Sunday, August 28, 2011

Going Solo and Beyond

As I set foot on my beloved destination later, I promise to take away doubts, fear and uncertainty. Well.... I'll try my very best. Hey, it's been almost a year of waiting, which didn't help because I had more than just 2nd thoughts, backing out should no longer be an option. I strongly believe I'll never forget this day for the rest of my life. Today is the day of courage. A day of passion. A day I conquered my fear again. A day when I left my comfort zone FINALLY.


I only have few plans on hand. I hope and pray there are no mishaps or close encounters along the way (you know me. hihihi!) I just have to accomplish 3 goals for this trip (1) try something I've never done before (2) hang out with the locals, if it means sing my heart out in public why not? (3) make friends with foreigners and have a picture taken as a proof. (oh and yeah did I mention I have to come back alive?)

I may be alone but I promise you won't see emo pose like this..
I'll be just fine!


I hope.. when I get back, I'll be more than just an ordinary girl. Stronger. Braver. Better.

Let me just leave you with an excerpt from the letter I got upon confirmation of my trip "The park is HUGE and I don't think there will be a group when you go.  It is all yours to enjoy if you love to be One with Nature." Exciting isn't it?

Stay tuned as I share my stories in my first attempt to solo traveling.

So who says I can't be serious? (hmp!) Ciao! hihihi!

Saturday, August 27, 2011

Your site was tagged as an Attack Page. Now what?

I was shocked when I found out my site was tagged as Malicious by Google few days ago. Thanks for my blogger friend Marx for informing me immediately. If it wasn't for him, I guess all of the sites connected to mine will be the next victim. So thank you so much Marx. Ikaw na si superman. (Libre kita Starbucks! hahaha!) Ito nga pala ang tumambad sa amin kaya namin nalaman..

O diba? Sino bang hindi matatakot niyan?! hahah! Nagngingitngit!

I'm sure you need an explanation why the hell Google tagged your site as such (paninirang puri ito!), just go to http://www.google.com/safebrowsing/diagnostic?site=www.example.com (replace example.com with your site). Diagnostic result will appear and if you're that lucky, you'll find the culprit there. As for my first attempt I found nothing except for that Google consider my site as suspicious. If you're not techie enough you'd probably break down and cry cause they left you clueless. Sad isn't it?

Here's what happened:

1. I came across Webmaster Tools after searching for several sites that might help determine the cause. Log in using your blogger account.

2.Click Add a Site button then type in your website. Verify it. Wag mag panic ha..You'll be asked to insert a meta tag to your site. I guess it's for them to check if you are the legitimate owner.


3. Now get rid of the culprit! I found one site very helpful. Sabi dun..

   a. Quarantine your site. Change your password agad agad ok? If you know how, take your site down temporarily.

    b. Assess the damage. There are a lot of ways but Fetch a Googlebot came out handy for me. I usually freak out kasi whenever some sites or help topics require me to insert a meta tag or any script on my site. At least ito copy paste lang. hihihi! 



See the link?

     Here's how:



Just click on Fetch since your website is already there. Hindi ako nakuntento, I added a lot of links which I think madalas din i-view ng mangilan ngilang readers ko. hihihi! Just type the complete URL on the space provided. I may have added a suspected malicious link din kasi sa mga blog post ko. Malay naman natin diba? Having only a total of 77 posts, it's easy for me to copy paste almost everything. hahah! Yan ang praning. Again, after clicking Fetch button, click on Submit URL only to index.You'll see the message "URL submitted to index". Google will find problematic pages using this tool. You may read it's content by clicking the Success link. I did pero wala ako naintindihan. hahah! Anyway, you don't have to worry kasi may next step pa naman. 

Try to check out the diagnostic page that I mentioned a while ago. Sa dinami dami ng binasa't pinaggagawa ko, good thing nag bunga naman siya. I found the cause. Sadly, it was one of the travel blogs I frequently visits. Google stated that the blog acted as an intermediary resulting in further distribution of malware and some few malware codes na nagdulot din ng pagkasira ng utak ko somehow. I just deleted her site on my blog roll to avoid further damage to my site and to others. I waited for a few hours but the diagnostic page still shows malisyosa pa rin daw ang site ko. I clicked on Request for Review link on webmaster tools and slept since maraming nagsabi na matagal sila magreact. I prayed mapansin nila ang request ko kasi pinaghirapan ko lahat ng blog ko e. Come next day, yun na! Surprisingly, wala na siya. Yey!






I won't disclose the name of the site that caused this dilemma since paninirang puri talaga siya for me. I'm sure kung meron man mas affected dito, siya yun. Anyway, I was informed na aware naman na siya sa Breaking News na ito. Sana makatulong to sa ibang mga affected din at wala pang kamuang-muang kung pano tatanggalin. Who would want to have untrusted site anyway? Blog ko to. Blog nating lahat. Maki-baka at wag matakot. mwahahah! Goodluck guys! PM me if you have questions. I'm willing to help.



Sunday, August 21, 2011

Linggo ng Wika (Palaliman o!)

Studyante? hahah! Naalala ko lang kasi nagtatanong ng takdang aralin ang aking nakababatang kapatid kung ano nga ba ang maaari niyang ibahagi na may tema (at eksenang hindi angkop sa mga batang nanood, patnubay ng magulang ang kailangan.Char!)  Pang-linggo ng wika daw. Subalit ako'y walang maisip at hindi ko hahayaang palasak na ang kanyang ihahayag. (Sisiguraduhin kong kakailanganin niyo ng pala para mahukay ang mga wikang aking sasambitin sa mga susunod na talata. Maghanda na! lol!)

Aking ilalahad ay mga pangyayaring nagaganap sa tuwing sasapit ang linggong ito noong ako'y mag-aaral pa. Halina't sabay sabay nating balikan:

1. "Maaari lamang na ihandog sa akin ang bente-singkong sentimos bilang kabayaran sa pag-wika mo ng salitang banyaga sa mga oras na ito. Ito ay ating ilalaan sa pagbili ng sorbetes pagdating ng takdang oras na tayo'y nakalikom na."

   - sambit ng aking guro sa Filipino noong minsang ako't nahuli niyang nagsalita ng Ingles. Mantakin mong "OK!" lang naman ang salitang nasabi ko. Ang dami ng sinabi. hahaha! Ano nga ba ang tagalog ng salitang yun? "Ayos?!" Ibig sabihin pala pag tinanong kami sa klase ng "O naintindihan ba?" ang isasagot namin ay "Ayos po guro!! (Wuhuuu!)" Bastusan lang. hahah! 

   - aking napagtanto, hindi pala madaling alisin sa sistema natin ang mga salitang yaon.  Katulad na lang ng "Corned beef (mais na baka?)" o yung "toothpaste (pandikit ng ngipin?)". O di kaya naman yung "Refrigerator", "Air con" o yung "lotion". Sige nga kayo nga! Kaakibat na sa ating kultura. Nakaukit na ito sa isip, puso't diwa ng bawat Pilipino. Simula sa patalastas sa telebisyon, sa radyo, sa babasahin, hanggang sa mga aklat na ating nakagisnan, hindi maipagkakailang nasakop tayo. 

2.  Nariyan din ang walang habas na paglikha ng islogan o poster (kahit i-google mo wala kang makikitang tagalog niyan). 

   -Kailanman ay hindi nawala ang "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda" na kataga sa aking gawa. Consistent hahah! Kumbaga sa paligsahan ng mga dilag (pageant), sa kanila ang "World Peace", sa poster ay ang nabanggit. Aba akalain mong hindi ako naging finalist kahit minsan. hahaha! Pakantahin na lang kasi ako. hahah! Wala akong talento sa pag-guhit e. (lol!)

3. Pinagdadala kami ng mga sinaunang kagamitan. Maaring ito ay lumang salapi, lumang baro't saya o barong,  lumang larawan, o di kaya nama'y lumang kasangkapan o kagamitan. Ilalagak ito sa isang silid kung saa'y iginayak upang magsilbing museyo para sa buong linggong iyon. 

     -Sa aking kabingihan (o kadaldalan siguro kaya hindi ko naintidihan), minsan nga ay pinagdala kami. Buong akala ko, dadalhin mo ang lahat ng nasa kategoryang nabanggit. Isang damit, isang kasangkapan, isang  salapi. Umuwi pa ako ng probinsya upang kuhanin lang ang plantsang de-uling na nakikita kong nakatambak sa bakuran ng nasira kong lola. Humiram pa ako ng lumang pera na pag-aari din aking lola. At ang barong ng tatay ko ipinagkaloob din sa akin. Mayabang pa akong pumasok sa paaralan. Pagka-tawag sa aking pangalan nagulat ang aking guro at marami akong dala. Isa lang pala ay sapat na. Kumbaga,  ang aking grado ay katumbas lang din ng isang mag-aaral na may dalang 1 pirasong lumang salapi. Paksiyet!

4. Nagkakaroon ng programa sa ika huling araw ng linggong yaon. May nagsasayaw ng pandanggo sa ilaw, nagsasabayang bigkas, nag babalagtasan. Sa ayaw mo man at sa gusto, hindi ka makakaligtas sa mga nabanggit. Minsa'y ako'y pinagkaisahan ng mga tinamaan ng magaling na kaklase ko. Ako ang inihayag na lider ng sabayang bigkas. Ako na pinakamahiyain sa kanila. Pinabayaan ko nga. Mag-ensayo sila kung gusto nila. O di natalo kami. Bwahahah! Dama'y damay sa grado. Mataas ang grado ko sa Filipino kaya wala lang sakin. Mga bwiset! (Oo bitter pa rin ako. hahah!)

5. Ang tema ng P.E. o Physical Education Subject (o pampalakasang kaalaman na paksa?) ay mga larong pang Pilipino. Nariyan ang Sepak-Takraw, Kadang-Kadang, Sipa, Luksong Baka, Luksong tinik, Sungka.. Kung ano man ang kinalaman nila sa Linggo ng Wika e hindi ko rin alam. Marahil ang mga larong ito ay hindi ginagamitan ng salitang "Taym Pers!" Ewan! hahaha!

Wala lang. Sa inyo ba ganyan din?

Tuesday, August 16, 2011

Do you know what I did last weekend? (lol!)

Ang jampacked neto! Brace yourselves. hahah! Last Saturday morning, my younger brother texted us na dalhin niya daw girlfriend niya sa house for the first time. Panic mode kaming lahat. hahaha! According to my mom, may ari lang naman sila ng 5 cars, at merong 3-storey high mansion sa isang subdivision. Kamusta naman yun?!?! Gate pa lang tumbling na daw sila. hahah! Effort talaga kami maglinis ng bahay. For the first time luminis siya in fairness (OA lang). Well actually it was the second time. Una nung nag-Ondoy. hahahah! Ang pangarap kong maging minimalist sa bahay natupad. Wala kasing natirang gamit. lol! Ito ang kinahinatnan.



Sa aking kapatid, wag mo nga palang buksan ang kabinet mo agad agad ha. Dun namin tinambak ang kalat. lol! Ikade-deform ng face mo promise.

Matagal tagal na rin since I last cooked a new recipe. So this time, pakitang gilas na rin lang, I tried breaded shrimp. Ganito siya..

1. Peel and de-vein 10 prawns. Sa pag peel, ingatang hindi matanggal ang buntot. Malaking factor siya sa garnishing. De-vein naman..  tanggalin ang ugat(?) hahah! Panoorin sa picture ok?

Huwag pansinin ang ibang hipon, alam kong dugyot na sila't parang napagtripan ng adik.
Kailangan i-devein para hindi bumaluktot ang shrimp pag pina-fry. Dalawang veins lang naman yun, sa taas at sa ilalim ng body ni shrimp. Iwasang mahati ng tuluyan ang hipon. Tanggalin lang yung itim na ugat. Check out the difference...

Sa kaliwa yung de-veined sa kanan yung hindi. See? (actually naka-side view lang yan lol!)
2. Prepare all the other ingredients. Kalamansi, Salt, pepper, egg, flour at breadcrumbs. Yun lang. 1 Kalamansi lang siguro para mawala ang lansa factor. Pigaan ang natapos ng shrimps. Season with a pinch of salt. Si flour iseason din, lagyan ng salt and pepper. Kanya kanyang trip lang yan. Kung gusto mo mag-asin ang wiwi mo, damihan ng salt. hahah!!
 
Charaaan!
3. Dip the shrimp in flour.


4. Next, itambog sa itlog..


5. Lastly, tabunan ng sandamakmak na bread crumbs. Oo yung halos wala ng bukas.





6. Pwede mo na i-deep fry after. Dapat golden brown ok?

Finished Product
Kala mo kung sinong maka-demo kanina ng devein devein na yan. Ayan at bumaluktot pa rin ang dyaskeng hipon. hahha! kainis. Kasalanan ng mga demo vid sa youtube yan. hahah! Actually, may kulang akong nagawa, dapat pala, icucut cut mo ng maliliit pa-crosswise yung likod ng hipon.

Ang lasa ba kamo? Masarap shempre. Sino pa ba pupuri sa gawa ko no? Tangkilikin ang sariling atin. hahah! 

Sundy morning, we went to the province. It's Zac's Christening day! (haha! baby?!) Blessing pala. Blessing.  Oo sa tagal na niya sakin, ngayon ko pa lang siya pina-bless. Since may utang si bunso dahil sa paglilinis ko ng bahay, ayan at siya ang pinaghalo ko ng iluluto kong isang kawa ng sopas.

Ay! May galit? Masama loob?

Zac is ready!


Yey! Finally.
Hinahanapan kami ng lechon ng mga kapitbahay. hahaha! Ganun daw dapat ang handa. Choosy?!?!?! Sorry ah sopas lang ang afford ko. hahaha! Actually, hindi lang naman para kay Zac yan, nakisabay lang ako sa pa-blessing ng parents ko sa maliit na business nila sa province.

After we ate meryenda, practice driving na at last! May newly opened subdivision dun kaya dun ako pinag-practice. At least konti lang ang magiging casualty if ever.. hahaha! Check it out. Laugh trip to.

 


My kuya was my trainer for that day. Back seat drivers were my younger bro and my cute niece. (ang lalakas ng loob nyong sumama ha..)

Few highlights of the vid:
Kuya: Sanayin mo kasi ng isang kamay! Wag mo ng pilipit-pilipitin yang kamay mo sa manibela!
Me: (tahimik)

Kuya: O nag-tercera ka nanaman! Parang hindi ka nag-aral ng Math e? 1-2-3 lang yan. Ano bang susunod sa 1?!
Me: Aba malay ko bang hindi pala pwede yun! Hindi ba pwede diretso 3?
Kuya: Hindi!

Kuya: O cuarta!
Me: (SWERVING hahah! Ang hirap kaya ikambyo.. nadadamay yung manibela pag kabig ko)
All: (lol to the max! hahah!)
Niece: Pinapa-kembot eh!
Kuya: Ano yan roller coaster?! Nag-kwarta lang nataranta na. hahah!


Actually meron pa yan e. Hindi lang nakuha sa vid. After ko mag Quinta yun..
ME: Hala paliko na! Pano ihihinto? (I was supposed to say "pano ibaba ang gear!?" hahah!)
ALL: E di preno! hahahah!
Panic mode kasi!

Ang kulit talaga! Andami kong bloopers nakakainis. Siya kuya ikaw na bida. Ikaw na mainam. Ihulog kita diyan e. hahah!

Napagod ako at nahilo. Bago matapos ang post na to, popose muna ako ha. Mawalang galang na. hahaha! ^_^


Until next time!

Friday, August 12, 2011

Chambang Aerial Shots

I started roaming around the Philippines for the past few months and I still find it amazing that for every destination I've been, nothing seems to disappoint me when it comes to aerial view. If I'm traveling, be it night or day, you'd probably see me at the window seat. Que se hodang may epal pang pakpak yan. hahah! (sabay nag tagalog e no.) I'll be out again soon and I'm sure new items will be added on my collection. I only use point-and-shoot cam by the way. DON'T expect too much. hahah! lol! Care to take a look at a few?



My excitement meter exploded when I saw this before arriving in Busuanga, Palawan.

Palawan indeed ayt? Ang buntot sa map remember? hihihi


Ang sarap parahin ng eroplano nung nakita ko to. hahah! Kainis! I wish Dora was there to lend me her map as I don't know where we were exactly. Ok lang kahit kalungin ko ang mapanghing si boots. lol!

Oh this one? This is part of the molecular diagram of a substance by the mass percent composition of empirical atomic theory chorva.. (Ano daw?!?!! hahah! Dalubhasa kunyari..)

Ang laking sperm cell no? lol!

I'm pretty much sure it's Mactan and Cebu..  ang hindi maniwala makakalbo!

yang hugis LISA na yan,.. Fast craft from Cebu to Bohol kaya confident ako sa nakita ko sa previous pic. hihhii! mega explain?

huwaw bughaw!
Yung mga susunod na pic... alam kong malapit na ko sa Manila nyan. Hahah! Ang dungis lang..

See?

♫ I keep coming back to Manila ♫ (yes! kahit ganyan ka pa karumi at ka-crowded)
Ang tagal siguro bago natapos ang mapa ng Pilipinas no? Na-appreciate ko ang mga sinaunang tao. Partida walang pang eroplano noon ha! I'm excited to see more of this. I promise I'll do better next time. Pero point and shoot pa rin. I have no plans of buying SLR anytime soon.


Wednesday, August 10, 2011

Premonition

Nagbabalik! Heheh! And as usual, this is not a travel-related post dahil 2 weeks pa bago ako umariba ulit. Kahit pa araw araw akong out-of-town girl (yan ang tawag sakin sa office dahil hindi naman ako taga Maynila at araw araw ako lumuluwas) hindi siya counted. hahah!

I tried writing romantic stories na lagi namang bitin, funny travelogues na kahit hindi ko sadyain e nagmimistulang stress reliever ng iba (lol!), random entries na tipong masabi lang na may naisulat, action film (hahaha! resulta ng pagiging basagulera ko), food review (for obvious reason), secret recipes (frustrated chef ako remember?), so ngayon naisip ko lang... gusto ko naman manakot ng tao. Bwahahahaa! For a change. Try ko lang ha. Pag hindi kayo natakot hindi ko na to uulitin promise.

Based on true story ito by the way. Sa maniwala kayo at sa hindi, e naniniwala ako (naniniwala na kayo? hihihi! gusto ko lang manggulo bakit ba? haha!) We all know what premonition is right? (kung hindi pa e pakipindot na lang ang link... AFTER basahin ang blog ko ok lang?) Recently lang to.. mga 9 years ago. My aunt died due to heart failure. She was my father's sister. I've never seen him cry even when my lolo died dati pa so we did not expect he would cry for her. I even saw him and his brothers together with my other relatives having a couple of drinks during the last wake. So almost all of them had a hangover during burial the next day. (I only have one request.. please don't judge them for doing so.)

Some of our relatives went with us sa dati naming sasakyan. As usual, everyone's crying and all. I admit, I did not cry too because I was not that close to her. Anyway, we thought everything went fine.

I went to Baguio the following day, bakasyon kasi yun and I have an uncle residing there so nakisabay at nakituloy na ko. My parents, however, went home in Rizal.

Hindi pa umiinit ang pwet ko sa bahay ni tito sa Baguio when we got a call. My other uncle which is my father's brother naman, died too. State of shock kaming lahat. Kakalibing lang nung tita ko at ngayon eto na naman. As in hindi kami makapaniwala kasi he was waving his hands pa nung umalis kami sabi ng cousin ko. Nakipaglibing din siya nun. Kasama pa siya sa inuman session ng father ko nung huling lamay. Sobrang down ako nun because he's been so nice to me. Ayoko man, pero nautusan ako to inform my family in Rizal about the sad news. I didn't know how to start. I called my father's phone without any script in my mind. Kahit ano naman kasi sabihin ko, nothing can change the fact that his closest brother died. My mom answered the phone (whew!) After a few seconds of silence, I was able to tell her eventually. I had a hard time saying it I swear. My father, who was beside my mom, was driving at that time. Sabi ko sa kanya wag maingay e but she couldn't compose herself. Ayun, my father knew it. Buti na lang wala naman nangyari sa kanila.

We only slept in Baguio for 1 day and went back to the province the next day. Spell E-X-H-A-U-S-T-E-D. Kala mo nasa kanto lang ang Baguio e no. I saw my father in my uncle's house. Siya lang pala ang umuwi. Hindi ko na maalala kung bakit late nakapunta sina mama. May sakit na pala uncle ko dati pa but he never told his family.

After a while, umalis father ko. I saw him, nasa tomaan ulit. Kinahapunan, lashing na siya. He went back beside my uncle's body.. crying. Dun ko lang siya nakita ng sobrang emotional. As in hagulgol talaga. Naiinis pa ko nung una kasi hindi ko nga siya mapatahan at ayaw pang umalis dun. He's drawing a lot of attention. Until he blurted out the story behind his agony... simula na ng kakilakilabot na pangyayari.

"Nakita ko siya.. wala siyang ulo nung libing." sabi niya bigla. Hello goosebumps talaga. Kinilabutan ako. Nung nasa cemetery pala sila, hindi na siya bumaba at masama daw pakiramdam. So nung isasara na ni papa yung pinto ng sasakyan, my tito was wearing a cap then.. pagka lingon niya daw, nakalutang yung cap at wala yung ulo. My father didn't believe what he saw at first kaya lumingon ulit siya. Wala daw talaga. So kinuskos niya yung mata niya after baka kasi may dumi lang or something. Bumalik na sa dati. So dinedma na niya.

The night after my aunt's burial, everyone went home. Since hindi ako sumama pauwi samin kaya naikwento lang din to. Usually pag uuwi kami sa Rizal, bumubusina lang si papa sa house nila. Pero iba nangyari, bumaba siya at hinanap si tito. His wife said natulog ng maaga coz he's not feeling well. Akala nila normal na hangover lang. So hindi na niya nakita si tito. Last na pala yung sa sementeryo.

Still remember I mentioned nag ba-bye pa siya samin nung kinaumagahan nung pupunta na kami sa Baguio? My cousin saw him sa terrace ng bahay. It's impossible since he was still sleeping at that time sabi ng wife niya. (Btw, yung pinsan ko nga palang yun, madalas siya nakaka-experience ng ganun. Bukas na bukas ang 3rd eye niya). Another instance was during tomaan session nila. May nabasag daw na baso kahit wala naman gumagalaw.

When my tito's wife heard about it, hindi man niya directly sinisisi si papa, parang ganun yung lumalabas sa bibig niya. I can't blame her. Kaya lang, sino ba kasing mag-aakalang totoo ang premonition na yan diba? Akala ko sa movies lang yun. Hindi ko alam kung may pangontra ba diyan. Sabi kasi nila, pag tinapik mo ang taong walang ulo, sayo malilipat ang sumpa. Scary. If ever ako yun, napaka-helpless ng feeling. Sino ba nagpauso ng suggestion na yan ha! Paki ayos! Ayoko naman magpakabayani at ibuwis ang buhay ko no.

Ano keri pa ba? hihihi! Totoong nangyari yan. Kasalanan to ng mga officemates kong nakasama ko nung madaling araw ng weekend. Kulang na lang may apoy sa harapan namin habang nagkukwento isa isa ng katatakutan. Meron na naman daw gumagala sa floor namin nakakainis! Pwede naman hindi na ikwento at sarilinin na lang e. Buti tamad ang third eye kong gumising. Hindi na ko magpapa-abot ng dis oras ng gabi. Baka kung ano ang magawa ko sa multong yan. hahah!

Ichura ng mga napatayan ng kuryente! hahaha! Cheers IT peeps! I had fun! Hanggang sa susunod na Shutdown activity!

Note: Yan pwede ng i-click ang link. hahah! Basura na naman tong post na to. lol!

Saturday, August 6, 2011

7 links: A Walkthrough on my Most Cherished Entries

I really thought this is over until I found my name tagged by Mapanuring Jeff. Talagang binigyan mo ko ng tatrabahuhin e no. hahah! Dinamay mo pa ko. lol! Oh well, since naghihibernate na ang blog ko coz I have nothing to write these past few days, tara na't sabay sabay natin halungkatin ang baul na yan.

Believe me, I read all my blog posts because I find it hard to pick one for every category. hahah! The following lists were chosen for whatever purpose it may serve. lol! (certificate of employment?!)

1. My Most Beautiful Post



My favorite destination deserves it. Naks! As if naman ang dami ng napuntahan. hahah! Well, this was the first time I ever rode an airplane and funny how even until now, it's still on top of my list. I define it as a PERFECT getaway. I'm happy I was able to visit the place before they started building Boracay II and Coral World Park. Dyan ko rin na-realize, kaya pala may pa-series series ang bloggers. Nasobrahan ako sa excitement, mahihiya ang pasyon sa haba. You can just look at the pictures. Anyway, it speaks for itself.


2. Most Popular Post



I just based it on the number of hits. Same with Jeff, I found my blog on the first page of Google. This was supposed to be a movie review but I ended up sharing my own story. hahah! Agaw eksena lang. As what the movie tagline says kasi "Based on a true story of .... EVERYONE." I really thought I had the craziest crush encounters until I found this. Normal pala ko ng lagay na yun. Honestly, the feeling's still there kahit paulit ulit ko siya panoorin.


3. Most Controversial Post



I'm still thinking if it's appropriate to say it was indeed controversial. Let's just say, I chose this because my experience was something unexpected. I should've change the title to "Traumatized in Paradise". hahah! I've had a lot of close encounters with either porter (Malapascua) or driver (Bohol) or tour coordinator (Camiguin) but this was the worst. Sha ako na bayolente. hahah! Sabi nga sa nabasa ko "well behaved women rarely make history" Raaawr! hahah!


4. Most Helpful Post


Bohol Series

First time ko sinipag maglagay ng detailed expenses. Simula sa Countryside tour, EAT Danao, BBF, Balicasag Island, Panglao Island Nature Resort up to Citadel Inn nandun lahat. My friends say they'll use my entries when they visit Bohol too. So I guess helpful nga siguro siya.


5. A post whose success surprised me



Naging usap-usapan yan ng sangkalahian namin. hahah! Even my non-blogger friends noticed this. My mom only knew it when her kumare, who happened to be my FB friend, told her. She's a best friend to me. I can easily tell her stories about anything or even boys mind you. She even introduced me to her friends' sons specially if alam niyang type ko. Ang cool diba? Kunsintidora. hahah! I was surprised lang kasi it was supposed to be a simple birthday letter lang pero umani ng mga heartwarming comments sa ibang tao.. ang sweet ko daw. lol!


6. A post I feel didn't get the attention it deserved



I had the best childhood experience I must say. Maka-mundo. lol! This was not given much attention siguro dahil I was just a newbie then. Ewan. hahah! I chose it because I would really like to share this to everyone. Chance ko na to. hahah! Take a peek on my childhood..you'll surely wish you were my playmate. ^_^


7. The Post I am Most Proud of


It was the biggest achievement of my life so far. I'm sure most of you have read it. I'm happy because I made my family very proud (hindi man nila sabihin dahil hindi kami showy). I used to tell them I only wanted to be a Fishball vendor or a Cashier in a department store when I grow up (seryoso yan). hahah! Thanks to the people who have been there for me. Pwede pa pala ilevel up ang pangarap ko. hahah! May ari na ko ngayon ng isang department store. Chos! hahah!! My dreams are falling into place. Yan na ang simula..

Hay natapos din. I won't be tagging anyone since almost all of my blogger friends were tagged in. Bawal ang solian ng kandila. hahah! Enjoy!

Thursday, August 4, 2011

Pag walang maisulat...

Since I won't be traveling anytime soon, and bored with what I'm seeing on my page for the past 5 days, I'll just write about anything. And when I say anything, it's something you can just ignore I swear. Bear with me. Ganito talaga mga nag-aadik. It's up to you.. choice nyo yan. hihihi!

Still remember my ultimate goal last March? Well, I was just tagged as an overweight then for the first time in my 25 years of existence. lol! Sampal talaga sakin. I remember I even challenged myself I won't have a lovelife if I won't be able to meet my ideal weight. hahah! Takutin ba sarili? To give you an update, this is my 5th month already but I only lost tumtaginting at nagsh-shining shimmering na 2 pounds (toink! yan ang epic fail!) Something I shouldn't be proud of.

I realized, masyado ko palang pinahirapan ang sarili ko during the first few months. I joined a running club at Ayala Triangle, climbed Timberland Heights every weekend, nag-bike every morning on weekdays, active activan sa badminton, tried bowling once in a while (as if naman pagpapawisan ako dun), took a few slimming tea that leads to a major FORGETTABLE yet unforgettable moment (don't ask me coz I won't tell you. haha!)  hay!


So hindi ko naman masyadong sineryoso no? hahah! These past few days, napapansin lagi ni boss figure ko. (Ehem!) "Aba pumapayat ka na ah.. SINO na naman pinagpapa-cutean mo ha?!" Ang lagi kong reply na memorize na memorize na niya "Nasa damit lang po yan." hahah! Salamat sa blusang itim. Chos! I always wear black whenever I feel there's something wrong with my body.. ipinaglalamay ko ang katabaan na yan. hahah! Medyo naiinis lang ako when someone associates my effort with "SINO? or PARA KANINO KA NAGPAPA-CUTE?" Uhm. excuse me. I don't do it for anyone else. MAHAL KO LANG ANG SARILI KO (tapos may papalakpak na audience sa background.) Ganyan dapat ang sagot! Bwahahha!

So far so good. I don't want to deprive myself anymore. Keri lang. Wag ng masyadong effortan at wala naman nangyayari masyado. hahah! Mas masarap kumain kesa mag diet. hahah! My goal is still there but I'll give extension to myself. Natakot sa sumpa e no? hahah! Gagawin ko na siyang 1 year.

To celebrate the 2 pounds I've lost... I have to reward myself. Hihihi!

Bought my favorite donut kagabi may promo kasi Buy 6 take 6
 
Gonuts overload!

Mama! Come and get me! hahah!
 Don't worry Ma, I only ate one. Binaon ko yung isa kanina. Eat the rest except Pooh ok?!