Sunday, January 15, 2012

2011: Grabe the year that was!

Habang nagpapaputok ang mga kapitbahay namin last New Year's Eve sa kalsada, eto ako... nagsisindi ng prosperity candles at nag-oorasyon sa terrace. Humuhuni ng "ahuuuuuuumm! ahuuuuuum!" Kaya siguro wala ng nagpapa-cute na sunog-baga sa kin pag umuuwi ako gabi-gabi. Feeling nila miyembro ako ng kulto at kaya ko silang gawing palaka sa isang bulong lang. bwahahaha!

Weird ba? Well hindi ka nag-iisa dahil pati ako na-weirduhan sa ginawa ko nung gabing yun. hahaha! Sana pala nagsuot din ako ng itim na damit para mas effective. ! Ngayon ko na lang narealize. Yung boss ko kasi e, prosperity candles ang gift sakin nung pasko. Feeling niya siguro it can save souls. hihihi! Sindihan daw ang mga ito ng alas onse y medya bago mag bagong taon. Pagpatak ng alas dose, patayin ito at i-arrange depende sa size niya. 


Hinihiling ko sana na red ang unang maubos dahil su-swertehin daw ako sa love life sa pagpasok ng taon. Bwisit yan! Subok na matibay, subok na matatag. Ang sarap kagatin! Hay! Siguro bitter din ang may gawa ng Red candle at sandamakmak na paraffin wax ang inilagay. O baka nga hindi pa siya nakuntento. Nilagyan pa ng mighty bond, rugby at kanin. Nabalitaan kong ganun din ang nangyari sa kandila ng officemate kong No Boyfriend Since Birth. Sabi niya "wag kang mag-alala, hindi naman totoo yan e. May liwanag ang buhay!" hahahaha!


Kandila ni barney ang nagwagi!
Violet - for Material
Green- for Money
Orange - for Brightness
Blue - for Peace
Pink - for Health
Yellow- for Good Spirit
Red - for Love 
(leche! kailangan kulelat talaga?!?! hindi ba pwedeng pangalawa sa huli! hmp!)

Ok lang, yayaman naman daw ako sa materyal na bagay. Pwede kong bilhin ang mga lalaking yan. hahahahah! "Eto ipad o, tayo na?" Joke! lol!


my home made Blueberry Cheesecake (halatang walang talent sa presentation. hahah!)


Got myself a luggage last Christmas! hihihi! And I quote..
My 2011 was my travel year I suppose. I was able to set foot on 17 provinces in the Philippines (I can't believe it myself either. But that's what my blog says ^_^) Ironically, believe it or not, I traveled without a decent travel bag at all.

I took a break for 2 months to celebrate my Christmas with a blast. Traveling equates to GASTOS we all know that. hihihi! So yun.. I just bought something for myself

I 'll be on the road again at the end of this month.. a dream destination that is! Wouldn't it be nice to carry a gorgeous luggage this time... oh if I may add, I'm currently wearing a burgundy red hair right now. Ako na ang galit sa RED!

excited na ko! 12 days to go!

Let's have a recap on my 2011 goals kung ilan ang Completed, Pending at Cancelled. hihih! I'll re-arrange it based on what was mentioned.

1. Salary Increase - April of 2011, I was luckily promoted. Malamang, makiki-sali ang dagdag responsibilities. Natural, may increase sa sahod. Automatic yan dahil kung wala, patayuan ako ng monumento sa tabi ni Rizal ngayon na. Gawaran ako ng award na kurachang mapagkawanggawa.

2. I bought a car - Zac it is! Yan ang name niya. Samantalahin ang bagong posisyon. wahahaha! Baka i-demote ako pag natauhan ang mga boss. Kaya pagkalipas ng 1 buwan, I decided to buy one. Ngayon, kumikitang kabuhayan na rin siya. 2 libo kaya pag nagpa sundo't-hatid lang sa airport. Bongga diba? Baka nangangailangan kayo ng service ha. aheheheh! Email me. Charot!



3. Learn how to drive - If you still haven't watched it, click on the link. Mahuhulog ka sa upuan kakatawa. Buti na lang I just stated here, "LEARN" not "MASTER". Kundi mapepending to sa check list, hahahah! Actually, wala pa rin akong driver's license. My father was scared enough to let me drive Zac. Ibangga ko na lang daw ang sasakyan ng driving school. hahaha! It will be included on my to do list this year.

4. Cagayan de Oro trip - It was my first time to try water rafting and I really had a great time. Parang gusto ko ulit siyang isama sa list ko this year. hahaha!  Anyway, it wouldn't be memorable kundi dahil sa mga kasama ko dun. Sino bang makakalimot sa MMK moment ko sa Camiguin. Naiyak ako dahil hindi pinayagan mag snorkeling. hahahah! Kainis!


Martyn! mamimiss kita.. :c

Babae sa breakwater.. Char! :$

5. Cebu Trip - July 2011 when I went there with my brother and my mom. It was the first time I traveled with them. I was able to experience the ever popular Malapascua Island. Badtrip lang at talagang natapat pang may naka-away kaming boatman at island care taker during our stay. Sumasakit ang batok ko sa mga taong yun. hahaha! Nawa'y nasa mabuti silang kalagayan ngayon. Sana makita na nila ang tamang daan.

6. Bohol Trip - Oh I just love Bohol!! hihihi! I ranked it 2nd on my favorite local destinations. We tried countryside tour, dolphin watching, snorkeling in Balicasag, the Plunge in Danao and Panglao Island Nature Resort. Sobrang swerte ko sa mga travel buddies ko. Ang haharot lang. Terminal case na ang ADHD.






7. Coron Trip Take two - First time ko nag solo traveling. And I'm lovin it. In fact I will do another one soon. Coron is enchanting as ever. Kaya nga siya hindi siya matinag sa top favorite ko. I met a lot of great people there. And I discovered how lovely it can be. Dahil diyan, hindi na siya mawawala sa to do list ko taon taon.








Ito na ang mga pending list ..

8. Learn how to swim and dive - sa kasamaang palad, hanggang limang kawag pa rin ang alam ko. Kaya nga ba hindi ko pa rin na-try mag surfing. Bawal daw ang life vest. Ayoko! hahaha!

9. Visit Sagada - Matuloy sana kaso lumayas ang travel buddy kong si Martyn papuntang Singapore. Huhuhu!

10. Snorkeling in Apo reef, Mindoro - Finally matutupad ko na siya next year. hihihih! Thank you Chyng!

11. Bungee Jump - Wala pa atang ganyan sa Pinas.

12. Corregidor Trip -  I would have to cancel this. I found a place in Bataan na gustong gusto kong puntahan sa gabi pero hindi dito. What were you thinking?!?! haha! Basta, chaka ko na sasabihin pag nakarating na ko.



Mga trips ko last year na wala sa plano ...

1. January. Canyon Cove take two, Nasugbu, Batangas





2. February. Panagbenga Festival, Baguio City




3. March. Anilao, Mabini, Batangas
 



4. April. Borawan Island, Quezon Province.




5. May. Puting Buhangin, Kwebang Lampas island, Quezon Province




6. June. Kalanggaman Island, Leyte



7. September. Anilao ulit, Mabini, Batangas


grabbed from chyng ^_^

8. October. Bacolod-Iloilo-Guimaras Trip





9. November. Family day at Manila Ocean Park (May mai-November lang. hahaah!)



7 out of 12 goals were achieved, 5 pending, and 9 unplanned trips. Bawing bawi! Not bad na rin isn't it? Hehehe! Also, congratulate me dahil umaariba na ang Lakbayan grade ko in fairness. C+ na siya ngayon huh! Pasasaan ba't magiging A na yan.

Sa mga nakilala kong bagong tao - readers, sikat, naggagandahan at naggu-gwapuhang bloggers, friends thank you for being a part of my 2011. Looking forward to meeting you all soon.  Thank you for inspiring me. Konting sipa pa, sisipagin na ko ulit mag blog. hahaha!

Up next, my goals for 2012. As of today, I have booked 5 RT tickets na. Konti.. I know. You don't have to rub it in. hahaha! Basta, bahala na si batman. Ciao!

Friday, January 6, 2012

Island Hopping in Guimaras

Whew! Grabe ang tamad ko no? hahahah! Namiss ko to! Sensiya na ha. Ayoko lang maudlot ang El nido trip ko this January kaya nagpaka-aliping sagigilid ako sa office. Spell k-u-r-a-c-h-a mode. Nai-share ko na ang nakasusulasok, nakaririmarim, at kagimbal-gimbal na penetensiya mode sa previous entry ko (lol! ang OA lang. haha!). Time to chillax naman ngayon. Kahit papano narealize kong nagbabakasyon pala kami. hihihi! Akala ko bibigay na ang tuhod ko.

Mama: Hay naku! Mamamayapa na ang tsinelas ko sa pinaggagagawa natin anak!
Me: (laugh to death) Alam ko na kung kanino ko namana ang mga kalalim-lalimang wika. hahaha! Kailangan pang ipahukay.

We stayed in Villa Igang. We woke up at 6am to eat our breakfast and to start our island tour at 7am sharp.  But before that, I was mesmerized by the sunrise just outside our room. Magandang pangitain. lol!


Sceneries at Villa Igang..

the peaceful lake

Eeek! Dawson's Creek!
May nagmomoment sa dulo. Hindi ako naka-epal. Sarap ihulog. hahahah! Joke! Feel na feel ko pagka promdi sa lugar na yun. Hindi maingay. Magkakalayo ang cottages. Walang nagvivideoke sa gabi. Yun nga lang, maliit lang ang shoreline. Ni hindi mo makukuhang makapaghabulan sa boylet kasi wala ka ng ibang tatakbuhan. Diretso ka sa tubig. hahaha! Wala ng sabuyang lupang magaganap.

ang cute! nuknukan ng daming kalapati sa kusina nila
Naalala ko ang kauna-unahang pelikulang nakabisado ko kahit nakapikit. May creepy character dun. Yung matandang huklubang nag-amoy ipot na sa dami ng dove sa katawan na kinatatakutan ni Makulay Culkin. (Ka-age bracket kita pag kilala mo siya. hihih!) Gusto ko sanang sabuyan ng bigas si mama at ichecheck kung keri niya ang role na yun. hihihi! Kidding!

Ang problema ko lang sa Villa Igang (eto na naman ako!), ambagal ng serbisyo. Mantakin mong pinasok na ni mama ang kusina nila dahil inabot ng 20 minutes ang order naming scrambled itlog. Kaya nga itlog na lang ang inorder namin para mabilis. E pambihira, hindi ko alam kung inantay pang mangitlog ang mga manok sa bakuran nila. hayz! Nagulat ang mga kusinero nila kay mama. hahahah! Imagine this "Walanjo naman kayo o.. Asan na ang itlog kooooh?!" hahahaha!

Let's go sago! First stop, SEAFDEC or Southeast Asian Fisheries Dev't Center. Alam na alam na kung anong makikita. Tara silip tayo!

path way to fishes

Tons of different kind of species
Eto sila.. ang lalaki promise. Mukang napatakan din ng united american tiki-tiki..

"Masikip ang mundo" - pong pagong

lovely lion fish
The first island we've been and I consider the most beautiful and peaceful island in Guimaras... hindi ko alam ang pangalan. hahah! Sa kasamaang palad. If I only knew, we should've stayed here longer. Basta ang alam ko lang, Pulang Pasayan ang tawag sa hipon na makikita namin sa islang to. No entrance fee. Donation lang.


Eto siya..

Can you spot those pulang pasayan?

Ang tungkod (o diba kami lang)

Sad to say we had to leave this island for our next stop... Baras Cave.




shempre wala kayong makita diba? hahaha! fail

Another calendar shot of my mom

I don't like swimming inside the caves. Hindi ko alam kung may lalabas na kampon ng kadiliman at hihilahin ako pailalim. Kaya nung paglabas na paglabas namin, natuwa ako at may napansin akong nagkukumpulang snorkelers. Kung swimming pool nga nag susuot ako ng snorkeling gear no, what more sycamore dito. Gora! Tambog! hahaha! At ito ang aking nasaksihan..

ang sipuning rock coral (may sipon talaga siya promise. eeew!)

parang linta lang.

thorns chorva (o hindi ako ang nangulimbat niyan ha!)

"Kung kaya ng iba... IPAGAWA MO SA KANILA"... ayan, ipinakuha ko kay kuya. hahaha! (pero binalik ko din)


crown of thorn fish (again)
Kung sa bukid at palayan, daga ang kalaban ng lipunan, sabi nila.. sa corals, itong pesteng to ang counterpart. If you're a regular reader of my blog, lagi ako may nakikitang ganyan sa lahat ng snorkeling spots I've been.

Kumukutitap na white coral


Hindi pa nababasa ang bunbunan ko, bumalik na ko sa boat. Ayaw kasi ni mama e. hmp!E ayoko naman mag isa kasama si kuya. Mamaya ma-develop pa yun sakin. lol!

Next stop, Natago beach. Upon approaching the island, we saw a lady waving her hands on us. Nakakatuwa diba? We really felt a warm welcome. We smiled and also waved our hands as a reply. Ayun, pahiya. Pinapa-alis pala kami. hahahaha! Kasi daw may nagrent ng buong island. Bwisit! Bakit kasi isa lang ang kaway pag nagba-babay, nag h-hi, at nagppalayas! hmp! ganda pa naman.


Guimaras offers a lot of stunning rock formations. Too bad I wasn't able touch at least one. Mahirap kasama si mother. Mainipin. Tumatakbo daw ang oras kaya wag ng bumaba. :( Gusto ko pa naman magpose ng ala-"Babae sa breakwater." lol! Nagmistulang sightseeing lang tuloy.





pwede ng pamahayan ng mambabarang.. ang creepy lang


the ever popular rock in Guimaras
Did you know that the massive oil spill in the history of the Philippines happened in Guimaras? Way back August of year 2006, an oil tanker carrying more than 2 liters of bunker fuel sank on Guimaras Strait affecting marine sanctuaries and mangrove reserves. Sabi yan ni wikipedia. hahha! (kala nyo ako? english kaya! hellooow!?) Good to know they were able to recover from that incident. Wala ka ng makikitang bakas. Nalaala ko pa na naging bayani ang mga kapatid nating beki sa pagdodonate ng mga naipong hair clippings sa parlors nila para sa Guimaras. Pang harang daw yun sa mga oil para di makarating sa shore. Kung ang pagkakakalbo ni Boy Abunda at Arnel Ignacio ay dahil sa Guimaras, sasabitan ko sila ng sampaguita pag nakita ko sila sa personal.

Sha! Taob na ko.
Kung meron mang hindi nababasa pag nag i-island hopping, nanay ko yun. Wala siyang ganang maligo pero mag-pictorial meron. We were charged P700.00 for 3 hours boat rental. 400.00 for initial one then 150.00 for succeeding. Standard na ata yun sa kanila. 3 hours lang. Kami na ang nagmamadali kahit gabi pa ang flight.

Sa room rate naman, standard fan room lang yung samin e, 1000.00 lang. You may contact Villa Igang in this # 09263753634


We left at around 11:30am. Nagpasundo kami kay kuya JunJun. We saw this Mangrove trail along the way, basta bago ka makalabas ng Villa Igang makikita mo yan.

Hindi pwedeng walang bridge shot, hindi talaga.




Hindi ko na nakuhang pakainin si Kuya Junjun ng lunch. Wala lang sa isip ko. Basta gusto ko lang makabalik na ng Iloilo sa lalong madaling panahon para sa batchoy. hahah! Hi. kuya! Sana matulungan kita. Alam kong inaabangan mo ang entry na to. hihihi! Sorry at uber delayed. He charged us P400.00 for this one way trip.

Thanks Kuya Jun-jun! Contact him in this #09212365281
Hay batchoy.. I miss you bigtime! We tried Deco's this time. Nagkalat lang ang mga branch nila sa buong Iloilo promise.

Yumyumyum! Babalikan kita promise

Walang pinapatawad. hahahah! I have the coolest mom ever
Sa mga nag-abang sa kin.. salamat! I really appreciate it. :$ hihihi! Nahiya talaga ako bigla.

Can't wait to post my 2012 plans. Up next na yan! hihih! 2011 has been a fruitful year for me. Achieve na achieve ang mga goals ko infairness. Sana ganun pa rin at mas bongga pa. I only booked 4 flights this year Sha ako na ang aktibo sa dayukdok mode. I know.. mas konti kesa before pero I'm sure it would be very rewarding still. I may not travel as often because my priorities have changed. Pero aariba na ko sa pagb-blog. Sabi nga nila "ang batang masipag... paglaki.. pagod!" Bow! Paalam!