mag-ayos ng sarile...yaong gang "bata pa,,,ey... muk'ang matanda na...S'ya nawa ake'y nakapag-ambag ng kaunteng nalala-an sa tagalog...